Chapter 40

16.7K 439 28
                                    

Kristoff's POV

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nangyayari sakin to. Tila mukhang imposibleng mangyari ang mga bagay nito sakin ngunit nagkamali ako. Nangyari lahat ng gusto kong mangyari at di ko akalain na makukuha ko pala yung pinakamasungit ngunit napakagwapong boss ko, si Ynigo.

1st date

Unang araw nang aminan naming dalawa eh gusto niyang magbonding raw kami. Gusto niyang kumain. Eh ako naman gutom, um-oo na ako. So nagdecide siya na kumain sa restaurant, I declined.

"Dun nalang tayo sa trinatrabahuan ko noon, masarap dun!" offer ko kay Ynigo.

Buti nalang pumayag siya. Gusto ko ring bistahin si Jeff doon no, namiss ko kaya siya saka yung mga officemates ko.

Bumaba agad kami at nag-umpisang maglakad.

"Stoff," tawag ni Ynigo sakin.

"Yes, boss?" sabi ko.

"Ayan ka nanaman." sabi niya.

"Ay sorry. Bakit Ynigo?" sagot ko.

"Okay lang ba sayo maglakad tayo?" sabi niya.

"Oo naman no? Bakit naman hindi?" sabi ko.

"Akala ko kasi,"

"Ano ka ba? Sanay akong maglakad no? Baka ikaw ang hindi okay." sabi ko.

"Hindi nga ako masyadong naglalakad ngunit gusto ko kasi na mahaba ang oras ng pagsasama natin. Gusto kong isulit lahat ng oras na kasama ka." seryosong sabi niya sakin.

"Aba aba, nagtatagalog ka na? So proud of you." sabi ko sabay slow clap.

"Seryoso ako, Stoff. I really like to spend my whole time with you. Every second, minute, hour, day, week, month, year, decade, century and the rest of my life." sabi niya.

Alam kong corny pero grabe kinikilig parin ako. Grabe siya kung makapagbigay ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Ngumiti nalang ako bilang tugon.

"Ayaw mo ata eh, di ka umimik." sabi niya.

"Syempre gusto no, kinikilig lang ako." sabi ko.

Ngumiti siya at inakbayan ako.

"Sus, kinikilig ka diyan. You're so damn cute." sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

Naglakad lang kami habang nakaakbay siya sakin. Minsang nacoconscious ako dahil grabe kung makatingin ang mga tao samin. Pwede na kaming matawag na "head turners". Tinignan ko si Ynigo kung anong magiging reaksyon niya, kalma lang at nakangiti. So ginawa ko rin ay nakangiti at dinedma lahat ng mga tao sa paligid.

Nakarating na kami at agad pumasok sa loob. Una bumungad sakin yung manager ko.

"Ma'am?" sabi ko.

Lumingon siya at nanlaki ang mata.

"Kristoff?" sabi niya din.

Agad ko siyang niyakap. Nakakamiss pala ang mga tao dito.

"Kamusta kana?" sabi niya.

"Okay lang po. Kayo po?" sagot ko.

"Okay lang din. Si Ynigo ba yang kasama mo?" tanong niya sakin.

"Opo ma'am, bakit?" sabi ko.

"Diba siya yung suplado na nagmamay-ari ng kumpanyang trinatrabahuan mo?" sabi niya.

"Di po siya suplado, wait po." sabi ko at tinawag ko si Ynigo.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon