Chapter 23

17.3K 650 40
                                    

Dumiretso kami sa isang sikat na hotel dito sa Davao para magstay for 1 week. Naeexcite ako na ewan. Basta, parang may magagandang magaganap dito sakin.

Tumungo kami sa front office para mag-inquire. Well, si sir Marco nanaman ang nagbitbit ng maleta ko. Si boss? Ayun, kasama niya si Danielle. Hays.

"Yes sir?" sabi nung babae nang nakalapit na kami sa front office.

"Magkano ang stay dito for 1 week?" sabi ni boss Ynigo sa babae.

"17,500 per week sir." sabi nung babae.

"Oh ano? Ayos lang sa inyo dito na tayo?" sabi ni boss samin.

"Oo. Okay na to dito." sabi ni sir Marco.

Tumango naman si boss at nagsalita ulit sa babae.

"Room for 4 miss." sabi ni boss.

"Ay sir, iba po yung room ng girls." sabi nung babae.

"Babe, dun nalang ako magstay sa friend ko. Don't mind me. Okay lang ako." sabi ni Danielle kay boss sabay ngiti.

"Sigurado ka?" sabi ni boss. "Pwede ka naman dito magstay."

"No. It's okay. I can handle." sagot niya muli.

"Okay as you wish." sabi ni boss at nagsalita muli sa babae. "Room for 3 nalang miss."

Ibinigay naman ng babae yung susi ng room namin at ngumiti.

"Room 554 po." sabi niya.

So kasama ko sa kwarto ang dalawang lalaking to? Naku naman. Di ko yata kaya eh. Oh help me please?

"Sige babe, puntahan ko muna yung friend ko. Text mo lang ako okay?" sabi niya sabay kiss si cheeks ni boss.

"Okay. Take care." sabi ni boss.

Agad na kaming pumunta sa room namin. Inilagay kaagad namin yung mga gamit namin sa gilid.

Ang ganda ng room. Simple at attractive yung mga colors. May tatlong bed, 1 table tsaka 1 cr. Okay na, mabubuhay ka na dito.

"Atlast!" sabi ni sir Marco sabay higa sa kama. "Pahinga muna tayo please?"

"Wait. Yan na ang kama mo ah?" sabi ni boss.

"Okay." tugon ni sir Marco.

"Dito nalang ako." sabi ko sabay turo sa nasa gitna na kama. Feelingera ako eh hahaha.

"Okay. Dito nalang ako." sabi ni boss sabay upo sa gilid na kama.

Ang lambot ng kama at ang bango ng mga kumot at unan. Ang sarap siguro nito yakapin pag oras na ng pagtulog.

Kinuha ni boss yung cellphone niya at nagpadeliver ng makakain. Mabuti naman dahil gutom narin ako char hahaha.

Maya maya ay dumating na yung pinadeliver ni boss. Binuksan niya ito at kinuha niya yung order tsaka din niya inabot yung perang pambayad.

"Oh kain tayo." sabi ni boss sabay lapag ng order niya sa lamesa.

"Tulog na po si sir Marco boss." sabi ko sakanya.

"Edi tayo nalang." sabi niya sakin sabay upo.

Hala? Feel ko tuloy parang date. Omyg wag mag assume.

Tumayo ako at umupo din. Inabot niya sakin yung isang piraso ng pizza. Kinuha ko ito agad at inilagay ito sa plato. Kinuha ko yung ketchup at nilagyan ang pizza.

Habang kumakain kami ay sinusulyapan ko si boss. Ang gwapo niya talaga, as in! Walang halong biro. Ang gwapo niya parin kahit kumakain. Ano bang meron sakanya at parang attract na attract ako sakanya? Boss!

Nabilaukan ako. Ubo ako ng ubo habang hinahawakan yung dibdib ko. Mukhang nataranta si boss kaya kumuha siya agad ng tubig sa gilid at inabot sakin.

"Here." sabi niya sakin.

Kinuha ko ito agad at ininom. Haaaaaay. Ano bang nangyayari sakin?

"You okay?" sabi ni boss.

"Yes boss." sabi ko sabay hawak parin sa dibdib.

"Dahan dahan kasi. Di ka naman mauubusan eh." sabi niya sabay tawa.

Hala? Tinatawanan ako? Kung alam mo lang na ikaw ang dahilan kung bakit ako nabilaukan. Hays.

Tumawa nalang ako dahil di ko alam ang isasagot ko.

"By the way, where did you live again?" sabi niya sakin.

"Isang probinsya po sa Cebu." sabi ko.

"Ah. Ang ganda dun ah? Bakit di ka nag-aral dun?" sabi niya sakin.

"Kasi po noon, habang nag-aaral po ako, wala pa masyadong maayos na paaralan para sa kolehiyo. Late na po lumabas lahat ng magagandang schools doon. Sayang nga eh." sabi ko sakanya.

"Ganun ba?" sabi niya.

Nag-usap usap lang kami tungkol sa buhay ko. Tanong siya ng tanong sa akin ng kahit ano. Napaisip tuloy ako kung interesado ba siya sakin, ay char wag assuming.

Maya maya ay bumangon na si sir Marco at napakusot ng mata.

"Sorry nakatulog ako. Napagod kasi ako eh." sabi niya sabay tayo at lumapit samin. Kumuha din siya ng isang pirasong pizza.

Matapos kaming kumain ay agad na akong dumiretso sa kama para magpahinga. Sabi kasi ni boss na magrelax muna. Bukas na raw kami mag-reresume sa plans namin.

Sumandal ako at naglaro sa cellphone ng games.

Nabigla ako ng humubad ng shirt si boss Ynigo. Napadilat ako sa nakita ko. Oh wow! 6 pack abs men! Wooh. May V-line pa. Boss naman eh!

Napaiwas ako ng tingin dahil baka san pa mapunta ang iniisip ko.

"Hey bro." sabi ni sir Marco.

"Oh, sorry. Di kasi ako makatulog kapag may shirt." sabi ni boss.

Okay lang boss no? Okay lang talaga, okay na okay na okay!

"Ah ganun ba?" sabi niya. "Actually, ako rin eh." dagdag niya at tumayo din siya.

Nabigla din ako sa inasal ni sir Marco. Hinubad din niya yung shirt niya. Ghad ano bang ginagawa ng mga lalaking to? Nakikipagkompitensya siya kay boss? Hay nako sir Marco, kahit kailan ayaw mo talagang magpatalo. Ugh. Maganda din katawan niya.

Nakita ako ni sir Marco na nakatingin sakanya. Nagsmirk siya.

"Ikaw pare, hinuhubad mo ba yung shirt mo?" tanong sakin ni sir Marco sabay ngiti ng nakakaloko.

Ano bang ginagawa niya? He wants me to take my shirt off? Oh come on! Noooooooo! My breast!

"No. Di ako sanay." sabi ko. "Tsaka, malamig na eh." dagdag ko with matching lalaking boses.

"Ganun ba? Okay." sabi niya sabay kindat.

Oh. Shit.

Sa mga kaganapan dito ngayon sa hotel, humiga na ako at tinabunan yung mukha ko ng unan. Ayokong makakita ng mga gwapong mga nilalang na nakashirtless! Baka ano pang maisip ko. Oh tukso, layuan mo ko!

Hanggang sa nakatulog na ako sa posisyon kong iyon.

HEY GUUUUUUYS! I MISSED YOU ALL! How are you? Sorry kung very late update. Sunod sunod kasi yung mga activities na ginagawa namin eh. Mapapatawad pa ba ako? Slow yung flow ng story no? Yeah, I know that. But I'll try na medyo madaliin to para naman exciting.

I was shocked na nag 14.4k reads na and 1.1k votes. Oh wow! I didn't expect that to happen. But then, I'm thankful for supporting my story, My Boss. Thank you! :) And sa mga comments, kinikilig ako dahil nag-aabang talaga kayo. Awweee :"> thank youuuu.

PS: Bare with me guys, malapit na mag-end yung semester and guess what? Makakaupdate na ako. Yehey! Magdiwang. Share ko lang, may crush ako taga Pharmacy Program sa pinapasukan kong University here sa Davao. Hays! Inspired ang author niyo, so yun lang. Hehe. :*

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon