U. Miracle or Evil's Rise?

226 11 0
                                    

U. Miracle or the Evil's Rise?

Akeos' POV

Wala paring malay si Papa buhat ng pagkakastroke niya. Isang linggo na siya dito at baka abutin daw ng dalawang linggo ang pagkakahimlay niya sa kama sa hospital. Nahihirapan man kami pero wala naman kaming magawa dahil kitang-kita naman sa mga result ng araw-araw na pagche-check up sa kanya na hindi pa maayos ang lagay niya.

Kahit na ganun ay nagpapasalamat parin ako dahil umabot siya rito at may pag-asa pang mabuhay.

Ang katawan ng hardinero namin na ginamit ni Devi ay natagpuan sa likod ng bodega namin na lusaw na. Marahil ay tinunaw niya ito gamit ang lye solution o mga muriatic acid.

Hindi naman makapaniwala ang iba namingmga kamag-anak dahil sa mga nangyari. Ang sabi nila ay baka nagkasaltik na ang lolo ko ngunit alam naming hindi siya ang may gawa noon.

Ang katawan ni Lolo Vlad ay ipina-cremate  nalang namin sunod sa kagustuhan ni Lola. We mourned for him also, kahit na ang katawan niya ang dahilan kung bakit ganito si Papa ngayon at nasa rehab si mama dahil na-trauma siya sa nangyari.

Hindi man kapanipaniwala na hindi si Lolo kundi si Devi ang nasa katawan.

"Oh Sandra? You're here.!" masiglang bati ni ate kaya naman napalingon tuloy ako sa kanila.

Nakita ko naman si Sandra na may bitbit na bulaklak na para ata kay Papa. Naanggit kasi ni ate na may-ari raw ang mama niya ng isang flowershop at baka siya ang naatasan na magdeliver nito ngayon.

Naka simpleng tshirt lang ito at skinny jeans. Nakatali rin ang kanyang buhok.

"Kamusta na si Tito?" tanong niya kay Ate na hindi manlang ako nilingon. Pambihirang babae.

Dahil siguro naka-cast ako ngayon at puno ng band-aid ang mukha. Pero kahit na, dapat pinansin niya parin ako.

Inilapag niya ang basket ng bulaklak sa isang lamesa. Ang ganda, ng bulaklak na dinala niya.

"Ayun, ganun parin. Pero baka abutin ng dalawang linggo ang recovery niya. Salamat pala sa paghatid ng bulaklak." sabi naman ni ate.

"Walang anuman. Sige, alis na ako. Dumaan lang talaga ako dito para sa bulaklak." sabi niya at naglakad na palabas ng kwarto. Talagang pinanindigan niya na hindi ako pansinin?

"Hoy! Bakit aalis ka na agad? Di mo pa ako pinapansin!" biglang bulalas ko kaya natawa si Ate. Ngunit parang wala lang para sa kay Sandra dahil wala siyang reaksiyon. Gusto kong maasar sa sarili ko ngayon.

"Bakit Aki? Ayaw mo ba siyang umalis at samahan ka dito?" pangungutya ni Ate sa amin kaya naman medyo nahiya ako. Si Sandra naman ay pangisi ngisi nalang ngayon.

"H-hindi ah! Sige umalis ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya at tinulak pa siya palabas ng silid ni Papa.

"Ahahah! Epic ka Aki! Dumadamoves ka na ah?!" pangungutya sa akin ni Ate na may kasama pang paniniko sa aking tagiliran. Sumakit tuloy ang pasa ko roon.

"Aray naman Kiera! Yung pasa ko." reklamo ko sa kanya pero tumatawa lang siya habanag hawak hawak ang tiyan.

"Sige na. Sundan mo na kasi. Halatang may gusto ka naman sa kanya eh." mapang-asar na sabi ni Ate sa akin. Hindi ko naman mawari kung bakt bigla akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon sa sinabi niya. Kalokohan.

Wala sa sariling sinundan ko naman siya habang nakasaklay ako. Mukha akong isang mami na taga-ehipto sa aking hitsura. Balot ng bandage.

Buti at hindi pa siya nakakalayo kaya mabilis ko siyang nasundan.

"Hoy!" agaw ko ng pansin sa kanya at nilingon naman niya ako.

"Bakit?" tanong niya sa akin. Medyo nailang naman ako sa diretsong titig niya sa akin kaya imbis na mapatingin ako sa mata niya ay napako ang tingin ko sa kwintas niyang isang tila ba isang diyamante na ikinulong sa isang itim na bakal. Napakaganda ng hitsura noon.

"May balak ka bang hingiin ang kwintas ko?" pagtatanong niya sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako roon.

"Hindi ah.  Pinapatanong lang ni Ate kung anong buong pangalan mo." nauutal kong sambit. Halos mapamura naman ako ng mapagtanto ko ang aking mga huling sinabi.

Pakiramdam ko ay ang bobo ko dahil magkaibigan pala sila ni Ate Kiera.

"Alam na ng ate mo na Cassandra Gabriel ang buong pangalan ko kaya sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin dahil madami pa akong gagawin." kaswal na sambit nito kaya bigla akong nagpanik sa loob loob ko.

Bakit ba ang hirap makipagusap sa harap ng babaeng 'to? Napailing tuloy ako.

"A-no....gutso ko lang magpasalamat sa pagligtas mo sa akin sa gubat. Kung hindi dahil sa'yo baka namatay na ako." Nakahinga ako ng maluwag ng nasabi ko na iyon sa kanya.

"Wag ka munang magpasalamat sa akin. Hindi pa tapos ang laro." makahulugang sabi niya at tuluyan ng umalis.

Hindi pa tapos ang laro? Anong ibig niyang sabihin doon?

"Aki! Aki! Gising na si Papa!" rinig kong sigaw ni Ate kaya naalarma ako at mabilis na bumalik sa kwarto ni Papa.

"He's awake! Good Lord!" rinig kong sigaw ni ate habang hindi parin makapaniwala sa nangyari.

Hayun at nakita ko nga siya na nakaupo na sa kama at tila ba wala lang nangyari. May kakaiba lang dahil diretso lang itong nakatingin sa pader na tila ba wala sa sarili.

"I cant believe this." rinig kong boses sa likod kaya napalingon ako sa kanilang dako at tama nga ang hinala kong ang mga doktor na tumitingin kay papa iyon.

Kaya dali dali nilang ini-examine si Papa at nakakagulat ang naging resulta.

"This is indeed a miracle. Ang bilis na naka-recover ng kanyang katawan and the result shows that there is no even a sign of comlications in his heart. Para bang wala lang nangyari." hindi makapaniwalang bulalas ng doktor.

Pa-panong nangyari iyon kung ang sabi ng doktor ay dalawang linggo pa bago siya magising? Hindi kaya...........

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now