F. January 4, 2*** [2]

343 12 0
                                    

January 4, 2*** [2]

'Wala silang CCTV at magisa lamang siya' rinig kong bulong sa akin ni Devi. Kaya mas lumawak ang ngisi ko.

Tuluyan ko na ngang pinasok ang bahay nila. Napakatahimik dito,diary. Tanging mga yabag lamang ni Bella ang naririnig ko at mga alingisngis sa labas ng bahay.

May kalakihan naman ang bahay nila ngunit kung ikokompara ko ito sa aming bahay ay tiyak na mas malaki ang bahay namin rito.

Naabutan ko siya na nagluluto sa kusina nila. Amoy na amoy ko ang niluluto niyang adobo dahil sa halimuyak nito. Lumakad ako papunta ron at tamang tama na nakatalikod siya sakin.

Iginala ko saglit ang aking mga mata at nakita ko ang wire ng charger niya kaya kinuha ko iyon at hinawakan ko ng mahigpit sa magkabilang dulo nito.

Naglakad na ako ng tahimik sa kanya at bago pa siya makaharap sa akin ay tuluyan ko nang ipinalibot ang wire sa kanyang leeg at hinila ito ng buong pwersa upang masakal siya. Sinubukan niya akong abutin sa likod ngunit nakakaiwas ako.

At para masigurado kong mamamatay siya ay ipinadapa ko siya sa sahig at tinapakan ang likod niya. Ginamit ko lahat ng lakas ko at sobrang natuwa ako ng maputol ang leeg niya at tumilapon iyon.

Pumulandit naman ang masaganang dugo mula sa kanyang leeg. Sayang saya ako sa aking nasaksihan, diary. Isa iyong napakagandang tanawin para sa akin.

Natawa ako ng sobrang lakas dahil sa sinapit niya. Bilib na bilib ako sa aking sarili, diary.

Ang ulo niya naman na naalis ay aking nilapitan at binuhat gamit ang pagsabunot sa buhok niya na basa na ng dugo.

Nakakatwa ang hitsura niya dahil nakabukas pa ang bunganga niya na animo ay umuubo at dilat na dilat ang kanyang mga mata.

Ang kanyang mga mata. Pares ng mata na laging umiirap irap sa akin. Ngayon ay mga matang takot na takot na.

Para mailabas ko ang aking prustrasyon ay kinuha ko ang kutsara na nakapatong sa mesa at itinurok iyon sa kanyang kaliwang mata.

Tumatawa ako habang pinipilit na mailabas ang mata niya. Ngunit napasimangot ako nung napisa iyon na lumabas. Isinubo ko na lamang iyon at namangha ako sa lasa nito.

Manamis namis na medyo mapait, pero masarap iyon. Nang isang matigas na parte nalang ang naiwan ay idinura ko na iyon.

Binalingan ko naman ang kanang mata niya at maingat na inalis yun mula sa kanyang ulo.

Sobrang tuwa ang naramdaman ko ng buo iyon na mailabas at may kadugtong pang malaking ugat . Agad ko naman na isinubo iyon at mas namangha ako dahil di hamak na mas masarap iyon kumpara sa kaliwa.

Gaya kanina ay idinura ko na iyon nang matigas na parte na lamang ang naiwan.

Tinignan ko ang ulo nito na kitang kita ang dalawang butas kung saan umaagos ang dugo.

Simula ngayon ay wala nang pares na mga mata na iirap pa sa akin at titignan ako ng masama.

Naaamoy ko ulit ang aroma ng niluluto niyang adobo kaya naman napagpasyahan kong iluto nalang ang karne niya bilang adobo.

Ginamit ko ang aking mga kutsilyo upang humiwa ng karne at iniluto iyon na adobo.

Mamulamula na medyo kulay brown ang kinalabasan nito. Napakabango ng halimuyak nun na malansa lansa pa.

Nang isinubo ko na iyon ay halos mapaungol ako sa sarap. Napakagaling ko palang magluto, diary. Papasa na ako sa isang culinary school.

Inubos ko na iyon ng walang preno hanggang sa mabusog ako.

Napakasarap pala ng adobong karne ng tao diary. Gusto ko sanang magluto ulit nito.

Kaya naman ay kumuha ulit ako ng karne ni Bella at isinupot ko iyon at nilagay sa isang baunan saka ko iyon isinilid sa aking bag.

Isinako ko na ang ang putol putol na katawan niya at nilagyan iyon ng mabibigat na mga bato at itinapon ito sa isang malalim na ilog sa gitna ng gubat. Wala nang makaka-alam pa.

Nilinis ko na ang mga ebidensiya laban sa akin at nilinis ko narin ang suot at katawan ko. Dahil black naman ang bestida naming uniform ay hindi na iyon nahalata pa. Inalis ko nalang ang medyas ko na may bahid ng dugo at isinuot ang sapatos ng walang medyas.

 Malapit ng magdapit hapon ay umuwi na ako.

Napakasaya ko paguwi ko dahil magiging maayos na ang pagpasok ko sa paaralan bukas. Wala nang pares ng mata na iirap sa akin. Wala na.

Inilagay ko sa ref nain ang karne ni Bella. Hindi naman iyon mahahalata dahil may mga karne naman ng baboy sa aming ref. Puro rin laman ang aking kinuha kaya hindi na iyon mahahalata.

Nagmamahal,

Ysa

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now