G. January 5, 2***

363 16 0
                                    

January 5, 2***

Dear Diary,

Ang ganda ng pasok ko dahil iniluto ni Mommy na umagahan namin ang karne ni Bella bilang pork chop.

Nung una ay nagtaka sila Daddy dahil mas masarap daw iyon keysa sa dating karne na bibibili ni mommy. Siyempre ay natuwa ako doon dahil nasarapan sila mommy sa karne ni Bella.

Kaya sa susunod ay mag-uuwi ulit ako ng karne ng tao lalo na ngayong nalaman kong gusto pala iyon nila mommy.

Ngunit nagpaalam sakin sila mommy na mag-a-out of country daw sila ni daddy dahil sa business nila. Gustuhin ko mang sumama ay hindi maaari sahil sa aking pag-aaral. Iniwan naman nila sakin ang malaking halaga ng pera dahil baka abutin daw sila ng isang linggo doon.

Malungkot man ay medyo napanatag ako doon dahil maaari akong pumatay at mag-uwi ng bangkay sa bahay,diary, kung gugustuhin ko man.

Anim na ang napatay ko, apat na lang rin ang kailangan at mayroon na lamang akong limang araw para isagawa ito.

Nakasalalay sakin ang kaligtasan ni Devi.

Nang oras na ara magmeryenda ay pumunta ako sa soccer field, sa ilalim ng malaking puno upang dun magmeryenda. Ayaw kong makihalubilo sa iba dahil huhusgahan lang din nil ako.

"Mag-isa ka na naman."

Sa boses palang niya ay kilala ko na kung sino siya. Ang kaisaisang kilala ko na marunong ng teleportation.

"Nandiyan ka naman na, kaya hindi na ako mag-isa." sagot ko naman. Naramdaman ko ang pagupo niya sa tabi ko kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bahagya ng makita kong maayos na ang hitsura niya. Hindi narin gutay gutay ang kanyang damit at may sapatos na rin siyang suot. Kahit na may mga bakas parin siya ng sugat sa braso at mukha.

"Unti unti nang nagbabago ang hitsura mo." papuri ko sa kanya na ikinangiti naman niya kaya lumitaw ang pares ng pangil niya.

"Oo. Malapit na kasi eh. Halos kalahati nalang. Kaya galingan mo sa pagpatay." sambit niya sa akin.

Tinitigan ko naman ang kanyang mukha na pamilyar sa akin. Hindi ko mawari pero parang nakita ko na siya noon.

"Nagkita na ba tayo dati? Ibig kong sabihin ay noong bago kita nakita sa bahay ni lola." tanong ko sa kanya na bahagyang ikinagulat niya naman kaya napatingin siya sa aking gawi.

"Hindi. doon lang din kita unang nakita." sambit niya. Napuno ng kyuryosidad ang aking utak. Hindi ko mawari pero maraming tanong ang bumabagabag sa akin.

"Ngunit ano ang klase ng buhay na meron ka bago ka naging ganyan?" tanong ko sa kanya.

"Isa akong mamamatay tao. Nagnanakaw ako at gumagawa ng iba't-iba pang masamang bagay." sagot niya nang buong pagmamalaki. Pinagwalang bahala ko na lamang iyon dahil narinig ko na ang tunog ng kampana, hudyat na kailangan na naming bumalik sa mga clasroom namin.

Habang nagkaklase kami ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Devi tungkol sa nakaraan niya. Kung mamamatay tao siya, bakit may pagkakataon pa siyang maibalik sa dati? Dapat tuluyan na siyang namatay.

Pero kung makakapatay na ako ng sampu, at babalik na siy sa dati, maiiwan pa ba sakin ang galing kong pumatay?

Ginugulo na naman ni Devi ang isipan ko.

"MS. BUENDIA?! Are you with us?!! Kanina ka pa nakatulala diyan sa bintana? Kung gusto mong lumabas ay sabihin mo lang!!", singhal sakin ni Sir Damian na nakapagpabalik sa akin sa ulirat. Nagkaklase pala kami.

"Ano? Gusto mong lumabas?!" singhal niya ulit sa akin kaya lalo akong pinagtitingnan ng aking mga kaklase. Nakaramdam ako ng galit sa kanya dahil sa pagpapahiya niya sa akin. Ngayon ay pinagtatawanan na nila ako.

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now