"You have not yet experienced supreme divination. Your abilites basically improved. Three, you can't change the color of your eyes back to the way it was... maybe..." lumingon si Kerensa kay Doc na napasinghap.

"It's permanent." dugtong ni Doc.

"What do you mean by permanent?" nakapameywang si Ria.

"It means her eyes were meant to be the shade of purple in the first place. It means she was born with it." si Kara ang sumagot.

Nagkaroon ng katahimikan pagkatapos marinig ng lahat ang sinabi ni Kara.

Nag echo ang boses niya sa utak ko.

Nakatitig kaming lahat kay Cesia na katulad namin, ay wala ring alam sa nangyayari. Kung bakit at paano.

Pumasok sa isipan ko ang background ni Cesia. Ang history niya.

Isa nga siyang demigod. Nanay niya si Aphrodite. Tatay niya ay si Gabriel na isang mortal...

is he?

Sa pagkakatanda ko, may iba pang deity si Cesia. Sinabi rin ni Kara noon na nakita niyang may kakaiba pang kulay ang mga mata si Cesia. Hindi brown.. nor purple...

Ngayon, kulay royal purple ang mga mata niya... at nasa normal state pa siya.

Paano kung magsu-supreme divination na siya?

Ibig sabihin.. mas makapangyarihan ang unknown deity niya.. Mas lumalamang kasi ito sa dugong Aphrodite ni Cesia.

Anak ng-

Sino ba talaga ang deity na yan at bakit mas malakas pa siya kay Aphrodite na isang Olympian goddess?!

•••

Bumalik ako sa dorm mag-isa. Sinabihan kasi kami ni Doc na hayaan nalang si Cesia na magpahinga sa clinic.

May pupuntahan silang lahat maliban nalang sa'kin. Yung apat na boys, nasa refugee camp sa ibaba. Tas sina Ria at Kara naman, kasama ang mga huntres at amazons.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang marinig kong may kumakatok mula sa labas.

Matutulog na ako eh no?

Padabog akong pumunta sa pinto at binuksan ito.

Umayos ako ng tayo nang makita si Marcus na nakatayo sa labas.

"Thea... did you leave this?" bitbit niya ang isang maliit na box.

Kinuha ko ito at nginitian siya.

"Oo... salamat.." ito yung box na iniwan sa temple ni Chronos. Naglalaman ito ng mga sulat na galing kay Matilda.

Pero mukhang di ko na 'to kailangan. Alam ko na kasi ang katotohanan.

"Thea.. I'm sorry.. pero may hiningi ka ba mula sa kanila sa araw na 'yon?" nag-aalala niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. Mayamaya, natatandaan ko na ang tinutukoy niya.

"Ah.. yun bang bumisita ako sa templo ng mga primordials gods para magdasal..? Ano... nagwish ako na tulungan nila kami sa paparating na rebellion.. yun lang.." sagot ko.

"Is that all?" tanong niya.

Sinubukan kong i re-call kung may sinabi pa ba ako noon.

"Ah.. sabi ko rin na ibibigay ko lahat kapalit ang tulong nila..." dagdag ko.

"Oh Gods." napailing siya.

"Bakit?" nagtaka ako.

"Apparently, they heard your prayer." bakas sa boses niya ang takot. "They sent me visions. They say they will help you."

Narinig ng primordial gods ang panalangin ko?

Oh wow. Unexpected yun ah.

Napangiti ako. "Yun naman pala eh! Ba't ganyan reaksyon mo?"

Malay ko ba nag e-exist pala ang mga primordial gods hanggang ngayon. Sila pa naman ang gods bago ang mga titans. Sila ang personification ng mga pinakaunang elemento sa buong universe.

Kaya nga primordial gods ang tawag sa kanila. Wala silang ama at ina. Galing sila sa wala. Literal na wala.

Ayon sa Greek Mythology, galing sila sa void na si Chaos. Ah basta. Ang haba ng creation story nila. Nakakalito nga kasi ang daming versions ng kuwento.

Kung tutulungan nila kami, matitiyak ko na ang panalo namin.

"Narinig nila ang hiling mo particularly because you said you were willing to offer them anything." ani Marcus.

Binibigyan niya ako ng nakakatakot na vibes ngayon pero kinibit balikat ko lang ang sinabi niya.

"Kung hihingin nila ang virginity ko, well.. in their dreams dahil ibibigay ko lang ito sa future hubby ko." tinaasan ko siya ng kilay.

Gago lang? Alam kong uso sa mga gods ang grabeng sacrifice. Pati virginity inaalay. Kadalasan virginity ng mga babae since mga manyak kasi tong mga lalaki.

Sa susunod magrerequest ako ni Artemis na mag assemble ng followers niya na mga lalaking virgin... frat kumbaga. Frat ng mga pure boys. Exclusive for pure boys onleh. Heh.

Sure akong mabibilang lang ang mga miyembro.

"No Thea." naging seryoso ang boses niya. "Kailangan mong makinig sa'kin."

"Ano nga?" Ibinaling ko ang atensyon ko sa pinag-uusapan namin ni Marcus.

"They are asking for a person's life."

Natawa ako ng mahina. "Good luck dahil wala akong papatayin para sa kanila. Di rin ako mag su-suicide para sa kanila." medyo harsh pero sinara ko kaagad ang pinto.

Masyadong old-fashion! Ba't hindi chocolates or flowers ang hingin nila? O di kaya kanding... baboy.. yung normal offerings lang.

Ba't kailangan buhay pa talaga ng tao?

Mas malala pa yan sa virginity!

Napatingin ako sa box na dala-dala ko.

Binuksan ko ito at nakita ang mga papel na nakaarrange na ayon sa panahon ng pagkasulat.

Hmm..

So totoo nga...

Narinig nga nila ang panalangin ko...

'They are asking for a person's life.' muli kong narinig ang boses ni Marcus.

Tsk.

Hindi naman siguro kami aabot sa punto kung saan kakailanganin kong mag-alay ng buhay diba?

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now