I- 1: Princess de Valliere

Start from the beginning
                                    

--

"Mommy look oh! My hand is burning." Super na-amaze ako sa kakayanan ko. I can create a fire without hurting myself.

"Really? that's cool," hinarap ko si mommy at nginitian ko siya. Akala ko ngingitian niya din ako pero para siyang nakakita ng multo sa reaksyon niya.


"Oh my ghad! Thea!" Nagulat ako sa biglang pagyakap sa'kin ni mommy.

"Mom? what's wrong?"

"Thea, I'm sorry. Hindi dapat ikaw ang nilagyan ng ganyang kapangyarihan!"

Huh? Anong pinagsasasabi ni mommy? May powers din naman siya eh pero bakit parang ayaw niya akong magkaroon?

"I can't understand, mom."

"Baby just lock your door okay? You know how to hide into your secret room right? If anything happens please go there and hide." I nod.

"Good. I know you're confused but it's for your own good baby." she told me while caressing my silky hair.

"What's the problem mom? May kailangan ba akong malaman?"

She sighed. "Thea, diba I told you na there was a girl na isinumpa maging isang Dark Princess?"

I nod in response.


"It's you baby. You're the Dark Princess"

--




Iba kami ni mommy, hindi kami pangkaraniwang tao lamang kasi may kapangyarihan kami.

Napabuntong-hininga ako sa harapan ng salamin. Hanggang ngayon sariwa pa din ang sugat sa puso ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin akong maalala na ako ang dahilan ng pagkamatay ng nanay ko.

I'm not an ordinary girl. Sa panlabas na anyo mukha akong isang normal na tao pero hindi talaga ako normal.

Sabi nga ni mommy, I'm the Dark Princess.

Hindi ko man alam ang totoo kong kapangyarihan pero alam kong delikado ito. Marami ang gustong pumatay sa dark princess pero hindi nila alam na ang babaeng nirerespeto nila ay ang dark princess na, at yun ay ako.

"Thea!" napalingon ako dun sa babaeng nasa pintuan. Ito na naman siya, sisirain na naman niya araw ko.


"What to do you need MOM?" I emphasized the word mom. Ayaw niya kasing tinatawag ko siya ng mom kapag kami lang dalawa. Ayaw niya kasi talaga sa'kin.


"Male-late ka na sa school mo! Hindi ka ba marunong tumingin ng oras huh?!" kung umasta parang hindi reyna. I mentally shook my head.



Sabagay, Ganyan siguro talaga siya dahil nalaman niya na hindi na sila magkaka-anak ni Dad. Kaya sobrang laki ng galit niya sa mundo dahil dito.


"Fine. I'm leaving," I left her dumbfounded. Hindi ako pinalaking bastos ng biological mother ko pero kung siya lang rin naman ang babastusin ko siguro okay na din yun.


Bad girl siguro ako sa tingin niyo pero kung ikukumpara ako sa kanya, WORSE siya.


"Good morning princess," bati sa'kin ng mga katulong at tinanguan ko na lang sila bilang pagbati din.

Pagsakay ko sa kotse binati din ako ng driver ko. Ugh, seriously.. Nagi-guilty ako na masyado nila akong nirerespeto. Kasi, once na malaman nila na ako ang Dark Princess na hinahanap nila alam kong magagalit sila sa'kin at kakamuhian nila ako.

I'm the Dark Princess: The Crimson LegendWhere stories live. Discover now