The Furies... at sa likod nila ay ang mga Arae.

Tas may nakita rin akong kakaibang giant. Siya ata ang pinakamalaking giant na nakita ko.

Gods. Napanganga nalang ako.

"Hades. Do you yield?" nakangising tanong ni Megaera.

"Never." galit na sagot ni Hades.

With a huge growl, lumabas mula sa shadows si Cerberus at tumabi sa amo niya.

The famous three-headed dog.

Lumipad ang tatlong furies. "Let us rise brothers and sisters! Together, we defeat the Olympians!"

•••

Dali-dali akong bumaba. Nakita ko si Persephone na hindi mapakali kaya nilapitan ko siya.

"W-we're losing..." mahina niyang tugon.

"we are not." I objected.

"No.. you don't know... Hades is damaged.. badly damaged.. the darkness is slowly eating him... unti-unti na siyang manghihina... h-hindi niya kaya..." tinignan niya ako na luhaan ang mga mata.

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Paano nangyari yan?"

"The darkness herself is a rebel... N-Nyx is everywhere. Naaapektuhan ang kapangyarihan ni Hades.." sagot niya.

Napasigaw kami nang marinig ang dalawang pagsabog mula sa labas.

Pumasok si Kaye na duguan. "Kailangan na nating umalis."

"Wait what?!" nagulat ako.

Humihingal siya. "Si Hades.. na.. mismo ang nag-utos." tinignan niya si Persephone. "S-sasama ka sa'min."

Hinila niya kami. Dumaan kami sa likod ng palasyo kung saan naghihintay si Cerberus at isang hippogriff.

"T-teka hindi ko naiintindihan-" I was hesitant.

Pinilit ako ni Kaye na sumakay kay Cerberus.

"Nagkakatotoo na ang propesiya."

Napalingon ako kay Persephone.

"Olympus will fall... our fates as gods are locked." tinignan niya ako. "You, demigods have to live..."

"You have to save us." umiyak siya.

Dumating na rin sina Art, Cal at Hades.

Lahat sila hindi maiguhit ang hitsura. Pinagpapawisan, naliligo ng sarili nilang dugo. Pati si Hades. Nabalot ng gintong dugo ang katawan niya.

"Blobblebutt!!!!" tumakbo si Art sa griffin at niyakap ito.

"We're running out of time. Kailangan niyo nang umalis." pinunasan ni Hades ang dugo sa bident niya.

"H-hindi ka sasama?" malungkot na tanong ni Persephone.

Nilapitan siya ni Hades. Gently, he stroked her cheek. "I will stay here." bulong niya.

"Hindi ako aalis." kinuha ni Persephone ang kamay niya. "Sasamahan kita."

Huminga ng malalim si Hades. "I will stay and fight for the Underworld. I will protect what is mine... and that includes you."

Hindi kapani-paniwalang may ganitong side ang isa sa kinatatakutan na Gods ng Greek mythology.

"Find your mother. Demeter will be happy to see you..." hinalikan ni Hades ang noo ni Persephone.

May nakatakas na luha mula sa mata ko kaya napayuko ako.

This is so sad.

To the point na gusto kong bumaba at tapusin ang mga deities na nagpasimuno ng lahat ng ito.

Inalalayan ni Hades si Persephone na makasakay sa hippogriff.

"Cal?" tinawag ni Art si Cal.

"He can teleport his way out of here anytime. Right son?" pinatong ni Hades ang kanyang kamay sa balikat ni Cal.

Tumango si Cal bilang sagot.

"For now, he will help me. While the four of you will pass through the exits. Cerberus knows where." he informed us.

Then, a blanket of black smoke surrounded us.

"They will not sense you for now. So quickly!"

Minutes later, natagpuan ko ang sarili ko na nakatulala. We were moving very fast. Nakaupo lang ako dito sa likod ni Cerberus kasama si Kaye.

Hindi pa tumatahan si Persephone.

"Matatagalan pa tayo nito.. hahanapin pa natin si Demeter..." Kaye mumbled under her breath.

Matagal-tagal na rin. Siguro nga kailangan na naming bumalik.

Kung nandito si Nyx.. nasa mortal realms naman si Gaia. May kutob talaga akong inangkin na ng mga anak ni Gaia ang kabuuan ng mortal realms.

Di bale.

Ang mahalaga, babalik na kami sa mortal realms...

At makikita ko na ang apo ko.

Nang pinatay ako ng mga daemons, ginawa akong oracle ni Apollo ayon sa kahilingan ni Hephaestus. Bago pa makapasok ang kaluluwa ko sa underworld, binuhay niya ulit ako at inilagay sa Elysian Fields.

Nasa Elysian Fields pa si Cronus noon. Nakakatuwa nga kasi magkasabay pa kaming kumain paminsan-minsan.

Naging bestfriend ko siya... in a way.

Sinasamahan niya ako sa tuwing harvest season. Siya ang namimitas ng bulaklak para sa'kin.

Parati niya akong kinukuwentuhan tungkol sa titanomachy...

Pero yun nga.. kinuha nila ang titan at hinihiwa-hiwalay ang katawan niya. Pag buo na ulit siya, they'll make him believe that he is against the Olympians.

Katulad nalang ng ginawa nila sa'kin... akala siguro nila madali akong malinlang.

Biglang lumabas ang isang ideya sa utak ko.

Si Cronus...

Paano kung makikilala niya pa ako?

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now