Chapter 41: Genie

Start from the beginning
                                    

"Subukan natin kaibiganin" sabi ni Stella. "Natry ko na e" sabi ni Miggy. "Kami hindi pa, baka ayaw sa iyo" sabi ni Stella. "Okay lets go try, dalhin ko pa tong book?" tanong ni Miggy. "Wag mo nalang siya saktan" sabi ni Stella. "Sige" sagot ng batang lalake.

Habang pababa sila tinignan ni Stella kaibigan niya, "Minemorize mo ano?" tanong niya kaya natawa si Miggy. "Hindi" sagot niya. "Liar ka, alam ko minemorize mo kasi minemorize ko siya pero di ko maalala last part" sabi ni Stella at binigkas ni Miggy yung huling linya.

"Ayen! Minemorize niya!" sigaw ng batang babae saka sila nagtawanan. Pagbalik sa hardin nagtago sila sa likod ng isang puno. Pinagmasdan nila yung bote na umaalog alog kaya si Stella ngumiti. "Hello, hindi kami kaaway. Gusto namin maging friend mo" lambing niya.

Umuga ng malakas yung bote, ang batang babae tumayo saka pinagsisipa ito. "E kung ayaw mo di wag! Bwisit ka!" sigaw niya kaya nagulat si Miggy. "Kung ayaw mo wag! Di ka namin kailangan. Sige Miggy patayin mo yan! Patayin mo!" sigaw ni Stella.

"What is that?" narinig nilang sigaw ni Vivian kaya todo pacute yung bata na humarap. "Pinapapatay ni Stella yung ipis mama" palusot ni Miggy. "Ah. Sus akala ko kung ano na" sabi ng matanda. "Sorry po tita" pacute ni Stella.

"Awww ang cute cute mo, anyway Eric is okay, he is eating again as usual" sabi ni Vivian. "He is not sick mama?" tanong ni Miggy. "No anak, siguro ganon lang talaga katawan niya. Meron kasi talagang ganon. Why are you playing here? Ano yan? Bote ng alak yan ah. Are you drinking?" tanong ni Vivian.

"No mama, we are playing..." sabi ni Miggy. "Tita spin mo bottle tapos kung naturo sa akin e ako yung bulag, tapos siya pipitik" sabi ni Stella. "Ahhh I remember that game, o sige Eric will join you when he is done eating...Diyos ko matatapos pa kaya yon?" sabi ni Vivian kaya bungisngis yung mga bata.

Paglayo ng matanda, "Miggy patayin mo" bulong ni Stella. "Ano?" tanong ni Miggy. "Sabi ko patayin mo" bigkas ng batang babae kaya umalog alog yung bote. "Do it" sabi ni Stella kaya nagtitigan yung mga bata. Humawak si Miggy sa bote saka binulong yung orasyon.

Lalong umalog alog yung bote, tumulong na si Stella sa paghawak pero biglang bumitaw si Miggy. "Why did you stop?" tanong ni Stella. "May sinasabi siya" sabi ng batang lalake. "Ano sinasabi niya?" tanong ni Stella.

"Di mo naririnig?" tanong ni Miggy. "Hindi, ano sinasabi niya?" tanong ni Stella. "Sabi niya wag daw natin patayin, gagawin niya lahat ng gusto natin pero dapat daw may kapalit" sabi ni Miggy. "Ano kapalit?" tanong ni Stella. "Ewan ko ayaw niya sabihin" sabi ng batang lalake.

"Patayin mo na" sabi ni Stella kaya gumulong yung bote papunta sa batang babae at tila naglalambing. "What is it saying?" tanong ni Stella. "Wag daw, gagawin daw niya lahat ng gusto natin pero kailangan daw may kapalit talaga kasi ganon daw siya" sabi ni Miggy.

"Anong ganon siya?" tanong ni Stella. "Ganon daw siya na spirit, kailangan daw pag may ipapagawa ka sa kanya e may kapalit. Hindi daw tulad ng ibang spirit" sabi ni Miggy. "E ano nga kapalit?" tanong ni Stella. "Saka na daw niya sasabihin" sagot ng batang lalake.

"Naniniwala ka sa kanya?" tanong ni Stella. Kinuha ni Miggy yung bote saka binuksan yung takip. Lumabas dahan dahan yung espiritu kaya si Stella nagtago sa likod ng kaibigan niya. Nagpaikot ikot yung espiritu sa kamay ni Miggy.

Lumapit yung espiritu kay Stella, "Miggy natatakot ako" bulong niya pero yung espiritu nanlambing. "Okay naman ata" sabi ni Miggy. "So friend na natin siya?" tanong ni Stella saka niya inuga si Miggy. "I can hear him, lalake siya" sabi ng batang babae.

Lumapit sina Max at Joey, ang espiritu agad bumalik sa bote kaya nagtawanan yung mga bata. "Takot siya kina Max at Joey" sabi ni Stella. Gumulong yung bote papunta kay Miggy, nagtawanan yung mga bata pagkat ramdam nila yung takot ng espiritu.

MASKARAWhere stories live. Discover now