Chapter 20: Happy Moments, Lonely Thoughts

4.7K 78 8
                                    

Note: Please LIKE me on facebook kung gusto niyo lang din naman po:) (EXTERNAL LINK) And of course sana i-play niyo yung song habang nagbabasa kayo. And sana po suportohan niyo din ang DIGMAANG PUSO na ipo-post ko na din po soon! God bless ang THANK YOU SO MUCH sa mga loyal READERS!


As I Lay Dying 

Chapter 20: Happy Moments, Lonely Thoughts

                HALOS MABITAWAN NI JEBOY ANG PLATO NIYA SA GULAT. Nasa barko pa rin sila para sa reception ng kasal.

                “C-C-Caloy???” Nanlalaki pa ang kanyang mga mata at nabubulol sa pagsasalita.

Maangas na lumapit si Caloy sa kanya dala ang baso ng juice. Napakalaki ni Caloy para sa edad niya kaya ganoon na lamang ang takot ni Jeboy sa kanya. May halong pagtataka din sa mga mukha niya habang papalapit siya sa batang lagi niyang binu-bully.

                “Anong ginagawa mo dito Jeboy unggoy!?” Atsaka niya itinulak si Jeboy. Bahagya siyang napa-atras.

Mabilis na lumapit si Charily nang makita niya ang batang inaaway ang inaanak.

                “Hoy! Hoy! Hoy!” Sita niya. “Tigilan mo ‘tong inaanak ko hah! Baka gusto mong itapon kita sa dagat at pakain kita sa mga pating!” Pananakot pa niya. Palihim naman na natawa si Jeboy dahil sa katarasan ng ninang niya.

                “Anong problema?” Tanong naman ng kadarating na si Red.

                “Kuya Red ‘yan tsimimay na ‘yan inaapi ako.” Sumbong agad ni Caloy.

                “Gray!” Sita ni Red. “Hindi siya katu—hindi siya gaya ng iniisip mo. Nurse din siya kagaya ni Katherine ‘yung kinikwento ko sa’yo.”

                “Nurse?” Parang ayaw pang maniwala ni Caloy/Gray. “Di nga? Joke ‘yun?”

                “E kasi sir Red hinaharas niya si Jeboy.” Sumbong naman ni Charily. “Pinagtanggol ko lang po alaga ko.” Depensa niya.  “Sino ba siya sir Red?” Pagkuwa’y tanong ni Cha.

Huminga muna ng malalim si Red bago nagsalita.

                “He’s my brother. Nakita na rin namin siya sa wakas pagkatapos ng matagal na paghahanap.” Nagagalak na sabi ni Red.

                “WWHHAATTT?” Hindi makapniwala si Cha sa rebelasyon ni Red.

                “Tama ako nga si Gray.” Pagmamalaki pa niya sa sarili.

                “Okay. Enough with this fight. Kumain na tayo dahil mahaba-haba pa ang cruise natin.” Tumalikod na si Red at lumapit kay Trinity.Sumunod naman si Gray habang inismid ang mag-ninang.

                “Para siyang—ewan. Ayaw ko lang sabihin pero para talagang berde ang dugo.” Natatawang ani ni Cha.

                “Berde ang dugo? Ano po’yon Tita Charily?” Takang tanong naman ni Jeboy.  Humagakgak lang si Charily at saka ginusot ang buhok ni Jeboy.

                “Basta.” Tawa pa rin niya saka na sila bumalik sa kainan.

WALANG HUMPAY SA PAGHALIK SI NATHAN KAY KATHERINE. Mula sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay ng asawa hanggang sa mga malambot at blooming na pisngi ni Katherine.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon