Chapter 19: Dawn of Eternity

4.9K 83 10
                                    

NOTE: Please click the EXTERNAL LINK para sa songs. PRESS the PLAY ALL po. Tapos please COMMENT din po kayo :)


As I Lay Dying 

Chapter 19: Dawn of Eternity

               

                “GRABE KA MARE! ANG BONGGA NG KASAL MO! PLANO PA LANG ‘YAN MGA ‘YAN PERO SUPER SOSYAL NA TALAGA!” Komento ni Charily habang titig na titig sa mga papel na dala ng organizer ng kasal nila ni Nathan.

                “OA ka naman maka-react!” Sagot naman ng baklang organizer.

                “Aba syempre proud ako sa marsie ko!” Taas-kilay pa ni Cha. “Pero in all fairness ang ganda ng pagkaka-organize mo!” Puri din naman ni Cha.

                “Aba syempre magaling ako!” Natatawa lang si Katherine sa sagutan ng dalawa.

                Ilang araw na lang ikakasal na ako. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal. Hindi tamang salita ang ligaya at tuwa. At kung meron mang hihigit sa mga salitang iyon siguro iyon na ang salitang WALANG HANGGAN.

                “Kailan bridal shower ‘te?” Tanong ni Cha na nakisiksik kay Katherine sa sofa.

                “Bridal shower? Kailangan pa ba ‘yon?” Natatawang sagot ni Katherine.

                “Oo kailangan ‘yon.” Sagot ng pamilyar na boses mula sa entrance ng shop ng baklang organizer.

Sabay na napalingon si Katherine at Cha.

                “Trinity.” Mahinang ani ng dalaga. “Este Ma’am Trinity po pala.” Pagtutuwid ni Katherine.

Lumapit ng mas malapit sa kanila si Trinity.

                “Trinity na lang.” Ngiti niya.  “Okay na ang bridal shower mo Katherine. And I want to welcome you in advanced to our family though—“ natahimik si Trinity dahil muntik na siyang madulas. Biglang nabakas ang lungkot sa mukha ni Trinity. Isang ekspresyon ng awa para kay Katherine dahil sa pagsisinungaling ni Nathan. “I love you Katherine. And thank you for loving my brother until the end.”

                Hindi ko man maintindihan kung bakit ganoon ang mga salita ni Trinity ay masaya na rin ako. Agad niya akong niyakap.

                “Kung nasa isang telenovela tayo iisipin nilang plastik ako at nagpapanggap lang at may balak na sirain ang kasal mo. Pero malas lang nila, totoong buhay ito and I’m really sincere sa pag-welcome ko sa’yo.”

                “No doubts Trinity.” Ngiti ng dalaga atsaka nagyakap pa silang minsan.

LULAN NGAYON NG ISANG SASAKYAN SINA JEBOY AT KATHERINE KASAMA SI NATHAN. Laking pagtataka ng mag-ina kung bakit dito sa sementeryo sila dinadala ni Nathan. Ilang saglit pa ay inihinto na ni Nathan ang sasakyan. Sabay-sabay silang bumaba. Binuksan ni Nathan ang likuran ng sasakyan at kinuha ang dalawang basket ng bulaklak.

                “Para kanino po ba ‘yan Tito Nathan?” Natanong ni Jeboy.

                “Basta.” Mahina pero pormal na ani ng binata. Kahit si Katherine ay walang ideya kung sino ang dadalawin nila.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon