Chapter 7: Nathan

6.6K 157 24
                                    

 Pina-cremate na lang ang katawan ni Julia ni Cecil. Iyon daw kasi ang request ng bata kaya naman iyon na lang ang ginawa niya. Pagkatapos din ng ilang araw na pagluluksa ay kailangan nang bumalik ni Katherine at Red sa kani-kanilang mga trabaho. Kailangan nilang mag-move on. Hindi sila dapat ma-trap sa isang pangyayaring madalas naman mangyari sa lahat lalo na propesyon na meron sila.

            TAHIMIK lang na nagliligpit si Katherine ng kanyang mga gamit na dadalhin sa reunion nila sa Batangas. Lumapit si Jeboy sa ina na bakas pa rin ang matinding kalungkutan.

            "Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa'min ng tita Charily mo?" Tanong ni Katherine habang tinabihan sa gilid ng kama ang anak.

            Bumuntong-hininga lang si Jeboy. "Ayos lang po ako mama. Nami-miss ko lang po si Julia," nakayukong sabi niya.

            "Nasa mabuting mga kamay na si Julia, anak. Alam mo gusto rin syempre ni Julia na sumaya ka ulit gaya ng dati kaya pilitin mo, kasi kahit ano namang gawin natin hindi na siya babalik sa'tin." Hinaplos ni Katherine ang buhok ng anak pagkuwa'y niyakap ito.

            "Pipilitin ko po mama," iyak ni Jeboy.

            Ilang oras pa ay dumating na si Red at si Charily sa apartment ni Katherine. Bumusina muna ang binata saka bumaba sa kanyang sasakyan. Sinalubong niya si Katherine kasama si Charily. Siya na ang nagbuhat ng mga bagahe ng mga babae at isinakay sa likod ng kotse.

            "Salamat." Wika ni Katherine na pormal ang mukha.  Pagkatapos humalik ni Katherine sa kanyang anak ay sumakay na rin siya sa sasakyan.

            "So excited na marsi!" Malanding wika naman ni Charily. "Ikaw Jose ingatan mo 'yan inaanak natin! Alam mo namang ginto 'yan!" Masungit pa ni bilin niya sa asawa. Si Jose kasi ang maiiwan para magbabantay kay Jeboy.

            "Oo naman, mag-ingat kayo." Sagot ni Jose atsaka humalik na kay Charily.

                "Bye Jeboy!" Paalam ni Red sa bata saka na sila tuluyang umalis. Hindi na masyadong mag-aalala si Katherine dahil si Jose naman ang magbabantay sa anak ng isang buong linggo. Isang linggo kasi ang itatagal ng reunion nila. Hindi niya alam kung ma-e-excite ba siya o kakabahan dahil makakaharap na niya muli si Nathan pagkatapos ng mahabang panahon.

            "Grabe ano na nga kayang itsura ni Nathan ngayon 'no? I bet pangit pa din siya!" Hagakgak ni Cha sa likuran ng sasakyan. "Imposible din namang maging kamukha niya si Nate sa gwapo ni Nate na 'yon? Pero magkamukha nga sila 'di ba? Baka nga hanggang talampakan lang niya si Nathan," saka muling nagtawa ito.

            "Tumigil ka na nga diyan babae! Umiiral na naman 'yang pagkamaldita mo." Pagtatanggol naman ni Katherine.

            "Sige na nga! Makatulog na nga lang! Tutal medyo mahaba-haba ang biyahe," ismid ni Cha saka pumwesto na ng higa.

            Hindi naman maiwasang magtanong ni Red tungkol sa nakaraan ni Katherine at Nathan. Masyado na kasi siyang nai-intriga kung anong naging meron sila ni Nathan dati.

            "Bakit ba galit na galit ka kay Nathan?" Tanong ni Red habang nakatingin pa rin sa daan.

            "B-bakit mo naman natanong?"

            "Wala lang. Masyado lang talaga akong na-iintriga sa story niyong dalawa ni Nathan. Para kasing narinig ko na dati sa isa kong kaibigan. He was in-love with this girl but the girl keeps on rejecting him so in the end he ask the girl for one last time if there's any chance to love him back, but the girl said no. So the boy left. The end." Sa totoo lang ang kwentong iyon ay kwento ni Nate sa kanya. Parang nakakahalata na kasi si Red sa nagiging sitwasyon ni Katherine at Nate kaya hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Na baka nga si Nathan si Nate na kaibigan niya at hindi lang ito nagsasabi sa kanya.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon