Chapter 17: Out of My League

5.1K 103 7
                                    


*Please play the song while you're reading :)

As I Lay Dying 

 

Chapter 17: Out of My League

                Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng umalis si Nathan. Ni si Ma’am Lileth at Trinity ay hindi nila alam kung saan siya nagpunta. Si Red naman ayaw naman magsabi sa’kin ng kahit ano. Pilit na lang niya akong nililibang sa mga corny niyang kwento na sadyang wala namang kapupuntahan pero sumaya naman ako ng kaunti noong ikwento niya na nahanap na nila ang kapatid niya.Ni txt o tawag wala! Sa sulat lang niya sinabi ang lahat. Hindi ko man lang nasabi na buntis ako. Na magiging ama na siya.Na magiging pamilya na kami. Ipinikit na lang ni Katherine ang kanyang mga mata at pinilit ang sarili na matulog.

                PANG-GABI ang shift ngayon ni Cha kaya hindi niya kasama si Katherine. Si Red naman may isa pang operasyon mamaya kaya kailangan niyang manatili pa sa hospital.

Busy sa pagsusulat si Cha nang lapitan siya ni Red.

                “Naka-uwi na ba si Katherine?” Tanong niya. Hindi niya kasi naihatid ang dalaga kanina dahil nasa isa pa siyang operasyon.

                “Oho sir.” Tango ni Cha saka siya tumigil sa pagsusulat at napabuntong-hininga. “Kawawa naman ang mare ko. Sana hindi ma-apektuhan ang bata sa pag-iyak niya gabi-gabi.” Malungkot na sabi ni Cha. Tapos ay bigla siyang napatakip sa bunganga niya dahil may nasabi siyang hindi dapat sabihin.

                “Sinong bata? Si Jeboy?” Na-intrigang tanong ni Red na biglang nag-isip. “A-anong ibig mong sabihin Charily?” Naging seryoso ang tinig ni Red.

Hindi alam ni Cha kung papaano iiwasan si Red. “Ah.. eh.. k-kasi sir..” hindi pa rin siya makapagsalita.

                “Charily dadagdagan ko ang sweldo mo this month sabihin mo lang ‘yang dapat mong sabihin.” Ani ni Red na interesadong-interesado na malaman kung ano ang sasabihin ni Cha.

Tumingi si Cha sa mga mata ni Red.

               

                PASUKAN NA KAYA MAAGANG NAGISING SI KATHERINE PARA IHANDA SI JEBOY. Tatlong taong gulang pa lang ang bata noong ipasok siya ni Katherine sa pre-school. Gustong-gusto talagang mag-aral ni Jeboy at mapilit talaga ito kaya wala ng magawa si Katherine kahit inaalala nitong baka agad itong magsawa. Babalik pa sana sa pagtulog si Katherine nang mapansin niyang may pumaradang pamilyar na sasakyan sa harap ng apartment niya.

                Nathan! Sigaw ng utak niya. Patakbo niyang tinungo ang pinto at sumilip.

                Hindi pala si Nathan. Bigla siyang nanlumo. Si Red pala ang dumating.

Lumabas ng tuluyan si Kath at tinungo si Red na naghihintay sa kanya.

                “Kamusta ka na?” Tanong ni Red.

                “Maayos lang ako.” Atsaka pinilit na ngumiti ni Katherine.

                “Hindi mo man sinabi..” tila may tampo sa tinig ng binata.

                “Na ano?” Walang-ideyang Katherine.

                “Na—buntis ka pala—kay Nathan—“

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon