Chapter 1: Five Years Later

8K 182 14
                                    

"Okay ka lang friend?" tanong ni Charily kay Katherine na malalim ang iniisip. Breaktime nila. Magkasama pa rin sila hanggang ngayon dahil nursing din ang kinuhang course ni Charily.

Nilingon ni Kath ang kaibigan.

 "Five years na rin pala ang nakalipas 'no? Ang bilis ng panahon parang kahapon lang ang mga high school days natin," ani ng dalaga atsaka bumalik sa pagtitig sa kawalan.

"Oo nga friend 'no? Five years na ang nakalipas pero single ka pa din! Ano na nga bang pangalan ng huli mong boyfriend? Si Stephen na manyakis ba 'yon?" Biglang nagtawa si Charily sa naalala niya. "Anong sabi niya sa'yo no'n, na patunayan mo ang pagmamahal mo sa kanya? Haha, ibigay mo daw virginity mo sa kanya!" sabay hagalpak pa ng tawa ni Charily.

"Tumahimik ka nga diyan! Nakaraan na 'yon! Past is past ika nga nila!"

"Kamusta naman pala ang inaanak ko?" Naibang tanong ni Charily habang tumayo sila sa kinauupuan dahil pabalik na sila ng trabaho.

 "Ayun, okay naman si Jeboy. Mabuti na lang at bakasyon at naiiwan ko siya kena aling Choleng at nababantayan naman siya ng husto," sagot ni Katherine.

"Sino nga kayang totoong mga magulang ni Jeboy 'no? Hindi na naawa nang iwanan nila sa tapat ng pintuan ng bahay niyo." Tukoy ni Charily sa batang inampon ni Katherine limang taon na ang nakakalipas.

"Oo nga eh. Pero ayos lang kasi hulog naman siya ng langit. At alam niyang ampon siya, okay lang sa kanya dahil ako naman daw ang ina niya," atsaka ngumiti ang dalaga at totong masaya sa pagiging single mom kahit hindi niya tunay na anak si Jeboy.

"Yun lang! May anak ka nga pero wala ka pa ring special someone!" kutsya ni Charily palibhasa ay may special someone na.

"Meron na!"

"Talaga?" Bigla tuloy naintriga si Charily dahil hindi pa ito nakukwento sa kanya ng kaibigan.

"Hinihintay ko lang siyang dumating! Kasi alam ko ni-reserved na siya sa'kin ni Lord!" taas-noo naman niyang sagot.

"Asus! Siguro 'yun na 'yung bagong doctor dito sa hospital 'te! Grabe ang gwapo! Balita ko single pa 'yon at fresh from America! Anak 'yun ng presidente ng hospital na 'to."

"Ikaw talaga, basta gwapo e, may asawa ka na!" paalala nito sa kanya na medyo natatawa na din.

"Live-in partner lang! OA ka naman maka-react diyan. Atsaka kahit pa tumingin ako sa mga gwapo ay nag-iisa pa rin si Jose 'no!"

"Paanong 'di okay? E, under de saya!" Atsaka nagtawa ng malakas si Katherine. Biglang pa siyang napatakip sa bunganga dahil na-realize niyang nasa canteen pala sila. "Ikaw kasi eh!" Paninisi pa niya sa kaibigan na nakangisi.

"Hala! Ako pa sinisi ng gaga! O siya, tara na at kailangan pa nating mag-rounds sa mga makukulit na bata sa nursery." Atsaka na sila tumayo at bumalik sa trabaho nila.

 Nagtakbuhan ang mga bata kay Katherine habang papasok sila ng nursery room ng hospital kung saan naka-confine ang mga batang may malulubhang sakit, gaya ng cancer at iba pa na tanging kamatayan na lang ang solusyon para mapahinga ang pagod nilang katawan na sadyang hiram lamang mula sa Panginoon.

"Ate Kath, ako pahinge!" sigawan nila habang nag-uunahan pa sila sa mga candies at lollipops na dala niya. Kaya rin siya lalong minahal ng mga bata dahil sa mgaprutas at ibat'-ibang candies na dala niya sa tuwing magra-rounds sila dito.

"Eto para sa'yo," atsaka niya inabot ang mga candy isa-isa sa mga bata. Nang mabigyan na niya lahat ay linapitan na niya ang batang babae na naka-ismid at masama ang tingin sa kanila, si Julia. Sa lahat ng mga bata sa nursery room ay siya lang ang hindi niya makasundo. Kasi walang malay si Julia kung bakit ba talaga siya naririto sa hospital at hindi rin maaring sabihin sa kanya ni Katherine ang tunay niyang kalagayan dahil na rin sa kahilingan ng mga magulang nito.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon