Chapter 16: Blame and Regret

5.2K 77 7
                                    


As I Lay Dying 

Chapter 16: Blame and Regret

                 AGAD NA SINUGOD SI NATHAN SA EMERGENCY ROOM. Halos mangiyak-ngiyak si Katherine habang nakikitulak sa stretcher ni Nathan.

                “Dapat ako ang nabangga e! Hindi dapat ikaw!” Hagulgol niya.

                “O-okay lang ako.” Malamyang sagot ni Nathan at mariin niyang pinisil ang kamay ni Katherine.

Hindi na pinapasok ng doctor si Katherine sa ER dahil alam niyang hindi makakakilos ng tama si Katherine dahil sa nangyari kay Nathan. Ka-close din ni Kath ang doctor na iyon  dahil malapit na kaibigan iyon ni Red.

                “Mas mabuti pa sigurong maghintay ka na muna dito Kath.” Mahinang sabi ng doctor na malapit kay Katherine.

Umatras si Katherine habang hawak siya ni Cha sa magkabilang braso at si Jeboy naman ay umiiyak din dahil sa nasaksihan. Naupo silang tatlo at ipinaliwanag ni Katherine sa anak ang nangyari.

                “Nakita mo na pala ‘yung prince charming mo mama. Sana okay lang po siya.” Medyo malungkot pa rin si Jeboy at luhaan pa rin ang mga mata.

                “Sana nga anak—sana nga.” Atsaka marahan niya itong niyakap. Nagtungo na si Cha sa area niya. Gusto man niyang suportahan si Katherine ay hindi pwede dahil mababawasan ang sweldo niya kaya nag-trabaho na siya.

ILANG sandali pa ang nakalipas ay dumating si Red na alalang-alala para sa bestfriend niya.

“Kamusta na siya?” Tanong niya kay Katherine.

“Sabi ni Doc Gee kailangan muna siyang dumaan sa lahat ng test para daw makasigurado. Mamaya ililipat na siya sa private room.” Malungkot na sabi ni Katherine.

                “Hello po Doc Red!” Bati naman ni Jeboy.  “Mama punta lang po ako kay Lolo Rufus.”

                “S-sige.” Parang barado pa ang ilong ni Katherine dahil sa pag-iyak.

Kapwa naupo si Red at Katherine sa bangko sa labas ng ER.

                “Ayos ka lang? Hindi ka ba nasugatan?” Alalang tanong ni Red pagkuway.

                “Kawawa naman si Nathan..” ani ni Katherine habang nakatingin sa kawalan. “..dapat ako ‘yun e, dapat ako ‘yung nabangga.

                “Wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan sa nangyari. Aksidente iyon at hindi talaga maiiwasan.” Mahinang sabi ni Red habang hinahanplos ang likuran ni Katherine.

Maya-maya ay sabay na napatayo ang dalawa dahil sa pagdating ni Trinity kasama ang isang babaeng pamilyar na pamilyar ang mukha kay Katherine.

                “Tita.” Pormal na sabi ni Red saka bineso-beso ang babae.

                Tita? Paano naging tita ni Red itong babaeng ito na nakilala ko doon sa ball kagabi? Natanong ni Katherine sa kanyang isipan.

                “Kamusta na bitch?” Nakangiting ani ni Trinity. “Kasalanan mo ‘to kung bakit ito nangyari kay Nathan! Mabuti na lang at hindi malala ang kalagayan ng kapatid ko kundi ipapalapa kita sa mga aso namin!” Mataray na sabi ni Trinity pero sosyal na sosyal pa rin ang dating.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon