Lie #3: Dinner with school hotties

Zacznij od początku
                                    

"Hala oo!" pagka park niya sa gilid bumaba ako at nagtatatakbo sa loob. Naabutan ko si mama na umiiyak


"Mama!" sigaw ko. Napatingin naman siya sakin. Noon ko lang din napansin na may mga pulis sa loob ng bahay namin


"Manilla!" napatayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Mas tumindi ang iyak niya. Hala ano ba ang nangyayari? Hinuli ba ng pulis si papa?


"Mama ano nangyayari?" tanong ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.


"Walangya kang bata ka saan ka ba nanggaling huh? Hanap kami ng hanap sayo! Yung tatay mo nga sumama doon sa ibang pulis para hanapin ka! Hindi ka pa sumasagot kaya akala namin kung napaano ka na!" hinampas niya ako sa balikat at umiyak ulit


"Sorry ma, nasa school lang naman ako. May nangyari sakin kaya--"


"Magandang gabi po" sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Robie. Kasama ko nga pala siya at nasa akin pa yung helmet niya. At suot suot ko pa!


"Oh nandito na pala ang anak niyo, Mrs. Dela Serna" sabi nung isang pulis at umalis na. Tinignan lang namin sila hanggang sa wala na sila. Grabe hindi ko alam na ganito pala talaga ako kamahal ng mga magulang ko. Akalain mong nagpunta na ng police station para humingi ng tulong.


"At sino ka naman sa akala mo ha?!" baling ni mama kay Robie nang totally wala na yung mga bisita kung di kaming tatlo na lang


"Ma.."


"Manahimik ka Manilla! Hindi ikaw ang kausap ko!" sigaw na naman niya sakin. Napasimangot na lang ako at tumingin kay Robie na humihingi ng pang unawa. Nakakahiya. Sana ako na lang ang pagalitan ng husto


"Saan mo dinala ang anak ko at ginabi siya?! Alas otso na ng gabi ah! Hindi na to uwi ng matinong estudyante!" ugh ang aga aga pa kaya! Feeling ata ni mama nasa probinsya kami na maaga natutulog ang mga tao.


"Pasensya na po talaga. Wag niyo sana pagalitan si Erica dahil ako naman po ang may kasalanan. Kanina po kasi tinamaan siya ng bola sa field at hinimatay. Dinala ko po siya sa clinic para makapagpahinga. Hindi ko po kasi siya ginising kaya ginabi siya" explanation ni Robie. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong mukha namang kumbinsido si mama


"Totoo ba yun, Erica?" pinakita ko yung pasa ko sa cheekbone at nanlaki ang mga mata niya. Kung kanina galit siya ngayon naman nag aalala na siya gaya nung dumating ako


"Oh kawawa naman ang baby ko!" alam kong pati si Robie nagulat sa reaksyon ni mama. Ngumangawa siya na parang bata! Ugh mama naman eh masyado akong bini baby.

Kaysa umalis sa pagkakayakap niya hinayaan ko na lang muna siya. Dapat abusuhin ko ang pagkakataon na to. Minsan lang maglambing si mama dahil palagi naman siyang abala sa paggawa ng pulboron.


"Pasensya ka na, hijo. Hindi ko naman sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Nag alala lang kasi ako dito sa anak ko" hinging paunawa ni mama na sinang ayunan ko din. Payak lang na tumawa si Robie. Kahit hindi niya sabihin alam kong okay na sa kanya.


"Paupuin mo ang bisita mo, anak. Maghahain na muna ako at tatawagan na ang papa mo" hindi na ako nakasagot dahil nagpunta na si mama sa kusina. Naiwan kami ni Robie kaya pinaupo ko muna siya.


"Sorry talaga, Erica. Sa totoo lang ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ginabi ka. Buti nga hindi ako ginulpi ng mama mo nang makita niya yung pasa sa mukha mo" tensed na bulong niya sakin. Hinubad ko na ang helmet at ibinigay sa kanya


"Hindi naman ganon si mama. Nag alala lang talaga yun" pag comfort ko. Naalala ko yung mga classmates ko sa St. Dominic nun. Takot sila kay mama dahil may katabaan ito. At nakakatakot naman daw talaga kapag nagagalit


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz