Kontrabida

1.5K 18 3
                                    


Kontrabida
by Ly Chasen



Ako.

Ako nga.

Ako nga pala;

Ang sabit sa storya.

Panggulo
sa buhay ng bida.

Matatagpuan
sa ilang pahina
ng isang kabanata.

Isa.

Extra.

Panira.

Makapal ang mukha.

Ilan lamang sa mga sumbat at patama--

Na maririnig ko bago ako maglaho na parang bula.

Isang kabanata.

Sa susunod
ay hindi na ako muling makikita.

Dakilang extra.

Sumingit sa storyang
hindi para sa kanya.

Isa lamang panira.

Panirang alam ang kahulugan
ng salitang 'pagpaparaya'.

Makapal ang mukha.

Na ang nais lamang ay paunlakan ang damdaming may munting paanyaya.

Patawad.

Dahil katulad ng bida'y
siya rin ang aking hinahangad.

Siya
na sa makabagong mundo ay wala nang katulad.

Na sa hindi inaasahang pagkakaton' sa aking buhay' napadpad.

Akala ko'y ako ang mapalad na nakaguhit sa kanyang palad--

Ngunit hindi pala.

Nais kong makasama siya
pero may nauna na.

Naunang mas karapat-dapat
sa pagmamahal niya.

Ang pagpasok ko sa storya;

Ay panandalian.

Panandaliang kasiyahan.

Panandaliang kasiyang naramdaman.

Panandaliang kasiyahang naramdaman nang minsan niya akong natapunan--

Ng kakarampot na atensyon.

Nagdulot ng sumasabog na damdamin na sa sobrang pag-uumapaw ay para na akong kinukombulsyon.

Ngunit
naalala kong hindi ako nag-iisa sa buong nasyon.

Kaya't matapos ang panandalian
ako'y lulugar na sa marapat kong himlayan.

Malayo sa sariling storyang nabuo sa aking isipan.

Hindi kasama ang taong kasalukuyan kong hinahangaan--

Dahil para siya sa bida.

Siya ang prinsipe
ngunit hindi ako ang prinsesa.

Mananatili nalang ang lahat
bilang ala-ala.

Na sa kabila ng sakit
ay ituturing kong masaya.

Sapagka't nakilala kita.

Hindi man tayong dalawa.

Kahit kontrabida lang ako sa iyong storya.

Habang buhay kong ipangangalandakan
na nagustuhan kita.

Na nang dahil sa'yo
kaya nadiskubre ko ang mahika sa paggawa ng tula.

Ikaw ang pinakamagandang ideyang pinagmumulan ng umaagos na salita.

Salamat.

Salamat sinta.

Hindi man ngayon.

Darating ang takdang panahon
na masasabi kong
nakalipas na 'yon.

Panahon
kung kailan masaya ka na.

Kasama siya.

Ang tunay na bida.

Mapapalaya rin kita.

Kahit 'di ka akin
mula umpisa.

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now