"Hindi kita iiyakan
Sa kabila ng sakit
na nararamdanan--
Hindi.
Hindi kita iiyakan
Lahat ng luhang magbadyang tumulo--
Pipigalan ko.
Walang makakatakas
Kasi hindi.
Hindi
kita
iiyakan.
Walang mainit na butil ng tubig mula sa aking mga mata
ang dadampi sa aking pisngi--
Hindi.
Hindi kita iiyakan.
Ayoko.
Masakit
pero ayoko.
Walang luhang bubuhos
nang dahil sa'yo
Wala.
Ayoko.
Hindi!
Hinding-hindi kita iiyakan.
Ngunit
Habang tinitipa ko ito
May nangyaring hindi ko gusto
Mga luha ay nagsisipatakan
Mistulang mga presong
nag-uunahan
Pero
Walang magbabago
Sa pamamaalam parin magwawakas
ang kwentong ito.
Paalam na sinta ko
Ito na
ang huling tula ko
para sa'yo."--- Ly Chasen
YOU ARE READING
Angel in Disguise
PoetryInspired by Alyloony's Angel in Disguise. You must read it, it's worth it. Aaaaaaand A fusion of some of my written poems.