Chapter 1

4 0 0
                                    

After recess pinauna ko na si Bella sa room, kasi alam kong pipigilan nya ko pag aalis na ako.

Pumunta na ko sa storage room sa may likod ng High school building, nakita ko sya.

Nakita ko ang buhok nyang pitch black na dine-defy ang gravity. naka t-shirt nanaman sya ng isang rock band na di ko kilala tas naka pants lang sya ng school uniform namin.

lumapit ako.

nakita nya ako. tinitigan nya ko ng saglit, para bang di na ako ine-expect.

"OY BABE"

"ANONG BABE!"

"OY TESS!!"

"MAKI!!!"

tumawa sya, halos naging isang straight line nalang ung mata nya. Thats another thing na di ko maintindihan sa kanya, di naman chinito pero singkit pag tumawa...

"Aalis tayo! FRIDAY EH!"

"saan?"

"ewan ko" nginitian nya ko at hinawakan ang aking braso.

"saan nga maki"

ndi nya ko sinagot naglakad lang sya papunta sa gate ng school. sumunod naman ako.

"Marc! mahuhuli tayo!!"

"mahuhuli tayo kung sisigaw ka ng sisigaw" binulong nya sakin, mukhang seryoso sya.

binuksan ng guard yung gate. may inabot si Marc na plastik sa kanya at tumango si manong guard. "Ingat" sabi nya.

"TARA NA!" dumulas ang kanyang kamay mula sa braso ko papunta sa kamay ko.

nginitian ko sya, di ko alam kung bakit pero ngumiti ako.

tumakbo sya papunta sa sasakyan nya, Second hand na Toyota camry AT 1996, na mukhang magkakalas kalas na sa sobrang dami ng mga dents nito.

"m'lady" sabi nya habang binuksan nya ang pintuan ng sasakyan nyang bulok.

sumakay ako sa passenger's seat at inantay syang makasakay.

After fifteen minutes, nakarating kami sa isang cul-de-sac, ang kitid ng daan kaya pag binuksan mo yung pintuan kailangan mo pang magpapayat, well para sakin kasi ang bilbil ko laging umeepal.

pumasok kami sa bahay tapat ng cul-de-sac na pinarkingan nya, isang club. "Disco Heaven" mababasa mo mula sa poster na nasa labas. naisip ko agad na baka dito pumupunta si maki pag wala syang magawa.

pumasok kami sa pintuang akala mo sira ang ilaw na papatay patay. ang sakit sa mata.

"teka ha!"

"okay..."

iniwan ako ni maki sa gitna ng madaming tao. mga tao na amoy chico, mga tao na alam kong wala sa tamang pagiisip, mga taong di ko kilala.

Nde! nde ako iniwan ni maki! may pupuntahan lang sya. kaya magiintay ako, babalik si maki.

umupo ako sa pinaka malapit na upuan na nakita ko, katabi ang maliit na sofa na may dalawang... omg. ew. no. so... lumipat ako ng upuan malayo sa upuan na nakita ko at nakita ko si maki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marc LeeWhere stories live. Discover now