Sa School

25 0 0
                                    

Pagtaas ko sa second floor na sobrang daming istudyante ang pagala gala, Sumilip ako sa Class B ng Juniors which is isang room lang ang layo sa stairs. Nakita ko sya, as usual naka upo nanaman sa upuan nya at nangongopya ng assignments. Napansin nya ako at tinaasan ng kilay, dali-dali naman akong nagtago sa baba ng bintana na sinisilipan ko.

Sisilip uli sana ako at bigla akong nakaramdam ng kamay sa balikat ko. "Shet! wat da paaaa-.." si Sir Mercado pala. "aaAAAYYY" tumayo ako at kinamayan si sir at Tumakbo na ko ng karipas sa pinaka dulo ng hallway ng second floor kung saan nandun ang pinaka tago na room, ANG CLASS C NG SOPHOMORES.

"OY!!" sigaw ng isang babae na naka ponytail at mukhang diwata na bibigyan ka ng tatlong kahilingan at papatayin ka matapos, na nakasuot ng uniform ng Mary Margaret Academy (shet parang made for her talaga ung uniform namin eh, MAPAPAMURA KA SA SOBRANG GANDA) na nakaupo sa teacher's desk, "HOY UNG UNIFORM KO?! SHIT NAKITA AKO NI SIR NA NAKA CIVILIAN!"

"BOBO mo kasi. tara sa CR." sumunod ako sa kanya, may kinuha syang paper bag malapit sa kanyang upuan at dumeretso sa CR ng mg babae tapat ng aming room. wala masyadong gumagamit ng CR na to parang.. tinayuan na kasi namin ng bandera at kung sinong pumasok dito ay malamang masisira ang kinabukasan at mga pangarap nya.

"oh, eto." binigay nya sakin ang paper bag na kanyang hawak. kinuha ko to at pumunta sa pinaka dulo na stall sa CR, kasi ito lang ang pinaka malinis na stall. umupo sya sa beatbox na naiwan siguro ng mga classmates namin.

"Shet sa dilaw ung ihi ng last na gumamit nito" sigaw ko habang sinusuot ko ang palda ko at tinatanggal ang suot kong jeans.

"hayaan mo na. BILISAN MO NA KASI! kinakausap ko pa si Steph."

si Steph, si Steph ay isang magandang babae, di kasing ganda ni Bella syempre, matalino at mangaagaw ng boyfriend. dati namin syang tropa kaso nga nangyari yung insidente so.. OH NO! haha.

"at bakit mo naman sya kakausapin?" sinisiksik ko ung mga damit at sapatos ko sa maliit kong pink na bag.

"wala, tungkol lang kay chris."

Si Chris, si Christian Guinto ay isang anak mayaman, mapogi, macho, hot, masarap, yummy, pogi, hot hot hot na nasa class A ng Sophomores. ex ni Bella.

si Bella. si Bella nga pala si Albertyne Bella Dimaguiba, pangalan palang alam mo na ang kaugalian. Albertyne is matalino in german! Bella is maganda in italian! POTANG ENANG EYAN. ENIWEYS si Bella ang matalik kong kaibigan mula grade 3, lahat ng secrets ko alam nya, lahat ng secrets nya alam ko. Si Bella ang nagiisang babae na kilala ko na kahit kakagising palang at may muta pa sa mata at may bad breath pa ay mukha paring anghel. sya yung pagkakasulyap mo lang hindi na kailangan ng 8.2 seconds ng eye contact. BOOM PANES KA KAAGAD.

"Bella."

"oh?"

"pede mo ba ko tulungan."

"ano"

"magcucutting uli kami ni Marc"

"WTF TESS!"

"eeeehhh sabihin mo lang kay nanay na kasama kita sa bahay nyo."

"ayoko. one week ka nang genyan, di mo ganun kakilala si Marc. wag kang sumama sa kanya." Lumabas ako sa stall ko.

"Kilala ko sya.."

"eh di mo nga sya friend sa FB jusko!"

"di nya lang ina-accept!!"

"SINONG TAO ANG DI IA-ACCEPT ANG FRIEND REQUEST NG KAIBIGAN NYA NA LAGI NYANG KASAMA!!" tumayo sya sa ikinauupuan nya

"di naman kasi sya masyadong nag o-online.."

"shit! Tess B.I. si Marc. wala tayong masyadong info sa kanya. walang nakakakilala masyado sa kanya dito sa campus! minsan lang sya pumasok! pati ikaw nadadamay. tsaka! anong klaseng tao si Marc at natitiis nya na di mag online kung di din naman sya napasok."

"..." tumingin ako sa salamin na sobrang dumi na may sulat gamit ang lipstick na nabura na at nakita ko ang reflection ko na.. teary eyed na..

"haaay bahala ka nga." kinuha nya ang cellphone nya galing sa bulsa ng palda nya "ano sasabihin ko sa mama mo?"

I didn't notice but I think my smile was so fucking big when she said that.

Marc LeeWhere stories live. Discover now