"Ang alin?" Waaa! Napahawak ako sa bibig ko. Nakakahiya, iniisip ko bang uulitin naming ang kiss? Kyaaa!

*cough* "Bukas, gagawin natin ulit ito, siguraduhing mong magagawa mo ang pagpapalabas ng kapangyarihan mo kundi mapipilitan akong ipalabas yan sa delikadong paraan." sabi niya pa sabay naglakad papasok sa bahay. Ibig ba niyang sabihin gagamitin niya ang kapangyarihan niya sakin? Aba my balak ba siyang patayin ako?

kundi mapipilitan akong ipalabas yan sa delikadong paraan

Waa! My balak nga siyang patayin ako?


2nd day *

"Ready kana?" tanong sakin ng halimao. 7am pa ng umaga ginising na niya ako, andito na pala kami sa likod ng bahay. Hayy inaantok pa ako.

"Oo halimao" naglakad na ako papunta sa gitna at umupo.

"Ano sabi mo?" sigaw niya sakin. lumingon ako sakanya at tinignan siya ng masama.

"Shhh! Ang aga sumisigaw ka." sabi ko pa. Wala pa ako sa wisyo makipag bangayan sakanya ng ganitong kaaga. Inayos ko naman ang sarili ko at pumikit. Mukhang matutulog lang ako e.

Umayos ka Aliyah. Kung di mo magawa yan bahala ka, baka gusto mong mapalabas yan sa delikadong paraan. Waaa.

"Gawin mo na ang dapat mong gawin"

"Anak ng teteng!" bulalas ko sabay tayo sa pwesto kung nasan ako.

"Pwede ba wag ka naman manggulat Zoren." sabi ko bumalik na ako sa pagkaupo at nagsimula ng mag imbento kung paano gawin.

Pinikit ko ang mga mata ko. Inalis ang mga naiisip ko.

Nagcoconcentrate na ako ng bigla nanamang lumabas ang nangyari nung nakaraan sa isip ko. Ba naman Zoren! Alam ko first kiss ko yon pero gusto ko na malaman ang kapangyarihan ko. Maya nalang kita isipin. Pwede?

Iniling iling ko naman ang ulo ko at huminga ng malalim. Pwinesto ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang hita ko. Para lang ako nag memeditate.

Concentrate Aliyah. Hingang malalim.

Nararamdaman ko namang bumibigat ang mata ko habang nakapikit. Sino bang di aantukin ng ganitong kaaga. Bwisit na Zoren yun. Mukhang makakatulog na nga ako neto.

Ngunit wala pang ilang minuto, nagising ang diwa ko. Natulog pa ako! Minulat kong dahan dahan ang mga mata ko. Sa gulat ko ay napatayo at ako inilibot ang mata ko sa paligid.

Hindi ito ang lugar kanina. Nasaan ang bahay ni Lolo? Lumingon ako sa likod at wala ang punong sinasandalan ni Zoren. Wala din siya. Waa. Asan ako? Napakamot naman ako sa ulo. Jusko Aliyah, San kaba nagpupunta.

Pero infairness, maganda dito. Sariwa ang hangin. Parang walang katao tao. Nakakagaan sa pakiramdam.

Naglakad lakad ako sa lugar nato, hinahayaan ang mga paa kung san ako dadalhin hanggang may isang puting punong naagaw ang atensyon ko. Wow ngayon lang ako nakakita ng puting puno. Astig! Pero parte ba ito ng Madrinadia? O hindi? Gulo!

Lumapit ako sa malaking puting puno na yun at tumingala. Grabe ang laki laki niya. Ang dami pang mga mansanas pero kakaiba ang kulay. Kulay ginto. Weird.

Aalis na sana ako ng biglang my narinig akong tumatawag sakin.

'Aliyah' sabi na neto. Napakahinhing boses ang narinig ko mula roon sa karagatan. Hindi ako nagkakamali kung saan galing ang boses na yon.

Naglakad ako papuntang karagatan ngunit my narinig ulit ako tumawag sakin banda roon sa my punong puti. Kaya napalingon ako at mga sanga ng puno ay parang sumasayaw dahil sa hangin. Ang weird na talaga. Wala namang katao-tao dito at my tumatawag sakin. Hindi ba siguro mga multo yun?

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu