(Revised) CHAPTER 6

3.5K 104 2
                                    

CHAPTER 6-

( 3rd Person's POV )

Di agad nakatulog si Krystal dahil dun sa pagkakaligtas ni Kevin sa kanya mula kay Prince. Kaso pilit iniisip ni Krystal na di sya maiinlove kay kevin dahil baka pagtawanan sya ni Jhem at baka tama yung sabi ni jhem na kakainin nya sinasabi ni krys.

Kinabukasan..

Naglalakad papunta sa School si Krystal sya lang mag isa dahil may Practice si Jhem ng Badminton kaya maaga sila pinapasok ng Prof. nila, nakayuko lang naglalakad si Krystal at iniisip parin yung tungkol kay Kevin.. Nang biglang.

( My humila kay Krystal mula sa likod )

" Waaaah! Wag po! Di po kami mayaman wag nyo ako Holdapin." Pagmamakaawa ni Krystal sa humila sa kanya.

" A-Anong pinagsasabi mong hoholdapin!? Mukha ba akong Holdaper? Sa Gwapo kong to!? " Nagsalita ang lalaki at Humarap si Krystal dito.

" Urgh! Bwisit ka!" Sabay sapok kay Kevin "Puro ka hila! Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka di yung Hila ka ng hila! Ang sakit na ng katawan ko! Kasalanan mo pag nasanay akong maglakad ng paatras! At Isa pa! Para kang mushroom pasulpot sulpot! " Naiinis na sabi ni Krystal. Si Kevin naman natawa lang, Nabigla si Krystal dahil 1st time nyang makitang tumawa at ngumiti si Kevin.

" Uy! Tumawa sya. Mas bagay mo pa ang naka ngiti, Ang Gwa-- Ah Wala wala." Sabi ni Krystal sabay Kurot sa pisngi ni Kevin pero nung napansin nila na sobrang close na sila binitawan agad ni krystal si Kevin at Tumalikod. Nagba-blushed si Krystal.

" Mas Gwapo ako? Gwapo naman talaga ako. Bat namumula yang pisngi mo? May sakit ka ba?" Pag aalala nito kay Krytal at hinawakan ang pisngi nya. Lalong namula si Krystal at nag eye to eye contact sila pero ng bumalik sila sa reality biglang umiwas sila ng tingin .

" Ta-Tara na." Sabi nalang ni Krystal para di sila msyadong nagkakahiyaan nag nods lang si Kevin. Habang naglalakad sila hindi sila nag uusap Awkward sila sa isa't isa. Nakarating na sila sa school at ayun di masyadong nakapasok si Kevin at Prince dahil kasama sila sa Varsity Players para sa Championship ng basketball laban sa ibang school puspusan ang practice nila. And ayun naiwan mag isa si Ice princess sa room wala syang ka-close sa mga kaklase nya masyado.

After 7hours natapos ang klase nila. As usual umuwi mag isa si Krystal kase nagpa-practice pa si Jhem. Habang naglalakad si Krystal naramdaman nyang nag vibrate ang phone nya.

" Sino kaya nakaalala sakin? " Sabi nya sa sarili nya.

1Message recieved .

From: +63912.......

Hey? Nakauwi ka na ba? Sorry di na kita nahatid. Ingat ka sa daan baka totoong holdaper na manghila sayo! Haha. Bawi ako Bukas
-Mushroom.

natawa si Krystal sa nabasa nya, Kinikilig? Nakauwi na sya ng bahay at  nagpatulong ang kapatid nya sa assignments nya May Younger Sister si Krystal, ang pangalan ng kapatid nya ay Abegail kaugaling kaugali sya ni Krystal parehong Ice Princess sila pero ibang school si Abby. Tinulungan naman sya nito at umakyat na sya sa kwarto, naligo at humiga ginawa naman nya ang sarili nyang assignments. Matalino si Krystal sadyang Masama lang ugali. Nang matapos nya gawin ang assignments nya, humiga na sya ng biglang mag-Ring ang phone nya.

CALLER ID: Mushroom~

Nabigla si Krystal pero sinagot nya.

" He-Hello? "

[ Zup? Nakauwi kaba ng buo? ]

" Di ba halata? Kausap mo ko kaya siguradong buo pa ko nakauwi. " Pilosopong sagot nya kay Kevin.

[ Tss. Wag mo ko pag bwisitan ah! Pagod ako galing sa Practice! Umayos ayos ka ng Sagot! ]

" OK! bakit ka nga pala napatawag? Mag- e-11 na ah Buti di kapa tulog? " Cold tone nitong tanong ky Kevin.

[ Wala lang, Ikaw bakit di ka pa tulog? ]

" Ginawa ko mga assignments ko. "

[ Ah ok! Sige tulog na ko See you tomorrow sunduin kita bye. ] Sabay hang-up.

" Ay! Di lang mushroom bastos pa!" Natulog na si Krystal.

@ Kinabukasan..

* Knock! *Knock! * binuksan na ni abby ung pinto ni krystal.

" Ate Gising na! 7am na! " Inaalog ni Abby si Krystal.

" Mamaya na!" Nagsasalita habang nakapikit.

" Maarte tumayo ka na jan! Oras na malalate tayo" Si Kevin na ang nagsalita.

" Mushroom mamay— " Di na natuloy ni Krystal ang sasabihin nya at napaupo sya bigla
"A-ANONG GINAGAWA MO DITO!? " Nagulat si Krystal dahil nasa kwarto nya si Kevin at ang worst nka pantulog pa si krystal.

" Abbbyyyyy! Bakit mo pinapasok yang lalaking yan dito!? " Inis na Sabi ni krystal sa kapatid.

" Sabi nya ehh" Tumayo si Abby
" Sige maiwan ko na kayo, kuyang pogi pag pasensyahan mo na yung dolphin voice ng ate ko ah Bye." Lumabas na si Abby.

" Tumayo ka na jan! Hihintayin nalang kita dito. " Malamig na sabi ni Kevin.

" Dun na lang sa sala! Nakikita mo naman sigurong nakapantulog lang ako diba? Wag bastos, Labas!" Sabi ni Krystal habang nakatakip sa Kumot.

" Nope, Asa kang sisilipan kita wala naman akong makikita jan. Gusto ko dito Maligo kana bilisan mo. Pag di ka pa tumayo jan Hihilahin kita ulit." Malamig na sabi ni Kevin. Kaya tumayo na si Krystal at tumakbo papunta sa banyo nya sa kwarto.

" Wow! Sexy! Haha." Pang-aasar ni Kevin.

" Shut-up! Freak! Pervert!" Sigaw ni Krystal habang nasa banyo.

" Maarte ang bait ng mommy mo no? Sya nagpapasok sakin dito. " Kinausap ni Kevin si Krys habang tumitingin sa loob ng kwarto ni Krys.

" Ah Oo mabait talaga yun lalo na si papa sayang di mo sya nadatnan " Sigaw ni Krys.

" Pati ung kapatid mo, pero bakit ganon di mo kamukha." Sabi ni Kevin.

" Tse! By the way, asan nga pala mommy mo? " Tanong ni krys . biglang natahimik si Kevin . "Nanjan ka pa ba Mushroom?"

" May ibang pamilya na mommy ko nasa ibang bansa sila ng 3 anak nya at yung kanong asawa nya."

Paliwanag ni kevin lumabas na sa banyo si Krystal.

" Aw. I'm Sorry hindi ko alam Kevin." Sabi ni Krystal at nalungkot .

" It's Okay, sanay na kami dun ng ate ko." Sabi ni kevin at ngumiti.

" Halika na. Sorry kung natagalan ako ah. By the way nandito naman ako lagi para sayo pag may problema ka." Sabi ni krystal sabay tap sa balikat ni Kevin. Bumaba na sila .

" Krystal kain na muna kayo ng kaibigan mo." Pag aanyaya ng mommy nya umupo na si krystal.

" Kevin what are you doing there? Halika dito kain ka" Sabi ni Krystal umupo narin si Kevin.

" Hi I'm the mother of Krystal. But If its okay to you can call me mom." Pag iintroduce ni mommy.

" Salamat po. " Ngumiti ulit si Kevin. Kumain sila at nag kwentuhan 7:30 na sila nakaalis sa bahay nina krystal.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ice Princess meets Ice Prince (Revising)Where stories live. Discover now