CHAPTER 47

1.4K 30 11
                                    

3rd Person's POV.

Nabitawan ni Krystal ang basong dala na kaya napatingin ang dalawang taong nasa kwarto.

" Ma-Mao.. " Tanging nasambit ni Abby.

" A-Anong I-Ibig sa-sabihin ni-nito!? Abby! Kevin!? " Sigaw ni Krystal habang umiiyak at Nanginginig kasabay nito ang luha mula sa kanyang mata.

" Ph-Phin Let me explain" Sabi ni Kevin at lumapit ito kay Krystal pero bago pa nakalapit si Kevin ay nasampal na sya ni Krystal. Lumapit sya kay Abby at sinampal nya rin ito.

" Abby!! Of all the boys pa! Si Kevin pa talaga!? " Sigaw ni Krystal sa Kapatid. Umiiyak sila pareho.

" Grabe abby!! Sa sobrang kakatihan mo nahiya bigla ang Higad sayo!! " sabi ni Krystal at napaupo sa sobrang sakit ng nasaksihan nya. Hinawakan sya ni Abby.

" A-Ate" Tawag nito kay Krystal.

" bitawan mo ko!! Wag na wag mo kong ma tawag tawag na Ate! Dahil wala kang kwentang Kapatid! " Sigaw ni Krystal habang iyak pa rin ng iyak.

Umiyak lalo si Abby at pinili nya na lang umalis. Lumabas si Abby sa Kwarto.

" Kry-Krystal.. " Tawag ni Kevin at lumapit ulit sya dito.

Tumayo si Krystal at lumapit muli kay Kevin.

" *Slap* Para sakin yan *Slap* Para sa pang gagago mo sakin! *Slap* Para sa kapatid ko! damn! Kevin, ang daming babae Bakit ang kapatid ko ba ang ginamit mo?! " Sigaw ni Krystal kay Kevin habang tinutulak nya ito. Wala pa ring tigil sa pag iyak si Krystal kaya di na napigilan ni Kevin ang luha nya.

" Krys , please pakinggan mo muna ko. " Sabi ni Kevin at hinawakan ang kamay ni Krystal.

" Alin ang papakinggan ko!? Ang sabihin mong 'Oo, krystal ginago ka namin ng kapatid mo kase mahal namin yung isa't isa!' Yun Ba kev?! alam mo bang sa ginawa mo Kev, pinatay mo ko ng paulit-ulit! Alam mo ba yon!! " Sigaw nito kay Kevin, umalis na lang si Krystal at iniwan si Kevin mag isa sa kwarto. Kinuha ni Krystal ang mga gamit nya sa kwarto.

" Moo, sa-- Anong nangYari sayo? Bakit ka umiiyak? " Tanong ni Jhem dito, lumapit sya kay krystal at bigla syang niyakap ni Krystal.

" A-Anong nangyari? " Tanong ulit nito kay Krystal.

" Si Kevin at Abby... " Tumigil si Krystal dahil umiyak nanaman sya. " May relasyon sila Moo, nahuli ko silang dalawa sa Kwarto. Na-Naghahalikan sila. " Di na napigilan ni Krystal ang hagulgol nya.

Di na muna nagsalita si Jemlie, dahil lingid sa kaalam ni Krystal ay alam na ni Jemlie pero ayaw nyang masaktan ang kaibigan kaya tinago nya na lang.

Umuwi si Krystal mag-isa.
Buti na lang at walang tao sa Bahay nila kundi ang mga katulong lang nila.

pumasok ito sa Kwarto at nandon si Abby.

" Anong ginagawa mo dito? " Walang ganang tanong ni Krystal.

" Hayaan mo muna akong magpaliwanag Ate please" Naiiyak na sabi ni Abby.

" Paliwanag nanaman? Tss.. Sawa na ko Abby. Lumabas ka na dito pagod ako . " Walang gana pa ring sagot ni Krystal.

" Please Ate " Di napigilan ni Abby ang luha nya.

" Lalabas ka o Kailangan pa kitang kaladkarin palabas? " Walang emosyong sabi ni Krys.

" Ate.. "

" LABAS!! " Sigaw ni Krystal na hindi tumitingin sa kapatid, pero matigas si Abby kaya hindi sya lumabas.

Napikon si Krystal sa kapatid.

" Ang KAPAL RIN NG PAGMUMUKA MO NOH!? Lahat na lang ng talent na sayo! kase MALANDI KA NA MANG-AAGAW KA PA!! " Sigaw ni Krystal pero hindi umiimik si Abby.

" Lumabas ka na. Baka di ako makapag pigil at palayasin kita mismo sa bahay na to. " Sabi ni Krystal at Tumalikod ito kay Abby.

" Bu-Buntis ako at Si Kevin ang tatay Ate. " Parang nabingi si Krystal sa narinig nya kaya di nya napigilan ang luha nya.

" Anong gusto mong gawin ko? Mag paparty ako? Na ang kapatid ko nagpa buntis sa Boyfriend ko? tss.. Alis." Sabi ni Krystal , lumabas na lang si Abby. Kaya umiyak na ng umiyak si Krystal.

KINABUKASAN..

Lumabas si Krystal na dala ang maleta nya.

" Where are you going? " Tanong ng mommy nila na kasalukuyang kumakain kasama si Abby at biglang lumabas Ang daddy nila.

" Saan ka pupunta ? " Tanong din nito.

" Malayo sa mang aagaw" Mahinang sagot ni Krystal.

" Huh? " Tanong ng mommy nya.

" Ma, dad, pwede bang hayaan nyo muna kong mag isa? May gusto akong patunayan sa sarili ko. Pupunta ako ng America, and dad, pwedeng ako muna ang humawak ng Business natin dun? " Walang ganang tanong ni Krystal, napangiti ang daddy nya dito dahil minsan lang sya magkusa.

" How about your studies? Titigil ka? " Nag aalalang tanong ng Mommy nya.

" No. Of course not, itutuloy ko na lang don. " Sabi nya.

" Tara, hatid na kita? " Sabi ni Daddy nya.

" no dad. Kinausap ko na si Jemlie, papahatid ako sakanya." Sabi nito at tumalikod na at naglakad palabas.

Lingid sa kaalam nila ay Mag isa lang itong umalis dahil kahit si Jemlie ay hindi alam na aalis sya.

Tinext ni Abby si Kevin.

To: Kevin.

Kev? Mahal mo ba si ate? Kung oo, pigilan mo syang umalis , pumunta na sya ng Airport. Pupunta na syang America.

Pagkabasa pa lang ni Kevin dito ay humarurot na sya papuntang Airport.

Ilang minuto rin syang nagbyahe.

Papasok na sana sya ng Airport pero bigla syang pinigilan ng gwardya.

" sir, pasensya na po pero bawal kayo dito. " Bawal nito sa binata.

" Sir please, hahabulin ko lang po yung mahal ko, hayaan nyo na ko. " Pagmamakaawa nito.

Pero pinigilan pa rin sya ng mga ito. Tumakbo si Kevin ng makita nya si Krystal.

" KRYSTAL!! " Sigaw nito pero di sya naririnig ng dalaga.

Nang malapit na sya kay Krystal biglang may humawak sakanya sa Kamay, ang mga gwardya sa Airport at unti-unting nawala si Krystal sa paningin nya. Nakasakay na ito ng eroplano.

Napaupo si Kevin at biglang tumulo ang Luha nya.

" Dolphin.. " Huling salitang nabanggit ni Kevin bago ito tuluyang kunin ng mga gwardya.

-------------
Sorry dinamay ko si Kevin at Krystal haha
WALA PO KASENG FOREVRR XD

Ice Princess meets Ice Prince (Revising)Where stories live. Discover now