Chapter 46

1.5K 24 2
                                    

KRYSTAL's POV.

Nakauwi ako ng safe sa bahay.

" Mao, kanina pa ko tumatawag sayo. Bat di mo sinasagot? " sabi nya.

" Wala na kong phone. " Sagot ko.

" Huh? Bakit? Ano nangyare? " Tanong nya.

" Naglakad may paa yun ehh. Tss.. nahulog ata ewan. Basta yun, pahinga lang ako. " Sagot ko at umakyat na sa taas. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko.
I really want to sleep.

ZzZzZzZzz..

nasaan ako? bakit parang di ako pamilyar sa lugar nato.

Teka si Kevin ba yon? Sino yung kasama nya? S-Si Abby? A-Anong ginagawa nila? Holding hands?
Yakap? Tapos hi-hinalikan pa nya si A-Abby.

3RD PERSON's POV

Bilang tumulo yung luha ni Krystal sa nasaksihan. lalapit sana sya pero parang palayo ng palayo ang dalawa nang biglang..

" mao! MAO! *inaalog si Krys* Mao! Gumising ka jan! " Sigaw ni Abby at nagising ang dalaga.

" Anong nangyayari sayo? Hindi ka ng hindi, nababangungot ka ba? " Sabi ni Abby sakanya habang si Krys parang wala parin sa sarili nya.

" H-Huh? Wa-Wala Ok lang ako. " Sabi nya ng walang ekspresyon ang muka nya.

" Ok ka lang talaga? Kanina pa nag aantay si Kuya Kevin sa baba sayo. " Sabi nya kaya bumalik sa reyalidad ang dalaga at agad itong bumaba.

" Anong gnagawa mo dito? " Tanong ni krystal kay kevin.

" may sasabihin lang ako, yayayain ko sana kayo sa tagaytay. " Sagot ni Kevin sakanya.

" Wala na kayong practice? Sino mga kasama? " tanong agad ni Krystal.

" Wala na, 1week pahinga muna daw, sina Aira, Jhem, ikaw, ako tsaka si Abby. " Sagot ni Kevin bigla naman kinabahan si Krystal nang banggitin ni Kevin ang pangalan ni Abby.

" Uy! Ok ka lang phin? " Tanong ni Kevin nang mapansing wala sa sarili ang kasintahan.

" Hu-HUH? siguro. Sige Kevs susubukan ko na lang. " Sagot nya sa binata.

" Bukas ahh. Sunduin ko kayo ng mga 3am. " Sabi ng binata at umalis na naiwan nanamang tulala si Krystal kaya minabuti nya na lang magkulong muna sa Kwarto nya.

Kinabukasan (2:30am)

Nasa bahay na ng mga Dizon si Kevin hinihintay ang dalawa kasama nya sina Aira at Jhem.

" Moo! Bilisan nyo nga jan. Para makapag enjoy tayo! " Sigaw ni Jhem, buti na lang nasa Business trip ang mga magulang nina Krystal at Abby mga katulong lang ang nasa bahay.

" Eto na nga oh! " walang mood na sagot ni Krystal. Bumaba ang magkapatid at dinala sa kotse ang mga gamit nila. Si Krystal ang mag ddrive.

3:10am

Nakarating sila sa destinasyon nila.

Krystal's Pov

Pagdating namin sa bahay nina Kevin sa tagaytay ay umupo agad ako while them they scanning the whole area.

" Kevin! Ang gara ng bahay nyo! " sabi ni Moo at manghang mangha sa bahay. Maganda kase talaga sya. But wala ako sa mood mag describe.

" Hmm. Paghanda ko muna kayo ng makakain ahh. Wala kase yung katulong namin dito. " pagpprisinta ni Kevin.

" Samahan kita kuya" Sabi ni Abby, bat ba ako kinakabahan? Woah! Kapatid ko sya and may tiwala ako kay kevin kaya di nila magagawa yun.

Ilang minuto ay dumating ang breakfast namin.

" Guys, yung mga rooms pala dito 3 lang daw ang nalinis ehh. Ok lang ba kung magsasama si Jhem at Aira tapos kayo ni Abby ang magkasama phin? Ako na lang sa pinakamaliit. " Sabi ni Kevin at sumang ayon naman kami.

Umakyat na kami para ayusin mga gamit namin, 3days daw kami dito, so.. Friday ngayon hanggang linggo lang kami. Humiga si Abby at ako umupo.

" Hoy! Ugly kid, ayusin mo na yung gamit natin" Sabi ko at hinihila hila sya.

" Ikaw na Mao! " Sagot nya at binelatan pa ko.

" Ikaw na." Sagot ko dun.

" Ikaw na mao! " balik nya sakin.

" Aayusin mo o itatapon ko? -_-" sagot ko.

" Ok eto na. " sagot nya at tumayo at inayos ang gamit namin.

" Ok ka lang ba Mao? " Tanong nya habang nag aayos ng gamit at ako nakahiga.

" Hu-Huh? "

" Napansin ko kase parang kahapon ka pa ganyan, dahil ba sa panaginip mo? Ano ba kase yun? " Tanong nya ulit at humarap na sakin.

" Abby, what if.. Nagkagusto tayo sa isang lalaki ano gagawin mo? " Diretso kong tanong at tumingin sakanya. Umiwas sya ng tingin sakin pero bakit?

" Hu-Huh? Si-Siguro magpaparaya ako kung sakali man mangyari yun. " Sabi nya at inayos na lang ulit ang gamit namin.

Lumapit ako sakanya at niyakap sya.

" Ugly Kid, diba di nmn siguro mangyayari yun noh? " Sabi ko at ngumiti lang sya sakin.

" Bababa lang ako Mao. " Sabi nya at bumaba sya at ako, natulog muna kakapagod ehh.

abby's POV.

Kinabahan ako bigla sa tanong ni Ate sakin, alam nya na kaya? Hays.. Katangahan naman kase!

" Yow! " Sabi ni Jhem sakin. " Ok ka lang? Bakit parang lahat ng tao wala sa mood? "

" Ok lang ako, ikaw ok ka lang? Balita ko babalik na si Bea sa school. " Sabi ko at natahimik sya.

" Ok lang naman, tapos na kami ehh. Tsaka ayokong magpaka bitter sa isang taoand lastly ayokong manggulo kung masaya na sya. " diretsong sagot nya sakin. Aray! Ang sakit nun ah.

" Sige alis na ko punta muna ko sa Pool. " Sabi ko na lang, Hayyss..

Krystal's pov.

Nagising ako gabing gabi nya pero bakit wala si Abby? Baka naman nagutom lang at kumain. Teka anong oras na ba?

2am?! Grabe! Ang tagal ng tulog ko. Kaya pala nagugutom ako T.T Makababa nga muna.

3rd Person's POV.

Bumaba si Krystal para kumuha ng pagkain sa Ref, pero nagbago ang isip nya kaya tubig na lang ang kinuha nya at dadalhin nya sana sa Kwarto nila, nung pabalik na sya may narinig syang ingay, mula sa isang kwarto.

medjo bukas ang Pinto nito. Biglang kinabahan si Krystal nung nasa harap na sya ng pinto ng nasabing kwarto, binuksan nya ito ngunit laking gulat nya sa kanyang nakita na dahilan para mabitawan nya ang basong dala nya at bigla na lang tumulo ang Luha mula sa mga mata nya..

Ice Princess meets Ice Prince (Revising)Where stories live. Discover now