[TLLLGN 11]: EDITED

19.4K 493 13
                                    

TYRONE's POV

"Mukhang may mangyayaring masama."-biglang sambit ni Neil kaya napatingin kaming lahat sakanya.

Nandito kami sa hide-out namin, Kami lang ang nandito since kami lang naman ang nakaka-alam nito at bawal malaman ng kahit sino kung saan 'to dahil ito lang ang tanging lugar a nagsisilbing safe place para saamin. Sa lugar na 'to kami tumatambay o kaya ay kapag may sasabihig napakahalagang bagay. 

"Anong mangyayari?"-tanong ni Jester na bakas sa mukha ang pagtataka.

"Gago. Alam mong kapag ganito, may nangyayari talagang masama pero hindi ako anak ng manghuhula at mas lalong hindi ako manghuhula."-sagot ni Neil sabay nag buntong hininga.

Tama. Kapag ganito ang nararamdaman niya, may nangyayari talaga at konektado 'yon saamin. Hindi pa pumapaya ang instincts ni Neil. Alam kong kailangan naming humanda dahil kung ano man ang mangyayari, alam kong hindi 'yon maganda at hindi namin magugustuhan.

"Bantayan niyo ang nerds."-sambit ni King. 

Nerds? Mukha ngang kailangan namin silang bantayan dahil marami nang nakaka-alam na malapit sila saamin at pwede nilangang gamitin ang nerds laban saamin. 

"Pero diba gangster din sila?"-sambit ni Ethan na para bang inaalala yung sinabi ng nerds noong umamin sila saamin na gangster sila.

"Oo pero hindi natin alam kung gaano sila kalakas at mas lalong hindi natin alam kung sino ang may balak sakanila."

Pero napapa-isip ako. Alam kong hindi basta-basta gangsters ang nerds. Alam kong malakas sila. Hindi ko lang alam kung gaano kalakas pero alam kong may itinatago silang lakas na hindi pa nila naipapakita.

HANNAH's POV

"May di magandang mangyayari."-sambit ni Laine. Napabuntong hininga nalang kami dahil alam ko na nararamdaman 'yon ng bawat isa saamin. Ayos lang naman kaso baka mapadali ang paglitaw namin at pagpakilala. Wala pang sinasabi si Dace kung kailan kami babalik. 

"Be attentive."-sambit ni Dace at tumungo na sa desk niya. 

Nahagip ng mata ko ang mala-demonyitang pabebe na ngiti ni Beatrice at ng mga alipores niya. Tsk. Mukhang may ideya na ako kung sino ang may pakana sa kung ano man ang mangyayari saamin mamaya. Well, goodluck.

Kung sila lang din naman, alam kong kaya namin sila.

NEIL's POV

Napansin ko ang pagiging seryoso ng nerds kanina. Narinig ko rin ang usapan nila at alam kong nararamdaman din nila na may masamang mangyayari. Gustong gusto kong itanong kung sino sila sa underground pero alam kong wala naman kaming mapapala.

Binati naman namin sila at tanging tango lang ang itinugon nila saamin. Mukhang seryoso pa rin sila hanggang ngayon. Biglang nawala ang pagiging childish nila. Iba rin ang aura nila.

Biglang lumapit saamin sina Beatrice at binati kami ngunit hindi namin sila pinansin. Nakita ko pang tinignan siya ng nerds at nginitian ng mapang-asar. Siguro dahil napahiya saamin. Mga pabebe naman kasi sila. Malalandi pa. Puro naman make up ang mukha. Baka sa susunod mapagkamalan ko na siyang si McDo.

"Ngini-ngiti ngiti niyo diyan?"-inis na sambit ni Beatrice at saka inismiran ang nerds na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. Iniinis nga ang mga clown girls.

"Smile because why not?"-malokong saad ni Sophia.

"Wow. Tignan ko lang kung makaganyan ka pa mamaya. Let's go girls. Bye DOC."-sambit ni Beatrice. Teka. 

"Tignan ko lang kung makaganyan ka pa mamaya."

  "Tignan ko lang kung makaganyan ka pa mamaya." 

Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Beatrice ng mapagtanto kong mukhang may kinalaman sila sa kugn ano man ang mangyayari. Damn.

Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan dahil sa kakaisip kung ano ang pinaplano ni Beatrice. 

Napagpasyahan nalang namin na kumain sa garden kasama ang nerds. May baon sila samantalang kami, makiki-share nalang sakanila. Ewan ko ba kung ano ang naisipan namin at humantong kami sa ganun. Basta mukhang masaya naman.

Kanya-kanyang pwesto. Si Laine ang katabi ko. Napansin kong ang katabi ni King ay si Dace. Si Tyrone at si Sophia. Si Ethan at si Hannah. Si Faye at si Lester at si Jester at Thea. 

Kinuha ko ang lunchbox ni Laine at saka binuksan. Ang baon nila ay yung niluto nina Kuya Bryle siguro kaya siguradong masarap 'to. Kinuha ko ang kutsara at tinidor at saka sumubo. Sinubuan ko rin si Laine. Walang kaso ang ganito. Hindi naman ako nandidiri. Indirect kiss pa nga.

Puta.

Wala kayong nabasa.

"Hoy King tinidor ko yan!"-rinig kong sambit ni Dace. Hawak ni King yung tinidor at kumuha ng pagkain saka sumubo habang natatawa.

"Hoy punyeta! Hindi ka ba nandidiri?"-tanong ni Dace ngunit umiling lang si King. Maya't maya ay sinusubuan na ito ni King. Nakikita kong bagay sila. Hindi naman kasi maipagkakailang maganda si Dace. Actually, lahat sila maganda sadyang hindi lang napapansin kapag nagfocus ka sa pagiging nerd nila.

"Maiba tayo. Mukhang may masamang binabalak sina Beatrice?"-biglang sambit nalang ni Ethan. Panira ng mood.

Napabuntong hininga nalang kami.

Hindi maganda ang pinaplano nina Beatrice kaya alam kong 'yon yung dahilan kung bakit nakaramadam ako na may masamang mangyayari. Kailangan nalang namin mag-ingat dahil baka kung ano pa ang mangyari. Ayaw kong mapahamak ang mga nerd na ito kahit ganito sila. Sila lang ang naging kaibigan naming babae dito kaya hindi kami makapapayag na may mangyari sakanila.

Gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila. Lalo na si Laine.

The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)Where stories live. Discover now