[TLLLGN 9]: EDITED

23K 524 14
                                    

KENNETH'S POV

Nasa grocery kami ngayon. Yung pag-ayos kahapon ng coliseum ay successful naman. Kanya-kanyang hatid sa mgs nerds dahil baka kung ano pa ang mangyari sakanila sa daan kahit na alam naman namin na walang magtatangkang mang-rape sakanila. Ginabi na rin kasi kami masyado kahit na nagtulungan kami. Ang laki ng coliseum tapos maliban samin at sa nerds, konti lang ang tumulong.

Yung nga nerds ay busy sa pagkuha ng pagkain nila. Kanya kanyang bayad daw kaya kami namang DOC ay kumukuha rin ng pagkain namin na tama lang para sa ngayong gabi. Pero yung mga nerds parang may party na hahandaan dahil kung ano ano lang ang mga kinukuha. Kaya ba nilang bayaran ang mga 'yon? Tsk.

Kalahating oras pa ang itinagal namin sa grocery at ng magbabayad na, nabigla kami sa bill nung anim na babae. Pero mas nagulat kami nung lahat yun ay i-cash nila. Seryoso? Akala ko mahirap lang sila.

Ngayon nasa parking lot na kami. Nasa kotse na ako nang makita ko na ang bibilis magpaharurot ng mga nerds. Shit. Baka mapahamak sila. Konsensya pa namin. Nakita kong sinundan sila ng mga ka-member ko kaya di na rin ako nagdalawang isip na sumunod sakanila at pabilisan ang pagtakbo ng kotse ko.

Parang may racing na nagaganap ngayon sa kalsada. Mabuti nalang at kokonti lang ang dumadaan na mga tao. 15 at 16 years old lang kami kaya sana yung mga nerds na 'yon ay may students license na kahit na ang iba sakanila ay hindi pa 16. Nadadaan naman 'yon sa pera pero mukha ba silang mayaman? Ewan. Kahit ako nagtataka na. Mukhang mayaman sila na hindi. Kung magdamit sila at umakto sa school, parang mga walang pera pero kanina sa grocery at yung mga kotse nila na obvious na mamahalin ang dahilan kung bakit naguguluhan ako ngayon. Hindi ko naman sila matanong dahil baka kung ano pq ang isipin nila. Hintayin ko nalang na malaman ang tunay nipang pagkatao. Alam king darating din ang tamang oras para makilala sila ng lubusan.

Nabigla ako ng huminto sila. Buti nalang napapreno ako agad. Tsk.

Isa-isa silang bumaba kaya pinatay ko na ang makina at bumaba na rin sa kotse ko. Nasa harap kami ng isang malaking bahay sa loob ng isang mamahaling subdivision. Bahay ba nila 'to o nagtatrabaho sila dito? Pero kung nagtatrabaho lang sila, bakit naman nila kami papapuntahin dito?

"Ako nanaman ang nauna. Wala pa ring pinagbago. Nako."-sambit ni Dace at nagtawanan ang mga nerds. Anong nakakatawa?

"Bahay niyo ba 'to?"-tanong ni Tyrone.

Tumango lang ang nerds at naglakad na papasok. Napa-kibit balikat na lamang kami at saka sumunod sakanila sa pagpasok sa bahay.

Naabutan namin sina Dace na may kausap na mga lalake. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin na mga gangster 'yon. Napamura pa ako ng mahina at lalapit na sana dahil akala ko nasa panganib ang nerds kaso napansin namin na nagtatawanan sila kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko pa naman mapapalaban kami ngayon. Kaso, paano nila nakilala ang mga 'yan? Kung hindi lang 'to mga nerd, mapapagkamalan kong gangster din sila.

"Kuya, Death of Cards members nga pala."-sambit ni Sophia. halata naman sa mukha nila na gulat sila ngunit hindi naman tumagal 'yon at nakipag-kamay sila saamin.

Nalaman kong kapatid sila ng mga nerds na ito at sinabihan sila na may mags-sleepover dito pero hindi nila alam na kami ang tinutukoy nila. 

Umakyat sa isang kwarto ang mga nerds at nakakapagtakang ang tagal nilang bumaba. Basta ba mga babae matagal mag-ayos? Teka, nag-aayos ba ang mga nerds? Kahit naman ata hindi sila mag-ayos, walang magbabago. 

"DOC, pumunta raw kayo sa taas sabi ni Dace. May sasabihin sila sainyo. Huwag kayong mag-alala, hindi kayo mare-rape ng mga nerd."-sambit ng kuya ni Dace. Tumango naman ako at nagsitaasan na kami. Kumatok ako at may nagbukas ng pinto. Isang babaeng may malamig na mga mata.

The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)Where stories live. Discover now