[TLLLG 10]: EDITED

19.9K 523 10
                                    

DACE's POV

Alas tres na siguro ng umaga kami nakatulog dahil nag-enjoy ng sobra sa sleepover na naging pool part. Nagising ako sa tunog ng alarm clock pero inaantok pa ako kaya itinapon ko nalang ng basta-basta ang alarm clock ko. Tatalukbong na sana ulit ako kaso may narinig akong umungol. Tae. Mukhang may natamaan ako.

Inaantok pa ma'y dumilat na ako at bumungad saakin ang dumudugong braso ni kuya Bryle. Glass kasi yung alarm clock ko. Kulay pink na crystal glass syempre. 

"Alam kong mahilig ka sa dugo pero ayos lang ako. Pumunta ako dito para gisingin kayo."-sambit niya kaya naman ay tumayo ako at hinawakan ang sugat niya  kaya napadaing siya at sinamaan ako ng tingin. Sabi niya kasi ayos lang siya tapos nung hinawakan ko, dadaing sa sakit. Tsk. 

Hinila ko nalang si kuya pababa para magamot ang sugat niya. Bumungad samin si Kuya Bryan na sabog pa ang buhok. Tangina. Pangit.

"Bakit kulay pula ang braso mo?"-takang tanong ni kuya Bryan. Whoo. What a stupid question from a stupid person.

"Nilagyan ko ng ketchup kuya."-sambit ko ng naka poker face. Umagang-umaga bini-bwisit ako ng mga tao dito. Di ko alam kung may common sense sila na di lang nila ginagamit o sadyang tanga lang talaga at kailangan pang itanong ang obvious na tanong na syempre may obvious na sagot.

"Hay nako. Umagang umaga hime. Dude, dugo ata yan nasa braso niya. Nasugatan ata dahil sa alarm clock ni hime. Alam mo naman na laging binabato ni hime ang alarm clock niya. Ako na ang sumagot kasi baka maubusan pa ng dugo yang si Bryle."-sambit ni Kuya Xiumin kaya pinalakpakan siya. Hindi lang ng mga kuya namin, pati ang DOC nakisali. And yes, pati si King. Nahawaan siguro ng mga kapatid namin. 

"Mauubusan agad ng dugo? Ang liit lang niyan takte."-sambit ni Thea at inabot saakin ang firast aid kit. Buti pa si Thea, matino. 

"Akin na ang braso mo kuya. Lalagyan ko ng alcohol ang sugat mo."-sabi ko sakanya at pilit na inaabot ang braso niya kaso nilalayo niya. Naalala ko, takot nga pala 'to sa alcohol. Ang bakla. Para konting hapdi. 

"Hime naman. Alam mo naman na magkaaway kami ng alcohol diba? Wala namang ganyanan."-nagmamakaawang sabi niya pero huli na kasi pinasa ko kay King ang alcohol at siya ang nagbuhos sa sugat ni kuya Bryle kaya napahiyaw siya kaya nagtawanan ang mga tao este alien sa bahay. 

Nilagyan ko na ng benda ang braso ni Kuya kasi medyo malaki yung sugat.

Pumunta na kami sa dining para kumain ng breakfast. Marmaing pagkain ang nakahanda sa mesa. Hindi ko alam kung sino ang nagluto at wala na akong balak pang alamin 'yon since gutom ako at ang gusto ko lang ngayon ay kumain kaya walang sabi sabi na umupo ako at nagsimula nang kumain nang hindi sila hinihintay. Mga pagong eh. Ang pagkain hindi pinaghihintay. Huwag mong gayahin ang pagkain sa ex mong hanggang ngayon hinihintay ka kasi ang pagkain hindi kasing tanga ng ex mo, gets?

Nang matapos kaming kumain ay nagpaunahan sila sa CR para maligo. Oh yes, sila lang dahil hindi nila ako pwedeng unahan sa pagligo. Malalagot sila. 

Nang ayos na ang lahat ay napagdesisyonan namin na sumabay nalang sa DOC tutal alam naman na sa buong school na close kami. At saka malapit na kaming bumalik sa dati. Konting tiis nalang sa nerdy get up at pang aapi nila dahil kapag kami bumalik, tingnan ko nalang kung ano ang magiging reaction nila.

Kay King ako sumabay. Sabi niya kasi na sakanya nalang ako sumabay. 

"Anong gang ba kayo?"-bigla niyang tanong. Sinabi ko naman na huwag niya nang tanungin. Ang kulit.

"Basta dalawang taon na ang lumipas simula nung nawala kami."-tanging sagot ko at inilagay ang headphone ko para hindi na siya magtanong pang muli.

Gusto ko mang sabihin sakanya, hindi ko magawa. Hindi pa pwede. Darating din yung panahon na masasabi ko sakanya ang lahat. Pero hindi pa 'yon ngayon.

KING's POV

Napaisip ako sa isinagot niya. Dalawang taon? Maraming naglahong gangs noon pero lahat ng 'yon ay underlings ng isang malakas na gang. Pero baka isa lang sila sa mga underlings noon. Malabo naman na sila yung pinakamalakas na gang. Masyadong malabo.

Nakarating na kami sa school ng hindi ko namamalayan dahil sa sobrang pag-iisip. Bababa na sana si Dace kaso pinigilan ko siya at dali-dali akong bumaba para mapagbuksan siya ng pinto. Alam kong maraming nakatitig saamin ngayon na para bang inaabangan kung sino ang lalabas sa loob ng kotse ko, namin pala dahil nakita kong ginawa rin ng ibang ka-gang ko ang ginawa ko. 

Nang bumaba sila ay napuno ng bulungan ang paligid. Karamihan ay mga masasamang salita na sinasabi para sa mga nerds na kasama namin. These nerds are aware but they don't give a shit. I saw Dace smirking and continue walking like there's no one talking something bad about them.

Bakit nga ba pagsasayangan ng oras ang mga immatures?

DACE's POV

Nauna kaming girls sa classroom at bumungad saamin ang masasamang tingin nila na para bang papatayin kami. Oh em, I'm so scared. Really. 

Marami silang pinagsasasabi ngunit hindi na namin 'yon pinagtuunan ng pansin. Immature lang ang pumapatol sa kapwa nila immature kaya umupo na kami sa upuan namin ngunit biglang sumigaw si Beatrice.

"BAKIT KAYO SABAY-SABAY PUMASOK NG DEATH OF CARDS?!"

Tangina. Ang sakit sa tenga ng pabebe niyang sigaw. Natakot ako. Sobra. As in. Sa sobrang takot pinili ko nalang na magkibit-balikat at ngumiti ng mapang-asar.

Nagulat nalang ang mga kaklase namin ng biglang bumunot si Beatrice ng kutsilyo.

"Wala akong pake kung ma-expel ako. I can transfer. I just want to kill some flirts. That's all."-sambit niya at akmang tutusukin na ako ng kutsilyo ngunit biglang pumasok si Kristal at saka sinipa yung kutsilyo. Tsk. Ready na sana ako pero thank you pa rin sakanya dahil baka kung hindi siya dumating, nabuking na kami.

"Stop playing dirty, my dearest eonnie. Play fair and square. Baka lumapit sayo ang karma, hmm?"-sambit niya at saka nag-smirk.

"Oh fuck. Hindi pa tayo tapos, nerds."-sambit ni Beatrice at saka nag-walkout. Ngumiti naman samin si Kristal at nag-bow saka umalis.

"Third sign, ma-kidnap tayo."-sabi ko sakanila ng mahina at ngumiti ng malamig.

It will happen sooner or later and when that time comes, I know, everything will change.

The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)Where stories live. Discover now