[TLLLGN 7]: EDITED

23.4K 546 9
                                    

THEA's POV

"First sign, done"-saad namin ng nakangiti. Mukhang mapapadal ang pagbabalik namin sa Gangster World. Yes, ang mga sign na hihingiin ni Dace ang susi para makabalik kami sa Gangster world. Si Dace kasi yung tipo ng tao na gusto munang maglaro bago gawin ang isang bagay na pwede namang gawin kahit na hindi na maglaro pero siguro bored siya kaya maglalaro muna siya. Mapapatagal pa tuloy ang pagbabalik namin.

"Anong sunod na sign?"-tanong ni Hannah sakanya. Kung si Dace ay gustong-gusto maglaro, si hannah naman ay gustong madalian lang palagi. Sayang lang daw sa oras kung maglalaro o papatagalin pa ang mga bagay bagay na pwede namang gawin ng madalian.

"Kailangang humingi ng tulong saatin ang Death of Cards. Kahit anong tulong."-naka-smirk na sambit ni Dace. Napangiwi nalang kami dahil imposibleng humingi ng tulong saamin ang Death of Cards, ang tataas pa naman ng pride nila. Di sila basta basta hihingi ng tulong saamin, lalo na't babae kami at hilig nilang maliitin ang mga babae. Ang akala kasi ng mga lalake, porket babae tayo, mahina na agad. Kaya ang sarap tuliin ng mga lalake araw-araw eh.

"Kailangan na ba naming magpaalam sa Gangster World dahil napaka-imposible naman siguro ng hiningi mong sign hindi ba? Ang Death of Cards ay hihingi ng tulong sa mga babae? Imposible"-saad ni Laine habang umiiling-iling. Tama siya, imposible nga. Sa lahat naman kasi na sign na hihingiin niya eh yun pa. Sa dami ng sign na pwedeng hingiin, yung napaka-imposible pa.

"Girls, tao rin sila. Di lahat ng bagay ay kaya nila at di na nila kailangan ng tulong ng mga taong nasa paligid nila. Di lahat ng bagay ay kaya ng mga lalake. Minsan, kailangan rin nilang humingi ng tulong para successful ang maging kalabasan ng isang bagay. Wag kayong mawalan ng pag-asa. Babalik tayo, ramdam ko iyon."-sambit ni Dace ng nakangiti. Napa-tango nalang kami. Tama siya. May mga bagay na kailangan ng tulong ng iba dahil ginawa tayo para magtulungan di para pataasin ang pride.

"Punta kayo sa condo, dala kayo ng foods"-biglang saad ni Faye kaya naman ay napatingin kami sakanya. Ano namang gagawin namin doon? Nakakasawa kaya doon. Saka teka, familiar yung line na yun eh.

"Denice Cornejo, ikaw ba yan?"-tanong ni Sophia sakanya. Tama, line nga pala iyon ni Denice. Nag peace sign nalang si Faye habang nakangiti. Para siyang baliw. Di ko alam kung kambal ko ba talaga ito. Okay, ansama kong kambal.

"Basta doon nalang tayo tumambay kaysa dito. Dala kayo ng pagkain para yummy"-natatawa niyang sambit. Wala na kaming ibang nagawa kung hindi ay sumangayon sakanya na ikinatuwa niya at saka sumayaw ng Ice Cream cake ng Red velvet. Okay? Di naman siya mukhang baliw.

Pinagtitinginan na kami nung ibang tao at may ibang natatawa na dahil sa inaasal niya.

"Di namin siya kasama"-saad namin at saka lumayo kay Faye na ngayon ay naka-pout na parang pato sa sobrang haba ng nguso.

"Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too?"-tanong niya ng pakanta kaya naman ay napa-simangot kami.

"rude? Happy break up ang uso ngayon"-saad ni Laine ng nakangiti at saka pinatugtog ang Happy Break Up na kinanta ni Donnalyn Bartolome.

~Nakakapagod isipin na wala
nanaman tayong dalawa
kaylan ba nating tatanggapin
ang mas makakabuti sa atin
wala na nga talaga... hahahaaaa
tayong... magagawa...

Hindi muna kaylangang magpaliwanag pa
pareho tayong may maling dalawa at mas
maiging ang nabasag ay iwanan na lang
at baka tayo'y masugatan pa

Kaya Okay lang yan smile ka naman dyan
wag umiyak di pa katapusan~

ngayon ko na to sasabihin sa iyo.hohohooo. Surprise!~

"HAHAHAHAPPY BREAK UP HINDI NA TAYO HAHAHAHAPPY BREAK UP WALA NA TAYO HAHAHAHAPPY BREAK UP BREAK NA TAYO HAHAHAHAPPY BREAK UP SAYO."-sinabayan na nila yung chorus part at ako? Lumayo sakanila. Ewan ko pero, di ko alam kung kaibigan ko ba talaga sila.

Pagkatapos nilang kantahin iyon ay sabay-sabay silang tumawa na parang timang.

"Pero seryoso, punta kayo ng condo please"-sabi ni Faye na may serious tone at sparkling eyes. Pwede na siya maging pusa.

"Oo na."-sambit nila na para bang napilitan lang.

"Ayun. Tara mag-grocery na tayo."-maaayang sambit ni Faye.

"Excuse me? What do you mean TAYO? Kami lang. Maglinis kayo ng condo niyo. Hala. Kami'y bibili na ng pagkain para tayo'y may lalamunin."-sambit ni Hannah na binigyang diin ang TAYO.

Tinignan siya ni Dace ng nakataas ang kilay dahil siguro sa sinabi nito na para bang isa siyang makata. Nag peace sign na lamang siya para hindi na humaba pa ang usapang.

Umalis na kami sa Starbucks. Gaya nga ng sabi na Hannah, maglilinis kami ni Faye ng condo habang sila naman ay mag-grocery ng kakainin namin mamaya. Sana naman hindi puro junkfoods ang bilhin nila. Baka mamatay kami dahil sa sakit sa kidney. Hindi ganun ang ideal death ko.

FAYE'S POV

Iniisip ko pa rin kung bakit hindi kami pinasama ni Thea sa pag-grocery. Alam kong hindi makalat ang condo namin. Baka gusto lang nila kami paunahin para may magwe-welcome sakanila pagdating nila sa condo. Mga walang hiya.

"Hoy Faye, sakay na tayo sa kotse kung gusto mong matuloy ang food trip sa condo natin."-sabi ni Thea habang naglalakad patungong exit. Sumunod nalang ako sakanya tutal wala naman na akong magagawang iba eh. Alangan namang magpaiwan ako dito na parang ewan lang?

Kinuha ko na ang susi at binuksan ko na ang kotse ko. Agad ko naman itong pinaharurot ng mabilis at naunahan ko pa si Thea. After 3 minutes siguro nakarating na agad ako sa parking lot ng condo namin. Agad akong bumaba at nagtuloy tuloy sa floor kung saan kami ni Thea tumutuloy. Sumakay ako sa elevator kasi nasa 23rd floor pa ang room namin. After ilang minutes, nakarating na ako sa floor namin at binuksan yung condo namin. Pagkabukas na pagkabukas ko, agad kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng condo.

May mga damit sa sahig na nakakalat at hindi matukoy kung baging laba o labahan. Mga plastic ng junkfoods na hindi ko alam kung kailan pa. Yung higaan namin na hindi man lang ayos at parang binagyo. Marami na ring langgam sa paligid

Siguro nga tama sila. Kailangan nga namin linisin ang condo namin bago mapagkamalan na isa itong tambakan ng basura.

The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)Where stories live. Discover now