"AWOOO!"

"N-nurse W-woodwell."

"We meet again, Ms. Kingsley."

URGH! A-ano ba yon?

"E-ella.." natatarantang sabi ni Christy. Napakarami... sobrang daming pangyayari.

"E-ella... sandali lang." sabi pa niya. Ang sakit.

"Mommy... please h'wag mo kong iwan."

"Yeah, she'll be 16 soon. And that's the time we'll tell her the truth."

"You're transferring school today."

All the memories I've had.... flashes back to my mind. Feeling ko nagooverload na lahat ng data sa loob ng ulo ko.

At yung iba... di ko alam kung totoo bang nangyari.

"Mommy, please wag ka nang umalis... I promise, I'll do better on my studies... I'll do everything, just don't leave me."

"M-mommy... please...."

"M-mommy... I love you."

"Ang lampa mo naman, hindi mo man lang ako ginantihan? Pathetic... katulad lang ng nanay mo."

"Look, galit na galit na ang munti nating prinsesa. Tss, lampa! Alam mo kung bakit namatay ang mommy mo? Dahil sa kalampaan mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang mommy mo."

Nasasaktan ako... sa di ko malamang dahilan. Sobrang sakit... na ang hirap huminga.

Sa lahat ng maalala ko.. yun pa.

Maya-maya'y may naramdaman akong yumakap sa akin.

Hindi ko na kaya...

Parang feeling ko unti nalang sasabog na ako.

"Shh..." S-si Nurse Woodwell.

Noong nakita ko siya... huminto ang lahat. Galit ako sakanya... sobra. Siya ang dahilan kung bakit sinisisi ko ang sarili ko... Pero diba tama naman siya? Nakakatawa ako. Galit ako sa kanya imbis sa sarili ko. Pathetic nga.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Bakit ba ganito siya? Diba para na kaming magkaaway? Urgh!

Nginitian niya lang ako at niyakap muli, hindi ko alam kung dapat ba akong mahimasmasan o matakot lalo. Basta ang alam ko... niligtas niya ako. Weird ba? Miski ako naweweirduhan rin. Hindi ko alam kung paanong nangyaring niligtas niya ako pero alam ko, niligtas niya ako. Ang gulo -___-

Nginitian niya muli ako.

Ang mga ngiting 'yon, nakakapagpanatag sa akin.

Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang kwintas ko. Ang kwintas na bigay ng mga magulang ko noong sanggol pa lamang ako. Wala pa akong malay pero binigay na nila 'to sakin at ayaw na ayaw nilang pinapatanggal 'to sa akin. Madami akong iba't ibang kwintas pero 'yon lang talaga ang kakaiba sa lahat. Ang pendant ang pinakacenter of attention sa lahat, isang crescent moon na may gem-like na kasama sa gilid. Nag-iiba iba ang kulay nito at talagang napakaganda.

(see multimedia)

Hinawakan ni Nurse Woodwell ang kwintas... At umilaw ang gitna. Kung tutuusin ang gandang tignan pero... nakakakilabot. Hindi normal.

"You're safe." sabi niya at niyakap muli ako. "...kahit na malaki ang galit ko sa kapatid ko, hindi parin kita kayang iwasan, neice"

O-okay?

Hinayaan ko nalang siya na yakapin ako. Hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang loob ko sakanya. Di kaya... auntie ko talaga siya? Pero alam ko sa mga storya lang naman nangyayari yon eh.

Wolf AcademyWhere stories live. Discover now