February 04, 2014 - "Birthday Wish"

128 8 0
                                    

Eight years ago, nangyari ang isa sa pinakamalaking trahedya ng buhay ko. Nawala ang tatlo sa pinakamamahal ko, si mama, si papa, at si Kuya Cloud.

One year ago, nangyari na naman ang isa sa pinakakinatatakutan ko. Nawala na din si ate Sunshine.

Before that years, my home is the best place for me. My home is the best place for laughter, and tears.

Everything has changed after that. Mula nang madiagnose ako na may Hyperthymesia, nag-iba na ang mundo ko.

"Anak. Tawag ka na dun. Magbloblow ka na ng candle.", saad ni Tita.

Today is my 18th birthday. Pinaghandaan. Pinagarbo. Pinaggastusan. Pero para sa akin, kulang pa din naman.

Maraming taon akong nagdiwang na kaunti lang ang dumadalo. Mula nang mamatay sila mama, dalawa lang ang tao sa birthday ko, ako at si ate. Mula nang dumating si Kiro, naging tatlo kami.

Heto ata ang ikatlong birthday ko kung saan madami ang dumalo. Katulad ng 1st at 7th birthday ko,  ang pagdiriwang na ito ay puno ng saya.

"Rain, pumunta ka na daw. Handa ka na ba talaga?", tanong ni Kiro.

"Oo. Salamat kasi naintindihan mo ako Kiro. Mahal na mahal kita.", pagkasabi ko nun, idinampi ko na ang labi ko sa kanyang labi.

Alam kong nasasaktan sya. Nasasaktan din ako. Matagal na din namang maraming nasaktan. Tama na.

Kinuha ko na ang gamot ko at ininom. Sa loob ng labinlimang minuto, makakamit ko din ang ngiti na inaasam ko. Bumalik na ako sa labas.

"Rain? Itutuloy mo ba talaga?", tanong ni Kiro.

Huli na Kiro. At mas mabuti na din to.

"Ito ang alam kong tatapos ng lahat.", sagot ko.

Tatalikod na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko.

"Rain. Pwede ba.. kitang mayakap?", tumango naman ako. Lumapit sya sa akin saka ako niyakap.

Ang init nya. Ang sarap ng pakiramdam. Heto yung gusto ko. Heto din ang pinagkait ko kay ate.

"Pasensya na Kiro.", sabi ko habang nakamukmok sa kanya.

"Let's stay like this, for 5 minutes.", sabi nya. Tumango naman ako.

"Napag-usapan na natin ang lahat. Yakapin mo lang ako please.", sagot ko. Tumulo na ang luha ko.

"Yayakapin kita kahit hindi mo sabihin.", sabi nya.

"Dahil minahal kita mula pa noon.", dagdag pa nya.

...........................................................

"~Happy birthday Ra-in.. Happy birthday Ra-in.. Happy birthday, happy birthday..~ Happy birthday Rain!"

Narinig ko ang palakpakan. Ang ganda pakinggan. Ang ganda isipin na may mga tao ngayon sa paligid ko. Ang ganda ng ingay, parang musika.

Inilapit ko na ang mukha ko sa mga kandila saka hinipan.

Nawala na ang apoy sa mga kandila kasabay ng pagkawala ng aking pag-asa.

Ito na ang pinakasiguradong gamot sa sakit ko.

Di ko na kaya.

Kung hindi ko kayang makalimutan ang lahat nang nangyari, tatanggalin ko nalang ang mga iyon.

"Ngayong araw, magkikita kita na tayo."

The Girl Who Can't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon