November 24, 2010 - "When We First Met"

168 10 0
                                    

Nasa may playground ako ng makaramdam ako ng pananakit ng ulo ko. Hindi ko na naman makontrol ang utak ko. Patuloy kong naaalala ang mga nangyari. Habang mas tumatagal, mas nahihirapan ako, dahil mas dumadami ang lungkot sa buhay ko.

"Hello. Mag-isa ka lang?"

Napalingon ako sa nagsalita. Doon kita unang nakita. Doon kita unang nakausap. Doon tayo unang nagkakilala.

"Oo eh. Ang lungkot nga eh."

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon. Imbis tuloy na makapag-usap tayo tungkol sa masasayang bagay, nauwi ang kwentuhan natin tungkol sa sakit ko.

"Alam mo. Ako nagka-amnesia. Naaksidente kasi ako noon. Paunti-unti na akong nakakarecover. Naaalala ko na ang ilan.", kwento nya.

Napayuko ako sa sinabi nya. Hindi nya ba naisip na mas mabuting makalimutan kaysa maalala?

"Pasalamat ka nga, madali ang paraan para gumaling ka. Ipapaalala sa'yo ang mga nakalimutan mo. Eh ako kaya, pwedeng pilitin na malimutan ang lahat?"

Tumahimik ang paligid. Wala na sa atin ang nagsasalita. Masakit kaya ang sakit mo? Masakit kaya ang makalimot? Hindi ata. Kasi sa kundisyon ko, mas masakit ang makaalala.

Ang sarap ng hangin. Lumilipad ang mga dahong nalagas mula sa puno. Dahil sa gaan ko, naitutulak kaunti ng hangin ang swing na inuupuan ko. Hanggang sa lumalakas pero maingat ang  pagtulak sa akin.

"Pa'no ka napunta dyan? Ang bilis mo naman."

Ngumiti sya sa akin. Yung ganung ngiti, mayroon din sya? Bakit ako, hindi ko kaya?

"Tulala ka.", sambit nya.

Napayuko ako sa sinabi nya. Tuwing wala akong nagagawa, yung ang nangyayari at yun din ang nagiging dahilan para maalala ko ang lahat. Kung kaya ko lang sanang kontrolin..

"Gusto mo tulungan kita?", tanong nya bigla.

"Ako? Tutulungan mo?", tanong ko din.

"Sa isang kundisyon.. tulungan mo akong maalala ang akin, tutulungan kitang malimutan ang iyo.", paliwanag nya saka muling tinulak ang swing.

"Parang mahirap 'ata--"

"Alam mo? Mahirap kung di mo tutulungan ang sarili mo. Kita mo, nakatulala ka. Ang pagkakatulala, nagbibigay yan ng oras para umalala. 'Yan ang gusto ng ibang tao pero sa kundisyon mo, yan ang iiwasan mo.", paliwanag nya.

Tama nga sya. Tuwing nakatulala ako, saka nagsisimulang bumalik ang alaala hanggang hindi ko na mapigilan.

"Sigurado kang may amnesia ka? Ba't andami mong alam?", saad ko.

"Utak ang nakalimot. Hindi puso. Marunong pa din akong makaramdam. Hindi ako naging manhid.", paliwanag nya.

Nakakahiya. Bakit kasi kwinestyon ko sya?

"Pasensya.", sambit ko saka tumingin sa malayo.

Hinawakan nya ang pisngi ko saka hinarap sa kanya. Ang init ng kamay nya. Ang sarap sa pakiramdam.

"Ok lang. Basta tutulungan kita. Ngayon, kahit di mo ako tulungan basta ikaw, tutulungan kita.", sambit nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Kaya nya bang gawin yun?

"Sa ngayon, anong alam mong solusyon sa problema mo?", tanong nya.

Napaisip ako. Naalala ko ang palaging sinasabi ni ate.

"Kung hindi mo kayang kalimutan, wag mong kikimkimin sa sarili mo. Yun yung sabi ng ate ko.", sabi ko.

"Tama 'yun. Yun ang paraan ng ate mo kaya hindi ko gagayahin.", sagot nya.

"Eh ano pa bang paraan para makalimot?", tanong ko sa kanya.

Muli na namang lumabas ang ngiti sa labi nya. Yan ang mga ngiting gusto kong magawa.

"Tutulungan kita. Sa pamamagitan ng paggawa ng magagandang alaala pwedeng masapawan ang lungkot ng nakaraan mo. Pero hindi lang ako ang dapat kumilos. Tutulungan mo ang sarili mo. Magbusybusyhan ka. Malay mo tumalab ang ganoong paraan.", paliwanag nya.

"Eh paano kung hindi.", sagot ko.

Ayokong masayang ang oras ko. Ayokong ipagpilitan sa sarili ko ang isang bagay na malabo.

"Susubukan natin. Magtiwala ka lang sa 'kin at sa iyo.", sabi nya.

Mayamaya, may isang kotse ang tumigil. Nagpaalam na sya sa akin. Ganun din ako.

"Teka. Anong pangalan mo?", tanong nya.

Nakalimutan naming magpakilala sa isa't-isa. Nalimot? Nakakatuwa pakinggan pero 'di ko kayang magawa.

"Rain."

"Kiro."

Saka nya binigay ang isa pang ngiti na naging dahilan para maibigay ko ang bahagi ng puso ko.

"Sana.. Matulungan mo ako..", sambit ko saka umalis na din sa lugar kung saan, sa wakas, maganda ang alaalang dadalhin ko sa buong buhay ko.

The Girl Who Can't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon