Nagulat nga ako na sina Winona at Tristan ay nasa gifted branch dahil sa kanilang pagiging troublemakers.

Nagsimula nang tumayo ang mga estudyante at tumayo na ako ng mapansin na ako na lamang ang natitira sa silid.

Aalis na sana ako at bubuksan ang pintuan ng magsalita si Professor sa likuran ko.

"Zira."

"Po?" Nilingon ko ito.

"Be careful." Sabi niya at ngumiti. There's something in his smile na dahilan para tumindig ang mga balahibo ko. Tumango na lamang ako sa kanya at tuluyan nang lumabas sa pintuan.

Lutang akong naglalakad patungo sa main field na kasing laki yata ng Mall of Asia sa Maynila. Hindi parin mawala ang malakas na kabog ng dibdib ko sa paraan ng pagkakangiti ni Professor Donovan. Parang may binabalak na masama. Parang may nalalaman na hindi ko nalalaman.

Nang makarating ako sa main field ay puno na nang estudyante ito at parang may invisible line sa pagitan nila na naghihiwalay sa kanila. As usual, ang tatahimik ng gifted enchantment at ang iingay na parang mga bubuyog na hindi mapakali ang mga cursed enchantment.

Namataan ko si Leviathan na kumakaway saakin kasama ang isang grupo ng mga estudyante. Napalingon naman sa gawi ko ang mga kasama niya at para hindi siya mapahiya, ay itinaas ko ang kamay ko at nag wave back.

Nakita kong siniko ng isang lalakeng kulay dilaw ang buhok si Leviathan bago pa man ito lumapit saakin.

"Ris. Long time no see. How is the school, so far?" Bungad niya saakin nang makalapit siya. Sinalubong ko ang kanyang pulang mga mata na parang kumikislap sa liwanag.

"One day is not a long time, Leviathan." Saad ko habang tinitingala siya. Gumuhit naman ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi sa sagot niya rito.

Sa loob ng isang taon na namalagi ako rito sa Odyssey High, masasabi kong nagkakaroon naman ako ng mga kaibigan katulad na lamang ni Leviathan at ang iba ko pang mga kaklase na nakakausap ko minsan. Slowly, I'm starting to feel comfortable in my new environment here unlike sa mundo ng mga mortal na parang kaliwa't-kanan ang mga masasamang salita na ibabato sa iyo.

People in the mortal world are judgemental and maybe that's why hindi nakakausad ang takbo ng mundo.

"Hi!" Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Siya yung kasama ni Leviathan kanina. Blonde ang kanyang buhok at kulay hazel naman ang kanyang mga mata. Masasabi mong gwapo ito katulad ni Leviathan kaya maraming mga babae ang napapatingin sa gawi namin ngayon.

"Hello." I answered back. "Ang daya mo naman Levi. Hindi mo man lang sinabi na kilala mo ang magandang binibini na ito." Tiningnan niya si Levi ng masama pero wala akong makitang tensyon sa pagitan nila. Parang nang-iinis lang siya sa kanyang kaibigan.

"You never asked." Pilosopong sabat ni Leviathan. Napa-pout naman ang lalaki sa tabi niya bago bumaling saakin. Nilahad niya ang kanyang kamay, "I'm Helius Graven. Cursed branch and the bestfriend of this annoying guy over here."

"I'm not your bestfriend."

"Sinisira mo ang moment ko kaya tumahimik ka nalang diyan." Angal sa kanya ni Helius.

Tinanggap ko naman ang kanyang kamay at matipid na ngumiti, "Aeresthelle Zira." Nakita ko siyang bahagyang napatulala at tinitigan lang ang itsura ko.

Isang minuto ang lumipas bago hiniwalay ni Leviathan ang kamay ko sa kamay ni Helius dahil hindi niya ito binibitawan. "You can let go of her hand now."

Parang bumalik sa mundo si Helius at napahawak sa dibdib niya. Nag-alala ako dahil baka narelease ko ang enchantment ko ng hindi ko nalalaman. Nakakunot naman ang noo ni Leviathan na nakabaling ang tingin kay Helius.

"Levi." Saad ni Helius bago huminga ng malalim.

"What?"

"I think I've been shot by Cupid with his arrow."

"What are you talking about stupidelius?" Bahagya akong napatawa sa isipan ko. Sometimes, Leviathan could be harsh and mean.

"Her smile. It's so beautiful. Kung maganda siya kahit hindi ngumingiti, mas lalo siyang gumanda ng ngumiti siya. I can die peacefully now, Levi. Goodbye." Madramang saad ni Helius bago pumikit-pikit. Binatukan naman ito ni Leviathan na nakakunot ang noo. Pinipigilan kong matawa sa itsura ni Helius na parang naiiyak habang kinakamot ang ulo niya.

Kapwa silang napatigil ng magsalita ang Headmaster Ullyser.

"Good morning Enchanters." Bumati rin kami sa kanya. "I'm sure everybody is curious as to why you were all called here in the main field." Nakita kong nagbulong-bulungan ang mga estudyante.

"What do you think is the school's surprise, Aeresthelle?" Tanong saakin ni Helius na diretso ang tingin sa stage kung nasaan ang headmaster kasama ang ibang mga professor na nakaupo sa kani-kanilang mga silya.

"I don't know."

"I have a clue." Leviathan said. Napatingin kami ni Helius sa kanya. Katulad kanina ni Helius ay nakatingin rin ito ng diretso sa stage, more specifically sa malaking kahon sa likod ng mga professor. Nakatakip ito kaya hindi namin malaman kung ano ang nasa loob nito.

"Ano?"

"I think-"

Naputol si Leviathan ng magsalita si Professor Shia. "This is a rare gift from the academy. Make sure to take care of it dearly." Nabalot sa katahimikan ang paligid at nakita ko sa malayo ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin.

Ang kulay asul na mga mata ni Prinsipe Kaizer ay nakatitig saakin ng malalim. Kasama nito ang mga kapatid sa side ng mga gifted branch. Iniwas ko ang tingin ko ng makita ang nakakunot na noo ni Prinsipe Pierce na nakatitig sa akin at sa kanyang kapatid ng pabalik-balik.

Itinuon ko na lamang ang atensiyon sa stage. Unti-unting itinataas ang takip sa napakalaking kahon sa stage at namangha ako ng masilayan ko ang nasa loob nito.

It was a cage full of dragons.

Baby dragons.

"Enchanters, Odyssey High will now give each and everyone of you your very own partner."

Saad ni Professor Shia at unti-unti nang binuksan ang cage.

---

BlackenedLight

Odyssey High: School For EnchantersWhere stories live. Discover now