kapitulo trentai-otso

1K 30 5
                                    

'Nakakahiya!!'

'Nakakahiya ka talaga!!😣' -sermon ko sa sarili. Natapos na yung eksenang yun pero pakiramdam ko andun parin ako at pinapanood ang sarili na ipahiya sa harap nya.

Ang hirap mag move on 😭😷

Iniwan ko si Mhel sa sala at tumakbo naman ako sa cr na nasa kusina.

Andun parin si nanay at nagliligpit na ng mga ginamit nya.

May sinasabi sya sakin pero di ko na nagawang intindihin,kasi naman parang sasabog ang mukha ko sa sobrang init nito.

Parang popcorn..

Pagkasara ko ng pinto,agad kong hinablot ang towel na nasa loob at tinakip sa mukha ko at sumigaw ng paimpit.
Yung tipong hindi maririnig sa kabilang side.

Nang pakiramdam ko kalmado na ako at medyo humupa na din ang pa mamula ng mukha ko,lumabas na ako ng cr at lumakad na pagbalik sa sala.

Naabutan ko si nanay na nakikipagkwentuhan na kay Mhel. Pero yung dalawa,wala parin.

'Ano na kayang ginagawa ng dalawang yun?'

Umupo ako sa tabi ni nanay at nakinig lang sa kanila.
Hindi ko magawang makisali sa usapan nila dahil hanggang ngayon nahihiya parin talaga ako kay Mhel dahil sa inasal ko na yun.

'Nakakadala naman talaga diba?'

'Perv ka lang ..yun ang sabihin mo'

'Hindi naman masyado..slightly perv lang.'

😑

Me, Myself, and I 😑😒

"Your arguing with yourself again." Napalingon ako sakanya at sa katabi ko,

Wala na pala akong katabi, paanong hindi ko man lang naramdaman ang pag alis ni nanay?😑

"Sit beside me. Bakit ang layo mo?"

Malayo daw? Samantalang isang lamesita lang naman ang pagitan namin.

"Nalalayuan ka pa sa lagay na'to?" -tanong ko na lang

"Yes. Sit beside me." Tinapik tapik nya ang tabi nya,senyas na dun ako umupo.

Tatayo pa lang ako para sana lumapit na lang sa tabi nya ng may marinig kaming malakas na kalabog mula sa taas ng bahay.

'Ano na kayang ginagawa ng dalawang yun sa kwarto ko?'

'Baka naman..'

Nanlaki ang mata ko sa mga naiisip ko at napatakip ako ng bibig.

Sa pagkakakilala ko sa bestfriend ko,Hindi imposible yung naiisip ko.😡

"Mhel saglit lang.. check ko lang kung saan yun nanggaling." -Hindi ko na hinintay ang sagot nya, hindi ko na din sinabi na sa kwarto ko nanggaling yung ingay. Nagmamadali na akong umakyat ng hagdan at dumiretso sa harap ng kwarto ko.

Hawak ko na ang doorknob ng pinto at pipihitin ko na lang ng mapatigil ako.

Paano kung may makita akong ano...ahmm.. like SPG

Wala sa list of dreams ko ang makapanood ng live show.

Pinakiramdaman ko muna ang loob ng kwarto ko at dinikit ko ang right side ng tenga ko sa dahon ng pinto ng kwarto ko at nakinig ng mabuti.

"Just wait okay,paano natin matatanggal?napaka impatient mo."

"Okay fine!just take it off."

'OhEmJi!'

Always be my Baby Where stories live. Discover now