kapitulo beinte-nuebe

1.3K 33 7
                                    


Rain

Kakagaling ko lang sa bahay ni bes and since maaga pa para umuwi nagdecide ako na mag bar muna. Dapat kasi kasama ko sya na magiinom kaso and loka lutang hindi makausap ng matino. Ayaw naman magsabi ng problema kahit halata naman kung ano ang pinoproblema, or should I say sino.

Sabagay, sino ba naman ako para magcomplain? I have my own dilemma na hindi ko rin masabi sabi sakanya.

May namimis akong isang bagay o Tao na hindi ko naman mahagilap sa utak ko kung ano o sino.

Those random dreams,

This one specific girl that always in my dreams pero malabo ang mukha.

She always keep saying na hihintayin nya ako and then magigising na lang ako na basa na ang pisnge ko ng luha ko.

Hindi ko naman matanong ang parents ko about it, masyado silang busy sa mga negosyo nila para maiprovide sakin ang mga luho ko. (insert sarcastic voice)

Hindi ko naman na masyado yun dinaramdam simula nung dumating si lola ko samin.
Sya na halos ang tumayong mother figure ko although may mga times na hinahanap ko parin yung presence ng mother ko, ikinikibit balikat ko na lang.

"Ohh shit!" Mabilis kong inapakan ang break ng sasakyan ko na nagpaalog ng utak ko, mabuti na lang palagi na akong naka seatbelt.

"Fuck!" Inis akong lumabas ng sasakyan ko para sitahin sana yung kung sino man sya na bigla na lang tatawid ng walang pakundangan sa gitna ng highway.

"Hey you!" Sita ko sakanya. Pero ang netizen parang walang narinig at diretso lang sa paglalakad ng pa sigsag.. 'Wait.. Lasing talaga sya?!'

Parang may sariling utak lang ang paa ko at sinundan ang babaeng lasengga,

'Bwesit! May balak ba syang magpakamatay?!'

Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin at mabilis kong hinatak ang bewang nya palapit sakin bago pa sya mahagip ng isang sasakyan.

Huminto ang sasakyan malapit samin. "Mis wag mo pabayaan yang kasama mo na naglalakad dito sa highway! Ano ba yan? Gusto ng magpakamatay! Kung may balak sya, wag syang mamimirwisyo!"

Nakaalis na ang sasakyan pero ako parang sira na nakatulala pa, hindi yata nagsisink in sa utak ko yung mga nangyare kanina lang.

Muntik na ako makasaksi ng hit and run.. Okay.. Re- phrase ..

Muntik na akong makawitness ng aksidente.

Salamat talaga sa reflexes ko, at nagawa kong mahatak ang lasengga na'to.

"Hhmmm.."

Nabalik ang wisyo ko dahil sa mahinang ungol ng babaeng ito na yakap yakap ko ngayon.

'Ano bang akala nito? Nasa bed at natutulog na?'

Hinagilap ko ang isang kamay nya at inilagay sa balikat ko at ang isang kamay ko pa at nakaalalay sa bewang nya. Dadalhin ko muna sya sa condo unit ko kesa pabayaan sya dito sa tabi ng kalye, kargo de konsensya ko pa pag nagkataon.

Pakiramdam na pagod na pagod ka? Dinaig ko pa yung nag boxing ng apat na oras na walang pahinga nito.

Napalingon ako sa passenger side ko at napatingin sa mukha ng babaeng ngayon ay himbing na natutulog na.

Aristocrat Nose.

Perfect shape eyebrow.

Red lips.

Always be my Baby Where stories live. Discover now