kapitulo nwebe

2.6K 43 0
                                    

'Ouch..'

Nahawakan ko ang ulo ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa ulo ko,at the same time pumipintig din yung sintido ko

'Wait!'

Pabigla akong dumilat puting kisame ang bumungad sakin.
Dahan dahan akong bumangon at nilibot ang paningin ko sa lugar na kinaroroonan ko
Chineck ko sarili ko,nakauniform pa naman ako

'Kamusta naman pakiramdam mo?'

Nakita ko ang isang babae na naka scrub suit at nakangiting palapit sakin.

'o-okay naman po,medyo makirot lang po yung ulo ko. Ano po bang nangyari?'

'Dinala ka dito ng isang studyante na walang malay,sabi nya tinamaan ka daw ng bola ng soccer. Ano ba kasi ang iniisip mo at dumaan ka sa gitna ng mga nagpapractice ng soccer?'

'H-ho?'

Oo nga pala, tinamaan ako ng bola sa pagkaalala ko na yun bigla parang gusto ko na naman magpalamon sa lupa lalo na yung eksena bago yung pagkakatama sakin ng bwisit na bola na yun

'Eh ma'am pwede na po ba akong umalis? Okay na po pakiramdam ko,gusto ko na din po kasing umuwi.'paalam ko

'Oo naman,basta okay na ba ang pakiramdam mo.'

'Opo okay na ako, thank you po.'

Bumaba na ako sa kama at inaayos na ang medyo nalukot kong uniform nang bumukas ulit ang pinto.

Always be my Baby Where stories live. Discover now