kapitulo kwatro

4K 72 0
                                    

It's like..OMG..its her again

'What are you doing here?'

Hindi naman ako mataray ih,
Hindi rin snob
Kailangan ko lang ng front para matakpan yung nararamdaman kong consciousness.. Haha oo bigla akong nailang sakanya
Siguro dahil sa kiss o dahil alam nia na agad ang name ko or maybe dahil sa titig nya at sa makapanlambot ng tuhod na ngiti..ayy ewan ..

'Hahaha'

Pakiramdam ko naman ngayon nagiinit ang mukha ko bakit ba sya tumatawa.. Sana lang tigilan na nya yang pagtawa nya,

'Ang ganda nya talaga..'

'Hindi lang ikaw ang nakakapansin na maganda ako..but thank you'

How I wish sana bigla akong lumubog sa kinauupuan ko
'Nakakahiya huhuhu'

'Ha?sinabi ko bang maganda ka? Hindi kaya?'
Nararamdaman ko na umiinit ang mukha ko,lalagnatin yata ako. Pero lalo namang lumapad ang ngiti nia sakin

'Your blushing..'

Hanu daw?! Blushing?! Wwaaahhh!! Gusto ko na talaga umalis sa harapan nya,bakit ba kasi Hindi na lang ako umuwi sa bahay ng diretso at dun na lang gumawa ng homework ko..

Homework nga kasi kaso ginagawa ko namang school work.

'I'm mhel'
Basag nya sa pag iisip ko

'From engineering department'
Dagdag pa nya, sabay lahad ng kamay nya sakin

Wala sa sarili kong inabot ang kamay nya

Yung pakiramdam na parang may kuryente na dumaan sa kamay ko at dumeretso sa tyan ko,
Yung pakiramdam na naman na yun na parang may nagliliparan sa tyan ko.

'Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo'
Nakangiting tanong nya sakin,

'Ellah'
Simpleng pakilala ko

'I know.'

'Alam mo naman pala ih. Tinatanong mo pa?'

Ngumiti lang sya sakin

'Wait..ano sabi mo?'
Para akong sira na ngaun lang nagsink in ang sinabi nya

'I said I already know.'

Its like ..what?! How?!

Always be my Baby Where stories live. Discover now