kapitulo tretai-siete

1K 34 0
                                    


28 miscalls, 15 text.

Halos lahat galing sakanya.

Nagtatatype na ako ng irereply sakanya ng biglang tumunog ang incoming call ng phone ko at nag appear sa screen ko ang pangalan nya.

Yung unfamiliar feelings na nararamdaman ko everytime na sya ang involve, nararamdaman ko na naman ngayon.

Yung iregular na tibok ng puso ko, na para bang may karera ng mga kabayo sa loob.

Sinagot ko ang call pagtapos ng ilang ring.

"Hello?" -ako

"Dito na sa bahay."

"Ano kasi,nahila ako ni Victoria kaya di na ako nakapunta sa practice nio..hehe.." bahagya kong nailayo ang phone sa tenga ko at napangiwi.

"Pasensya na nga,pupunta naman talaga ako ih kaya lang-"

"Huh?"

"Bakit?"

"Hala..oo na ito na wait lang.." iniopen ko ang WiFi ng phone ko at ang location at sinend sakanya.

"Hello?okay na?"

"O-Okay.."

Pupunta sya dito sa bahay,

Paano na?

Naandito si Victoria,sigurado uulanin ako ng tanong nun,ganun din si Rhein.

Speaking of,, ano na kayang ginagawa ng dalawa na yun sa kwarto ko?

'Magpapadeliver nga pala ako ng snack..'
Agad kong kinuha ang landline na nasa tabi ko at dumial. After lang ng ilang minuto,tapos na akong umorder ng may mag doorbell naman sa gate.

'Wow ha.. sobrang bilis ah' -naisip ko

Iniwan ko si nanay sa kusina na nagsisimula ng paghaluhaluin ang mga powder na nakahelera sa harapan nya.

'Grabe naman maka doorbell, nagmamadali lang?!'

"Saglit!wag mo sirain ang doorbell!"-sigaw ko habang palapit ako sa gate.

Minemorize ko na yung sasabihin ko,tinaas ko pa ang kilay ko to the highest level at nakaready na din ang death glare ko para sa poncho pilato na nasa kabilang side ng gate.

Nang pag bukas ko ng gate,hindi isang pilato ang nandun kundi isang model ng isang sikat na sport wear ang nabungaran ko.

Kasi naman... 'eng het nye..'

Kung kanina hindi  maipinta ang mukha ko dahil sa walang awang panghaharass sa doorbell namin,ngayon naman parang any moment malalaglag ang puso ko sa sahig kasama ang panga ko.

Bakit ba araw araw,hindi pala..everytime na makikita ko sya ..

Paganda naman sya ng paganda sa paningin ko?

Wala man lang syang pangit moment o Dugyot moment😑

Tulad ngayon,tingin ko sa ayos nya kagagaling nya lang sa practise nila at dumiretso na lang agad dito.

Pero hindi ko man lang makitaan ng haggard side. In fact mukha parin syang mabango.. at masarap.

'Ang perv. ko na..😷'

Pero parang masarap isubsob ang mukha ko sa leeg nya at amoy amuyin na lang sya forever.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

Feeling na bumagsak ka sa lupa ng napakabilis. Hindi yung literal na sakit,kundi yung pagkakabalik ng diwa mo.

"Ahh..sorry..tuloy ka.." nilakihan ko yung bukas ng gate at gumilid ako para bigyan sya ng daan,huminto naman sya sa tapat ko at humarap sakin.

Bago pa man ako makapagtanong ng Bakit, isang mabilis na halik sa labi ko ang binigay nya.

"Your fantasising me, it's too obvious."

Napakurap ako ng maraming beses dahil sa bilis ng pangyayare,

At yung sinabi nya..

'Ano daw yun?'

Hindi ko masyadong naintindihan.

"Let's go inside." -bulong nya sa tenga ko.

Napakalapit parin nya sakin,pero wala na sya sa harap ko kundi nasa tabi ko na sya.

"O-Oo nga, sige." Pero yung ginawa kong paglingon sa side, hindi ko masabi kung wrong move on right.

Magkatapat lang naman ang mga mukha namin at sobrang lapit to the point na nararamdaman ko ang paghinga nya sa mukha ko, Hindi ko napigilang hindi tayuan ng balahibo sa katawan.

Grabe naman yata yung effect nya sakin😣

Nakatitig sya sa mga mata ko at hindi ko yun matagalan kaya bumaba ang tingin ko sa mga labi nya.

Nag form ito into smile,not totally smile, seems like smirk.

Hinawakan nya ang magkabilang pisnge ko at idinikit ang tungki ng ilong nya sa ilong ko,

Lumalapit ng dahan-dahan ang labi nya sa labi ko at dala ng matinding anticipation at slight excitement napapikit na lang ako at hinintay na maramdaman ang labi nya sa labi ko.

Nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko,

'Bakit ang tagal naman ng hinihintay ko??'

Naramdaman ko naman na may humawak sa balikat ko at marahan akong niyuyogyog.

"Ellah?are you alright?" -ang tanong na bumungad sakin at ang nagtatakang mukha nya.😵



























****











Thanks for reading😘😘😘










Happy New Year!



It's better late than nothing 😅😅

Always be my Baby Where stories live. Discover now