kapitulo beinte-kwatro

1.5K 58 5
                                    

Paglabas namin ni Victoria sa building pilitin ko man na hindi tanawin si Mhel kung san ko sya nakita kanina Hindi kinaya ng super saiyan power ko,

Hinanap ng mata ko ang babaeng salarin ng pagkakapuyat ko.

Sana hindi ko na lang ginawa..

Nakaka praning na pakiramdam..

Sya nakatayo sa tabi ng sasakyan nya at may ibang babae na nakayakap sa leeg nya, magkadikit na magkadikit ang pisnge nila pati yung pagharap ng babae sakanya at paghalik sa kanya sa pisnge at ang ngiting ngiti na si Mhel.

Bakit ba palagi ako nakaka witness ng paglalandi nya, at itong pakiramdam na'to, ano sya?

Habang nakatingin ako sakanila may parte sa dibdib ko ang parang pinipiga, nagiging cause nang paghirap ng paghinga ko. Yung mata ko humahapdi, yung nakalimot kang ikisap ang mata mo, tas ng pinikit mo humapdi yung ganung pakiramdam.

Anong pakiramdam ba ang pinapakilala mo sakin Mhel..

Ang malandi, after ka kuhaan ng halik at puyatin wala pang twenty four hours may hinaharot na ulit na iba!

Hinatak ko ng dali dali si Victoria sa ibang direksyon bago pa kami mapansin ni Mhel. Ang direksyon ba naman kasi ng dalawa is papunta samin. Ayoko lang na makita ako ni Mhel at maobliga syang magpaliwanag, anyway highway assuming lang ako na baka sakali..

Baka sakali page nakita nya ako, mag paliwanag sya agad agad sakin..

Kaso sa lagay ng katawan ko, sa weird na nararamdaman ko ngayon hindi ko alam kung papakinggan ko sya.

And sino ba naman ako diba para pagaksayahan nya ng laway para makapag paliwanag..

'h-hey?! What's wrong with you?!'

Rinig ko na reklamo ni Victoria sakin, Hindi ko nga rin alam kung san kami papunta ih, basta hinatak ko na lang ng mabilis at lumayo sa tao na gun.

'Canteen?!seriously Ella? We have a class to attend first, hindi naman ako nagmamadale about sa treat na yan ih, so can we go back na and I don't want to be late?'

Wow.. Just wow.. She's a bit maarte.. Yes, pero seryoso naman pala when it comes sa pagaaral

Seryoso din naman ako hindi pa lang halata.. Hehe

*****

Hindi ako makapag concentrate sa lecture, parang sirang cd naman kasi yung eksena na yun ng witch na yun. Isa kaya yun sa mga babae na finiflirt nya? Bukod pa ba yung babae na nakita ko sa engineering building na naka piggy back sakanya?

Balak din ba nya ako isama sa mga finiflirt nya?

Ito na naman yung pakiramdam na parang may pumipiga sa dibdib ko, wala naman kaming history na may mga sakit sa puso at namatay nineteen years old..

Hindi pwede.. Hindi ako pwedeng magpadala sa witch craft ng witch na yun.. Tama!

'Hindi pwede! Ayoko!'

Go ellah very good.. Your doing great!

'Hey?! What are you doing?! Sit down! You pathetic!'

Always be my Baby Where stories live. Discover now