Chapter 6 - A Night With The Enemy

1.6K 37 8
                                    

This chapter is dedicated to: MrGorgeos

Salamat po sa pagsupport sa storya ko! Eto na po yung update! :P

Hello Guys!! Tinamad na akong magsulat kaya kaka-update ko lang!! :P

>Warning!<

This chapter contains cursing dahil nanaman kay Chris.. -___-

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Chris's P.O.V.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Levi. Sakto! Siya nga ang pumunta dito! Gumana ang plano ko! Hahahaha!! G*go kang bakla ka! Lagot ka sa akin!

Bigla ko siyang hinila at tinulak sa pader. "Sabi na eh! May gusto ka talaga sa akin eh!" Matigas kong sinabi habang hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Mukhang natakot siya!! Hahaha!! P*ta!

"H-Hala? A-Ang feeling mo naman! I-ibibigay ko lang naman sa'yo a-ang jacket mo eh.. W-Wag kang mag-alala! Nilabhan ko na yan!" Nauutal niyang sagot. Nasa plano na ang lahat, kaya nilock ko na ang pinto at tinago ang susi. Yes! Maganda timing ni bading! Gabi ngayon at wala pa yung roommate ko!

Ang plano ko nga pala ay pupunta ako doon sa room nila Levi. Iiwanan ko doon yung jacket ko para ibalik niya ulit sa akin iyon. Kinakabahan nga ako kasi baka si Nick ang magbalik.

Nakita ko si Levi na lalabas sana ng room pero nakalock na ito at hinila ko siya ulit. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinulak sa pader. Sinubukan niyang umalis sa mga hawak ko pero hindi niya nakayanan.

"Chris ano ba? Magagalit sa akin si Nick doon kapag hindi ako bumalik!" Alam na ni Nick na dito muna si Levi sa gabi kasi nagtext na ako sa kanya kaya wala na talagang takas sa akin itong si Levi!

"Aba! Nahiya ka pa! Gusto mo lang naman ipagpatuloy ang nangyari kahapon eh." Nang-aakit kung binulong sa kanyang tenga. Naramdaman ko ang pagtaas ng buhok. Gotcha! Nilapit ko ng nilapit ang mukha ko hanggang sa nararamdaman ko na ang mainit at mabibigat niyang hininga sa aking mukha.

Nagdikit na nga ang mga labi namin. Napatakatamis ng kanyang mga labi. Ang sarap niyang halikan. Hahaha!! Kailangan mahulog ito sa akin! Liligawan ko 'to at gagamitin ko ang pera niya! Hahaha!! P*ta! Halatang mayaman eh!

Mukhang nanghina na siya at pumikit. Naramdaman kong patumba na ito sa akin kaya dinala ko nalang siya sa kama ng roommate ko. Mukhang hindi niya nakayanan ang nangyari eh..

Dapat may mangyayari sa amin eh! T*ngina, lampa yung g*go! Dapat binagalan ko muna.

Lumipas ng ilang oras ay mukhang bumangon na siya. Tinignan ko kung mahina pa ba siya o malakas na. Mukhang malakas naman na.

"Palabasin mo na ako Chris!" sigaw sa akin ni Levi. Wala na akong balak ituloy ang plano ko kasi baka bumagsak siya ulit. Ayaw ko pa rin naman siyang palabasin. Bahala siya dito kasama ko! Hahaha!

"Hindi pwede! Dito ka lang Levi! Akin ka lang!" pananakot ko sa kanya. Namula naman yung g*go! Mukhang madali kong makukuha ang tiwala nito!

"Bahala ka, sabi mo eh! May pagkain ba kayo dito? Gutom ako eh." Tanong niya. Naghahanap siya ng pagkain sa akin? Kapal ng mukha ni g*go! Hahahaha!!

"Kumapal bigla mukha mo ah! Room mo ba 'to? Meron. per-" naputol ang sinabi ko kasi nakakuha siya ng Chips doon sa lalagyanan. Hinayaan ko nalang siya kumain.

Nakicharge pa siya sa akin. Nahihiya na ako sa kanya! Gusto ko ng paalisin 'tong bakla na'to!

Umupo siya doon sa tabi ng saksakan at gumamit muna ng net. Pumunta nalang ako sa higaan ko at ginamit ang laptop ko. Habang gumagamit ng laptop ay nakarinig ako ng kulog.

Napansin kong nagulat si Levi at tumayo. Tinignan ko kung saan siya pumunta. Pumunta siya doon sa isang sulok at pinagpatuloy ang paggamit ng phone niya. Mukhang nanginginig pa siya eh.

Takot pala 'to sa kulog? Hahahaha!! Lampa na nga, duwag pa!! Pinagpatuloy ko nalang ang paggamit ko ng laptop. Ilang saglit lang ay nawalan ng kuryente. P*ta naman oh! Wala nang net!

Nagulat ako nang may kumapa sa katawan ko, biglang kumapit sa mga braso ko si Levi.

"Sorry pala Chris! Takot kasi talaga ako sa dilim, sa kulog at sa kidlat." Mahina niyang sinabi. Nakakatawa naman 'tong baklang 'to. Niyakap ko nalang siya para tumigil na siya. Kailangan makuha ko ang loob nito.

Matagal-tagal rin ng kumalma siya. Napansin ko na nakatulog na pala siya. Bumalik na ang kuryente kaya umalis ako sa yakap niya at pinatay ang mga ilaw. Bumalik ako ulit sa kanya at niyakap ulit. Di nagtagal ay nakatulog na rin ako..

Kinabukasan

"Hoy! Chris! Gising na! Kailangan ko nang bumalik sa room namin." Paggising sa akin ni Levi. Nakita ko yung maamo niyang mukha kaya naisipan kong halikan siya sa labi.

Nagulat naman siya sa ginawa ko. Nakita kong namumula na siya. "Chris! Ang landi mo naman! Bakit mo 'yon ginawa?!!" P*ta! Ang sakit sa tenga!

Pero mukhang di na niya ako ulit ginulo kaya nakatulog ulit ako. Nang magising ako ulit ay nakita kong suot na niya yung damit kong maliit na sa akin.

"Ay Chris! Ayaw mo kasi akong paalisin eh! Kaya naligo na ako at ginamit yung damit mo na kasya sa akin." sabi niya. Anong pupuntahan nito? Hindi ko alam na napatitig na pala ako sa kanya.

"Huy!! Tititigan mo nalang ba ako? Maligo ka na!" sabi niya. Ako pa ang sinabihan? G*go talaga 'to eh!

"Bakit mo naman ako pinapaligo?" Tanong ko sa kanya. May date ba kami? Nagkagusto na ba siya sa akin? F*ck! Bakit iyon ang iniisip ko!

"Ano ba? Sunday ngayon no! Magsisimba tayo!" Aaa! Mabait na bata pala itong si Levi! Sige, sasama ako.

Nagmadali na akong maligo kasi baka malate kami doon sa misa. Paglabas ko ng C.R. ay napatitig sa akin si Levi. Wala kasi akong damit sa taas.

"Like what you see?" pang-aasar ko sa kanya. Bigla siyang namula. Huli ka! Pero nagulat ako at binigyan niya ako ng nanghahamon na ngiti.

"No, I love it." Aba! Marunong makisabay 'to ah! Umiling nalang ako at nagsuot na ng damit. Umalis na nga kami ng dorm at pumunta sa simbahan.

Hindi ako masyadong nakinig kasi bigla akong napapaspaced out. Hindi ko namalayan na Great Amen na pala, pagkatapos nun ay Ama Namin na. Hinawakan ni Levi ang kamay ko at sumabay sa kanta. Hindi ako mapakali kasi kakaiba ang nararamdaman ko doon sa mga hawak ni Levi. Napansin ko na hindi rin siya mapakali.

.

.

Pagkatapos ng misa ay hinatid ko na siya sa room nila. Napagod ako sa mga nangyari kaya natulog agad ako pagdating sa room ko.

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Kung gusto niyo ng cast sa storya na ito, magcomment lang kayo at pagpipilian ko kung sino ang best para sa role nila.

Syempre! Ipapaboto ko rin kayo kung sino gusto niyo. :P

UD ko bago ako magklase!! T^T

Vote and comment naman kayo. :3

My Flirty Enemy (BOYXBOY/YAOI/M2M)Where stories live. Discover now