Chapter 4 - Tadhana

1.6K 29 2
                                    

Guys!! Chapter 4 na!!!
Umm.. Kaunti lang po kasi yung knowledge ko about sa College. :P

Wag niyo po sanang isipin na ayaw ko sa bakla. Ayaw lang talaga ni Levi sa mga ganung bakla.. :P

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Levi's P.O.V.

Nandito kami ngayon ni Nick kasama ng mga kaibigan namin sa bench. Kakausapin na namin kasi sila. Free time na namin ngayon ni Nick kasi wala naman na kaming subjects mamayang hapon.

"Gusto ko lang sabihin na ayaw na namin ni Nick sa inyo!" pag-umpisa ko sa usapan namin. Hindi ko kasi alam kung paano simulan. Nauna agad yung inis ko kaya nasabi ko yun.

"Ha? Bakit naman teh?" tanong sa akin ni Mark.

"Hindi kasi ako makakati katulad niyo! Nakakadiri kayo!" sigaw ko. Nakakainis kasi eh!

"Sorry na bhe... Hindi naman namin alam na hindi mo like yung mga ganoon eh.." sabi naman sa akin ni Joe.

"Ayaw talaga namin ng ganoon! Pero sige, pinapatawad na namin kayo! Pero wag na kayong lumapit sa amin ni Nick!" sabi ko sabay alis doon sa bench. Yun lang naman ang gusto kong sabihin eh..

Pag-alis namin ng building ay pumunta kami sa Mcdo ni Nick. Kumain muna kami ng tanghalian.

Habang kumakain may narinig akong nag-uusapan sa kabilang table.

"Oh no! Nandyan na si Crush!!" sabi nung babae.

"Oh My Gosh! Grabe! Ang gwapo niya talaga!" sabi naman nung isang babae.

Haha!! Grabe! Ang landi naman ng dalawang yun. Sino ba yung sinasabi nila?

Tumingin din ako sa pwesto kung saan nakatingin yung dalawang babae. Nakita ko lang naman si Chris.. Yun ba yung crush nila? Wala naman pala itong taste eh.. -.-

Wait...

Si Chris nandito?!

Ibinaling ko nalang ang focus ko sa pagkain para hindi niya ako mapansin.

"Oh sh*t!! Levi? Yah, Levi umm.. Si Chris nga pala ay papunta na dito!" Medyo kinakabahang sinabi ni Nick.

ANO?!

"WHAT?!" bulalas ko at tumingin kay Chris pero paupo na ito sa tabi ko.

"Hello Levi!" mabagal niyang sinabi sa akin.

"Hi! Ano po kailangan nila?" Mapang-asar kong tanong sa kanya.

"Katawan mo." nang-aakit niyang sinabi sa akin. Kinilabutan naman ako sa narinig ko.

"Sorry po, hindi po kasi available katawan ko." Aba! Bastos 'tong hayop na ito ah!! >:(

"Ganun ba? Wala ka naman palang silbi." walang gana niyang sinabi.

"Bakit? Pinagsisilbihan ba kita?" Medyo nakakagawa na kami ng eskandalo dito.

"Pfft!" Ang tanging sinagot niya sa akin. Tuluyan na nga siyang lumabas sa Mcdo pero yung mga babae kanina ay nakatingin pa rin sa akin.

Pagkatapos namin kumain ni Nick ay pumunta na kami sa dorm namin. Hindi na kami lumabas kasi tinamad na kami.

Kinabukasan

Maaga kaming nagising ni Nick dahil sa schedule namin ngayon.

Hahays!! Ayoko ng schedule namin ngayon sana mga tanghali nalang.. -.-

My Flirty Enemy (BOYXBOY/YAOI/M2M)Where stories live. Discover now