Chapter 3 - Nice To Meet You

1.7K 29 0
                                    

This chapter is dedicated to: ReadMeLikeAnOpenBook
Hello Julie! Salamat sa book cover na ginawa mo sa akin! I really appreciate it! :D

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Levi's P.O.V.

Nandito kami ngayon ni Nick sa Cafe. Nagrerelax muna kami kasi Saturday naman. :D

"So, ano gusto mong sabihin sa akin?" tanong sa akin ni Nick. Hanggang ngayon kasi yung inis ko sa lalaki na yun ay nandito pa rin.

"Nakakainis kasi yung Spa na yun, si Chris, pati na rin yung mga kaibigan natin!" Inis na inis kong sinabi.

"Oh! Kalma lang!" malambing na sinabi sa akin ni Nick. Pinakalma ko muna sarili ko at nagtanong ulit sa akin si Nick.

"Bakit ka rin ba naiinis sa mga kaibigan natin?" tanong niya. Hindi pa niya alam ang pinaggagawa ng mga kaibigan namin.

"Dinala nila ako sa Spa para sa mga makakating bakla!" sigaw ko. Binigyan naman ako ni Nick ng kakaibang tingin.

"Wait, I can't understand you. Could you please tell me the whole story naman." Sinabi ko na nga sa kanya ang mga nangyare at mukhang nagulat siya.

"Thank God, I didn't get to be with you that day!" Natutuwa niyang sinabi. Hays ano ba yan..

"Mabuti kaya kung layuan ko na sila?" tinanong ko siya. Baka kasi hindi siya papayag.

"Of course! Bad influence kaya sila! Iiwasan ko na rin sila." Buti naman. Kailangan ko ng support ng best friend eh.

"Ok!" sagot ko. Tinapos muna namin inumin yung kape at sinimulan maglibot sa mall.

Namili muna kami ng damit para sa school. Kulang pa kasi yung mga damit namin sa school. Masaya talaga kapag casual lang yung damit para sa school. Free ka kung anong gusto mong suotin. :)

Habang pumipili kami ng damit sa Department Store ay parang napansin ko si Chris sa parte ng Men's Underwear na nakatingin sa akin. May mga ngiti siya sa labi na parang nanghahamon o kaya naman ay nang-aakit. Bigla kong tinawag si Nick.

"NICK! OMG! OMG! OMG! OMG!" nagpapanic ako. Ayoko na kasing makita pa ulit yung lalaki na yun. Bigla namang nagpakita si Nick.

"Hey what is it Levi? Kalma ka muna! Pati ako kinakabahan din sa iyo eh!" napansin ko nga rin na kinakabahan siya para sa akin. Ang bilis kasi ng paghinga ko eh.. :))

"Si Chris kasi.. Nakita ko siya sa Men's Underwear!" sinilip ulit namin ni Nick yung Men's Underwear pero wala namang tao dun.

"Mukhang gutom lang yan! Tara na! Hindi pa tayo kumakain ng tanghalian." Pagyaya niya sa akin. Pumunta kami ni Nick sa fast food restaurant at kumain muna ng tanghalian.

Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay naglibot ulit kami. Guni-guni ko lang ba iyon? Kasi ilang beses ko nang nakikita si Chris dito sa mall. Hindi naman na siya nakatingin sa akin. :\

Chris P.O.V.

Few Hours Earlier

Nandito ako ngayon sa Men's Underwear Section. Namimili ako ng brief kasi nagkukulang na yung brief ko dun sa dorm.

Habang namimili ay may napansin akong pamilyar na tao doon sa Boys Teen's Wear Section. Mukhang yun yung Cute Guy na nakilala ko dun sa Spa! Hindi ko naman ineexpect na nandito rin ang baklang yan.

Nang napatingin siya sa akin ay binigyan ko siya ng nanghahamon na ngiti. Mukhang may balak akong gawin dito. Bigla siyang nagulat at tinawag niya ang kasama niya. Nagtago ako bigla para hindi na nila ako makita.

Dahil nga sa lakwatsero ako ay naglibot muna ako sa Mall. Napapansin ko na ilang beses ko nang nakakasalubong yung lalaki na yun pero hindi ko pinapahalata na tinitignan ko siya.

Mukhang pauwi na siya at ng kaibigan niya. Gagawin ko na yung balak ko. Hehehe!

.

.

.

.

Levi's P.O.V.

Pauwi na kami ngayon ni Nick. Grabe! Nakakapagod talaga bumili ng mga gamit. Naghihintay nalang kami ngayon ng jeep.

Alam ko naman na mayaman kami at pwede naman akong gumamit ng kotse pero ayoko kasing magmukhang mayaman. Mas tipid din kasi kung jeep lang ang gagamitin ko. :P

Habang naghihintay ng pasahero ng jeep ay nagulat ako nang sumakay si Chris. Umupo siya sa harap namin ni Nick dahil marami pang pwesto dito sa jeep. Ngumiti siya sa akin na parang may balak siyang gawin sa akin. Bigla kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Nick.

"Oh? Anong problema mo Levi?" Tanong sa akin ni Nick.

"So Levi pala..." Narinig kong bulong ni Chris habang nakatingin sa labas.

Napansin ni Nick na nakatingin ako kay Chris kaya bumulong siya sa akin.

"Siya ba yung sinasabi mo?" Medyo nakiliti ako sa bulong niya kaya natawa ako. :))

"AHAHAHA!! Oo siya nga!" bulong ko pabalik sa kanya.

"Eh bakit bigla kang tumatawa diyan?" Bulong niya ulit kaya napatawa ulit ako.

"AHAHA!! Nakakakiliti kasi yang hininga mo sa tenga ko. Tigilan mo nga!!" Tumigil na nga siya pagkatapos nun.

Ang tahimik naming tatlo habang nasa byahe. Nahihirapan akong gumalaw kasi natatakot ako sa mga tingin sa akin ni Chris. Sandali, bakit ako natatakot? Kaya ko naman din lumaban eh!! >:D

Nang makarating sa dorm namin ay bumaba na kami ni Nick. Pero nagulat kami nang bumaba din si Chris.

"Oh? Bakit ka bumaba?" Masungit kong tinanong pero nakangiti pa rin siya sa akin.

"Bakit? Hindi na ba ako pwede pumunta sa dorm ko?" Tanong niya sa akin. ANO?! Dito rin siya?! Is this a nightmare? Hahays!! Ano ba naman yan!

"Talaga lang ha? Paano mo naman nasabi?" Ayaw ko talaga maniwala eh!! Nang-aasar lang talaga siya! >:(

"Ayaw mo maniwala? Oh eto!" Pinakita niya sa akin yung Dorm ID niya. So totoo nga? Napahiya pa ako.

"Kung gusto mo rin malaman kung saan yung room ko, nandun siya sa 6th floor, sa dulo." Dagdag pa niya. Kaya naman pala hindi ko ito nakikita eh.. -.-

"Oo na! Naniniwala na ako!" Pasigaw kong sinabi. Hindi ko lang kasi matanggap!

"By the way nga pala, Nice to meet you Levi." Nang-aakit niyang sinabi. Tumaas pa mga balahibo ko nung sinabi niya ang pangalan ko. Umalis na siya at pumunta na sa room niya.

"Hindi mo manlang sinabi sa akin na dito rin siya nagdodorm!" Sinabi ko kay Nick.

"Haha!! Nagtanong ka ba?" Argggh!! Hindi ko naman kasi alam eh!!

"Tara na nga! Punta na tayo sa room natin!" At pumunta na nga kami sa room namin. Magka-dorm nga pala kami ni Nick.

Nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw...

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ 

Hays.. Maikli nanaman yung chapter na ito...
Pero magdedevelop din yan!! :P

Okay, conyo po si Nick! Hahahaha!! :P

My Flirty Enemy (BOYXBOY/YAOI/M2M)Where stories live. Discover now