Inalalayan ako ni Vincent sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kabaong kung nasaan ang Lola. Wala akong pakialam kung maga na ang mata ko. Muling dumaloy ang luha sa pisngi ko. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Vincent sa likod ko. "Bakit nyo ako iniwang mag-isa?"iyak ko. "Paano kami ng anak ko? Wala na. Mag-isa na lang talaga ako."ptuloy ko pa.




"Nandito naman ako."si Vincent.



"Lola..."






-----



"Napakaswerte naman ni Bianca sa lalaking iyan no? Aba sagot lahat ang burol at libing."narinig kong chismisan ng ilang dumalo sa libing ni Lola.






Nang makabalik kami sa bahay ay hinatak ko sa kusina si Vincent para kausapin ito. "Bakit? Tanong pa niya.




"Pagkatapos ng araw na 'to, ayoko nang makikita kita rito."seryoso kong sabi dito.




"Ha? Akala ko ba okay na tayo?"nakakunot-noong di Vincent.




"Hindi kita kailangan. Kaya pwede ba, umalis ka na lang."





"Paano ang anak natin?"




"Kaya ko siyang buhayin. Pagsisikapan ko. Ayokong tumanggap ng kahit ano mula sayo."





"Dahil ba sa sinasabi nila sayo? Bakit ba mas pinakikinggan mo pa ang sinasabi nila? Heto ko oh! Mahal kita. Mahal na mahal." Nakikita ko na ang nangingilid nitong luha pero pinipigilan kong bumigay.




"Bukas na bukas din ay ayoko nang makita ka pa dito."saka ako nagtungo sa kwarto at inilock ito.




"Bianca! Bianca, mag-usap tayo."sigaw niya kasabay ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng aking kwarto.






Siguro tama lang ito. Tama lang na bitawan ko siya para sa amin ni Baby. Panahon na para sarili ko naman ang mahalin ko. Pero bakit ganoon? Masakit?










-------




Vincent's POV





Wala na akong nagawa pa kundi ang umalis. Labag man sa gusto ko pero kung ito naman ang magpapasaya sa kanya, fine! Lalaki ako, oo. Pero ang lalaking katulad ko ay hindi maiwasang lumuha sa ganitong sitwasyon. Paano? Paano na ang mag-ina ko ngayon? Paano sila mabubuhay kung wala silang kasama?





Dumeretso ako sa bar kung saan kami madalas ni Migs. Nakakailang bote na din ako ng beer nang dumating ang mokong. "Vincent? Hindi ka naman ganyan dati ah?"pagtataka na may halong pag-aalala ni Migs.




Dahil lasing na ay tinawanan ko ito. "Nakakatawa pare. Nahulog na ako ng tuluyan sa babaeng baliw na iyon."






"Lasing ka na talaga. Pero wait, tama ba ang narinig ko? You fell in love with her?"





"Oo. Kinain ko lahat ang mga sinabi ko noon. Ngayon,magkakaanak na kami pero ayun! Ayaw na niya akong makita. Ayaw na niya sa akin."sabay tungga sa bote ng beer.





"So anong plano mo ngayon? Lulunurin mo na lang ang sarili mo sa alak?"






"Wala na akong maisip na gawin para makuha ulit ang loob ni Bianca. Dahil sa takot ko noon kaya kami nagkakaganito ngayon."






"Umiiyak ka ba, pare?"tanong ni Migs.




"Hindi no!"sabay pahidsa luha kong kanina pa gustong kumawala.




"Kung ayaw niya ng tulong mo, why don't you help her na pasekreto? Yung tutulungan mo siya pero hindi niya malalaman na ikaw ang tumutulong sa kanya."saka ito umupo sa tabi ko at kumuha ng isang bote ng beer.





Tama. Mukhang iyon na lang ang paraan para matulungan ko ang mag-ina ko. Kung noon siya ang stalker ko. Ngayon, ako naman ang susunod kung saan man siya magpunta. Palihim ko siyang tutulungan at panonoorin. Sa ganitong paraan, mapoprotektahan ko silang mag-ina.





"Tama ka pare."sambit ko.





"Sa ngayon Vincent, tigilan mo na ang pag-iinom. Baka hindi mo na magawa ang plano kung gaganyan-ganyan ka. Ihatid na kita."




"Salamat Pare."









--------




Mr. Stalker ka ngayon Vincent ahahaha... paano na nga ba si Bianca kung siya lang mag-isa?



Unedited.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Where stories live. Discover now