Chapter 28: Inner Circle

Start from the beginning
                                    

"Ang galing ate" sabi niya. "So you are the wonder boy huh" sabi ni Michelle saka kinurot ulit pisngi ng bata. "Miggy they are my bestfriends" sabi ni Charlotte. "Bakit dalawa lang sila dito sa bahay?" tanong ni Miggy.

"Kasi lumabas parents namin kasama brother namin. Babalik sila mamayang hapon" sagot ni Misha. "Mas mainam kung kayo magturo sa kanya kasi alam niyo naman nangyari sa akin. You both know how they taught me and I don't like to teach him that way" sabi ni Charlotte.

"Ayaw mo ako turuan?" tanong ni Miggy. "Mas magaling kasi kami" palusot ni Michelle. "Ahhh...sige kayo nalang teacher ko" sabi ni Miggy. "Wow ha ang bilis ha" biro ni Misha. "Pero girlfriend ko parin si ate Charlotte" sabi ni Miggy kaya laugh trip yung twins habang si Charlotte napahaplos sa noo niya.

"There is one test to find out if wonderboy talaga siya" sabi ni Michelle. "The book" sagot ni Charlotte. "Yes, come on Miggy lets go to that small room o. May papakita ako sa iyo na libro" sabi ni Michelle.

Sa loob ng isang maliit na kwarto napangiti si Miggy nang makita yung mga lumang libro. "Ang dami books, ano mga yan ate?" tanong ng bata. "Mga libro ng lolo at lola namin. Pero eto Miggy, sige open that book at look inside" sabi ni Michelle saka inabot sa bata yung isang sobrang lumang libro na kulay pula. Binuklat ng bata yung libro, ang mga dalaga titig lang sa bata habang palipat lipat siya ng pahina.

"Ang pangit ng sulat" sabi ni Miggy kaya napangiti yung tatlo. "You can see what is written there?" tanong ni Misha. "Opo ate ang pangit ng sulat" sabi ni Miggy. "So he is really one of us because normal people cannot see what is written there" sabi ni Charlotte.

Kinuha ni Miggy yung libro saka dinala sa salas. Sinundan siya ng mga dalaga at nakita nila yung bata na naupo sa sofa at nagismulang magbasa. "Miggy naiintindihan mo yung nakasulat diyan?" tanong ni Misha. "Yes ate" sagot ng bata.

"He can read Latin?" bulong ni Michelle. "Ewan ko, baka nanloloko lang" sagot ni Charlotte. Nagbikas bigla si Miggy ng orasyon mula sa libro kaya ang mga dalaga nagulat ng husto. Nagkaroon ng kislap sa dulo ng daliri ng bata kaya tumawa ito ng malakas.

"Ate ang galing, pwede pala ako gumawa ng light. Pero practice pa kasi bata pa ako e" sabi ni Miggy. "He really can read it" sabi ni Misha. "Miggy do you know how to speak in Latin?" tanong ni Michelle. "What is that ate?" tanong ng bata. "Oh nothing" sagot ng dalaga.

"He can read Latin, orginal bloodline niya, is his parents witches?" tanong ni Michelle. "No, siya lang talaga" sabi ni Charlotte. "Impossible, original bloodline means dapat pati mga ninuno mo katulad natin" sabi ni Misha.

"Can he talk to animals?" bulong ni Michelle. "Yes, ang dami niya nga alaga e" sabi ni Charlotte. "Oh no, lola must know about him" sabi ni Misha. "Why?" tanong ni Charlotte. "Kasi he is an anomaly" sabi ni Misha.

"What do you mean?" tanong ni Charlotte. "Only the pure and original bloodline can do that. If you say his parents are not witches then he is an anomaly. A really big anomaly. I am sorry but lola has to know this" sabi ni Misha.

"Uy teka naman, baka naman ikukulong siya or pag eksperimentuhan" sabi ni Charlotte. "No, we must protect him" sabi ni Michelle kaya napalunok si Charlotte. "Protect him from what?" tanong ni Charlotte.

"Mga ate" sigaw ng bata saka humarap sa kanila. Bumigkas ng orasyon ang bata, napasigaw ang mga dalaga sa sobrang lakas ng ilaw at sabay sabay sila nawalan ng malay. "Ate? Uh oh" bigkas ni Miggy saka kinabahan ng husto.

Isang oras lumipas namulat sina Michelle at Charlotte ng sabay sabay, una nila nakita si Miggy nakakandong sa isang matandang babae at binabasa nila yung libro. "Lola" bigkas ni Misha na tumayo dahan dahan.

"It took you three a long time to wake up" sabi ng matandang babae. "He knocked us out" sabi ni Michelle. "Yes he told me, Miggy is a very bright boy. Okay apo sit down here and keep reading. Don't use the spells without me" sabi ng matanda. "Okay lola" sagot ni Miggy.

MASKARAWhere stories live. Discover now