Pagdating sa bahay, nagsulat na ako ng mga tanong na itatanong ko sakaniya.




Questions to ask Daniel Padilla for our school paper:


1. What inspired you to be what you are now?

2. What it is like to live here without me?
(Ay what the? Bakit ko ba naisulat yan?)

3. What did you miss most about being just a commoner?

4. What did you like best in your career? (PLEASE DON'T SAY YOU'RE LOVETEAMS. Paranoid lang ako.)

5. Did you expect to be this famous?

6. If you could be any animal what would it be and why? (This question is so stupid. Pero wala na talaga akong maisip no!)

7. So you already have an album, who's your inspiration with this?

8. Do you have any regrets in your life?

9. What is your best memory as a commoner? (AKO BA? Sana kahit second to the best lang.)

10. To all your fans at our school, do you have any words for them?


AAAAAAAH! ANG LAME NG QUESTIONS KO!


***


(ENRIQUE'S POV)


Good mood ako. Bakit? Eh kasi naman, nangyari ang plano ko.


Hahaha! At yon ay ang cover story ngayon ni Kath. Whahaha!


Oo, ako nagbalak nun. Dahil kaclose ko naman yung Editor-in-chief nila, napakiusapan ko na yun ang ipagawa kay Kath.


Bakit ko ginawa yun?



Wala, gusto ko lang siyang pagtripan. Hahahaha!



Syempre, at maayos ang problema nila ng ex niya. Nabalitaan ko rin kasi yung kagabi. Bakit pa pinalampas ni Kath yung chance? Ayan na eh, mag eexplain na yung tao, tapos ayaw niya. Sus, mga babae talaga.


Ano kayang mangyayari sa interview niya? Hahahahahaha!

***


(KATH'S POV)



"So here's your VIP ID." tapos may inabot sakin yung EIC namin. Ang arte, may ganito pa?


Pagkatapos niya akong bigyan ng words of wisdom, dumiretso na ako dun sa mall kung saan magaganap yung Grand fans day niya. Pagpasok na pagpasok ko ay...


O______O ANG DAMI NAMANG TAO! Halos mapuno yung mall! Hindi ako OA, totoo po! Sobra! Ang ingay pa! Ganito na agad karami fans niya?



Bago ako pumunta sa may stage ay bumili muna ako ng inumin para kumalma ako. Kinakabahan kasi ako eh. Ewan ko kung bakit.


Kasi siguro magkakaharap na naman kami?


Pero at least, medyo formal 'to.

Sana lang talaga wag maging awkward. Mabilis lang naman 'to eh! Iisipin ko na lang na ibang artista 'to, para ganahan ako. Nandito na ako sa mismong harap ng stage. Naka VIP ata ako no. Mamaya na after nitong prod niya ang interview ko.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now