Chapter 38

11.4K 277 36
                                    

Chapter 38: Dumating na siya

Ilang araw ng unconscious si Dj. Walang sawa akong nagdadasal at ang babantay sa kaniya. Oo, graduating na ako, marami akong kailangang gawin pero kinakaya ko pa naman. Nasabi na rin sa public yung nangyari kay Dj kaya hiatus siya ngayon. Pati ata tapings niya nacancel.

Nandito si Kuya JC, kaming dalawa yung nagbabantay kay Dj ngayon. 

"Kath, magpahinga ka na kaya. Pagod ka na nga sa school tapos pinapagod mo pa ang sarili mo sa pagbabantay." Pag alala ni Kuya JC.

"Hindi... hindi ako aalis. Okay lang ako." Pag iling ko.

At biglang nagbukas ang pinto. Napatingin kaming dalawa ni kuya JC, isang lalaking medyo katandaan. Naka all black siya tapos may scarf siyang kulay pula. Familiar... 

Sino siya?

"Direk?" nagulat ako. Si Kuya JC yan. At si Direk nga... yung nag recruit kay Dj sa showbiz. Ang humadlang sa relasyon namin ni Dj. Ang tanging panira ng buhay naming dalawa.

Kailan pa siya dumating? Ang alam ko umalis 'to eh.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ni Kuya JC. Nakatingin lang ako sakanila.

"Matagal na JC, dear. Hindi ba nasabi sayo ni Daniel? Hindi lang ako nagpaparamdam masyado." Sagot ni Direk. Ang taray talaga ng aura niya.

"Hi... Kathryn. Nandyan ka pala." Kinilabutan ako sa boses at tingin nya.

"Ah... Hello po." Tumango ako, ngumiti naman siya. Nakakatakot.

"Kamusta si Daniel?" 

"Mabuti naman siya Direk." sagot ni Kuya JC. Mukhang nakita nyang natakot ako. Alam din kasi nya yung paghahadlang ng Direktor na 'to samin ni Dj.

"Ah... pwede ko bang makausap si Kathryn?" tumango ako. "Mag isa?" Hinawakan ako sa balikat ni Kuya JC tapos tumango naman ako. Umalis naman siya ng room. Naiwan kami ni Direk, at si Dj na unconscious pa rin.

"Alam mo ba ang ginawa ko sa relasyon niyo?" tanong niya. Kinabahan ako, hindi ko alam kun ano bang sasagot ko. Pero dapat na rin sigurong maging tapat.

"Ah... Opo."

"Sabi ko nga, kasi hindi naman kayo ulit magkikita ni Daniel kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit kayo nagbreak dati eh. Diba?" Hindi ako nakasagot. Nakakatakot siya. Naglakad lakad sya sa room.

"Alam mo kasi Kathryn... inutusan ko rin sila JV at Jaime. Kilala mo sila diba?" What?! Talaga?! Hindi ko na kinakaya ang mga nalalaman ko. Alam na rin kaya 'to ni Dj? Baka hindi pa! Paano ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat ng ito? Dapat naririnig niya to!!! Pero tumingin ako sa kanya, tulog pa rin.

"Pero mukhang hindi naging effective. Nalaman ko na lang na umamin na siya sayo kagabi." Nagpause siya at ngumiti. "May gusto siya kay Daniel, totoo yon."

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon