Chapter 39

12.2K 277 13
                                    

Chapter 39: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

"Bitaw." 

Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin at sabay sabay kaming napalingon dun sa nagsalita. Nakamulat si DJ na nakatingin samin.

Si DJ!!! Gising na! Gising na ang unggoy ko!

"Ack ack Kath..."

"Sorry." napangiti naman ako at napakamot sa ulo. Gising na si Dj, yinakap ko agad sya. Masyado lang akong masaya.

"Master DJ!!!" sigaw nung tatlo. Nung lalapit na yung tatlo...

"Wag kayong lalapit." tapos napatigil sila. Nakakatawa lang yung itsura nila. Haha!

Masyado akong masaya kaya ang daldal ko. Nakwento ko na kay Dj ang lahat lahat. Nakikinig lang sya sakin kasi nahihirapan pa siyang gumalaw at magsalita. 

Masyado akong masaya kaya hindi ko alam kung anong oras na. Basta ang importante kasama ko siya.

Wala na ulit hahadlang saming dalawa.

--

"Kath! Bilisan mo!" 

"Yes mommy wait naman! Mas excited ka pa sakin eh!" Si Mommy kasi nagmamadali, nagbibihis pa lang ako eh. Syempre, medyo nagpapaganda na rin.

"Aba! Ito ang first interview ni DJ na ipapakilala ka nya, syempre maeexcite ako!" Si Mommy talaga. Oo... nabasa nyong tama. Ipapakilala na ako ni DJ sa public. 

At sobrang saya ko. 

Wala na namang problema. Alam ko namang kakayanin namin to. Sana magustuhan ako ng mga tao. Kinakabahan ako, pero wala na akong pakiealam basta alam ko, nagmamahalan kami't wala kaming ginagawang masama.

Pagkababa ko ng kwarto, nakita kong nakangiti si Mommy don. Nandun din si Julia, sasama raw sya kasi number 1 fan daw namin siya. Haha.

"Ang ganda naman ng bestfriend ko." Sabi ni Julia.

"Syempre, kanino pa ba magmamana diba? Edi sa mommy nya." Napatawa na lang kami. Si Mommy talaga.

Pagkarating namin sa studio, pinadiretso nila kami sa dressing room ni DJ. Kinabahan naman ako. Ito na, first time namin 'to. Syempre, gusto rin naman namin 'to iprivate pero si DJ kasi... gusto raw nyang malaman ng buong mundo na mahal nya ako. 

Anng sweet diba. Nakakaiyak.

"Ang ganda naman talaga ng girlfriend ko." Salubong nya sakin.

"Wag ka nga unggoy."

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon