Chapter 2

27.6K 510 75
                                    

Chapter 2 : Popular boyfriend

Sabay kaming umuwi nila Daniel. At eto ako katabing maglakad si Julia kasi nagpapakwento sakin.

“Oo nga, nandun yung Sam Concepcion mo.” sabi ko. Ilang beses ko na naulit to. Ang kulit niya eh, dapat pala di ko na sinabi.

“Talaga?!?!? Diba gwapo?!?! Nakakainggit ka naman! Magpashift nga ako ng course!!” sabi niya. Sabi na eh, lahat gagawin nito.

“Ewan ko sayo.” Sabi ko nalang. Naghyhysterical na naman siya. Patawarin nyo po ang fangirl.

“Hay nako, Juls. Etong si Diego ay nagseselos na.” biglang sabat naman ni unggoy habang umakbay kay Diego. Haha! Eto namang si Diego hindi makatingin kay Julia. Haha!

Lumapit naman si Julia kay Diego. “Uyyy… Wag kang magselos. Crush ko lang naman yun eh! Ikaw naman asawa ko.” sabay hawak niya sa braso ni Diego. At kelan pa natuto si Julia na magpacute? Haha!

“Magsama nga kayo dyan. Mga lovebirds!” Sabay bitaw ni Daniel kay Diego at tumawa. Sakin naman siya umakbay.

“Yan yung freshman sa Theater Arts diba?”

“Oo, yan yung gwapo!”

“May makakatalo na ba sa record ni James?”

“Artista naman yun eh!”

“Gwapo pa rin!”

“Oo nga! Pero gwapo rin to! Daniel daw pangalan nan eh.”

“Kaso may girlfriend?”

“Ehhh? Sayang naman!”

 

Ang iingay nung mga nagbubulungan. Joke, hindi pala bulungan yun. Rinig ko eh. Naglalakad nga pala kami palabas ng University. Magcocommute pati kami, kasi college na kami at kailangan naming matuto sabi ng mga magulang namin. Haha.

Grabe, first day palang sikat na agad si unggoy? Alam ko namang gwapo siya, pero ang bilis naman atang kumalat ng gayuma niya?

***

Second day of classes. Ang bilis naman. Nandito ako sa isa kong klase. At nakita ko sila Aria at Kayla kaya tumabi ako sa kanila.

“Uy! Kath! Nagsasalamin ka pala?” bati ni Aria sakin. Nagnod ako kasi nakasalamin ako ngayon, ayoko kasi munang magcontacts. Nakakatamad maglagay. Tapos, ningitian ko naman silang dalawa na kanina pa nag uusap.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon