"One can breathe underwater... may isa rin na tagagawa ng fireproof armors nila." dagdag ni Kia.

"Wait. Are you saying that they're fully armed?!" gulat na tanong ni Ria.

"Yes." magkasabay na sagot ng dalawa.

•••

"Bakla! Bumalik ka rito!" sigaw ni Ria habang hinahabol si Chase. Enjoy na enjoy ata si Chase dahil sa malawak na ngiti niya... kahit nagtransform na sa malaking ibon ang humahabol sa kanya.

Nakita ko ang isang palaso na papunta sa'kin. Kusang gumalaw ang kamay ko saka tinigil ito ilang inches lang ang layo mula sa mukha ko. Muntikan na yun ah.

"Arrrghhh!" isang amazon ang nagcharge pero yumuko ako saka tinulak siya sa tiyan. Napadpad siya sa kabilang bahagi ng field.

Napangiti ako.

Alam ko na kung paano gamitin ng tama ang weapon ko.

"Teka. Eh diba Alphas versus Huntres and Amazons to EH BAKIT YANG SI CHASE AT RIA ANG NAGDU-DUEL?!" ani Thea na nakahawak sa tuhod niya. Tatlong daggers ang patungo sa kanya pero madali niya itong binalik sa huntre gamit ang staff niya.

Nagsuggest si Heather na i-train kami personally. Nagustuhan rin ata ng mga amazons ang ideya kaya sumali na rin sila.

Napasinghap ako. Sasalubungin ko na sana gamit ang dalawang kamay ko ang kamay ng huntre at amazon. Kaso late na ako. Lumipad na ako sa ere. Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para makadepensa.

Bumagsak ako sa lupa.

Tumayo ako at tinignan ang dalawa na nawala. Nagtaka ako saglit kung saan sila nagpunta.

Bigla nalang akong napaatras dahil nakapalipot na sa leeg ko ang braso ng huntre.

Shoot. Ang bilis nila.

"And you're.. ou-" hindi natapos ng amazon ang salitang 'out.'

"Kneel."

Lumuhod sila at kasama na ako doon dahil nakakapit nga kasi yung huntre sa leeg ko.

"B-bitawan mo'ko."

Sa wakas at nakahinga na rin ako ng maluwag. Nakakapagod rin.

Pinagpag ko ang damit ko pagkatapos tumayo.

"Commanding a warrior is hard. It's easy for us to fight even internal battles." nagulat ako nang tinakpan ng huntre ang bibig ko.

Nawalan kaagad ako ng balanse.

Tinaas ko ang aking mga kamay. Ibig sabihan ay suko na ako. Tinanggal ng huntre ang kamay niya saka sila nag high five sa amazona.

Saktong inanunsyo ni Kia na tapos na ang training.

Tinulungan ako ng dalawa na makatayo.

"Ang galing nyo..." puna ko. Nagtinginan lang sila at tumango.

"It took a huntre and an amazon to make you surrender kaya wag kang magpakahumble!" tinapik ng huntre ang likod ko. "Remember Cesia. Mahirap i-control ang mga katulad namin. We are warriors inside and out afterall. We're not just strong physically... but also mentally.." dagdag niya sabay kindat.

"True." dagdag ng amazon. "So next time we train, make sure you can defeat us."

Tuluyan na nga silang pumunta sa mga kapwa huntres at amazons nila. Samantalang ako, dumiretso kay Thea na kanina pa kumakaway sa'kin.

"Nasa'n si Ria?..." tinignan ko sila. "...at si Chase?"

Nasagot kaagad ang tanong ko.

"PUTAAAA-oomf!" bumagsak sa harap namin si Chase.

Napapikit kami. Ang sakit ng landing niya ah.

Sinundan namin ng tingin si Ria na dahan-dahang bumaba mula sa itaas.. kasabay nito ay ang paglaho ng mga pakpak niya.

"So? kailan tayo babalik sa dorm para kumain?" nakangiting tanong ni Ria.

"Tch." nakatanggap siya ng matatalim na tingin mula kay Chase.

"But first, you have to accompany Chase in the clinic. Seems like he broke his leg." seryosong sagot ni Kara.

Sumingkit ang mga mata ni Ria. Yumuko siya sa tabi ni Chase.

"Argh!" napasigaw si Chase nang sinuntok ni Ria ang tuhod niya. Napangiwi ako nang marinig ang tunog ng nabaling buto.

"I think not. Okay naman ah...and besides, it'll heal soon enough." puna niya.

Napailing nalang ako. Mayamaya, tumawag si Ria ng dalawang huntres para dalhin si Chase sa clinic.

Papunta na kami sa dorm nang mapagtanto kong kulang kami ng isa kaya bumalik ako sa field.

Nagbuntong-hininga ako nang makita ko siya na nakaupo. Nakasandal rin siya sa kahoy habang nakapikit ang mga mata niya.

Teka. Ganito lang ba siya the whole training?

Pinuntahan ko siya.

"Tapos na ang training. Di ka ba nagugutom?" nakameywang kong tanong sa kanya.

Binuksan niya ang mga mata niya at tinignan ako.

"Since when are you concerned?" tumayo siya.

"I-uhh..." wala akong naisip na sagot.

Ginulo niya ang buhok ko. "Come. I'm hungry."

Nauna siyang naglakad.

Di ba pwedeng sagutin niya ng normal ang tanong ko? Abnormal lang? "Psh. Ang weirdo mo talaga."

"Let me remind you daughter of Aphrodite..." he smirked. "hindi ako ang tipo ng taong nakikipag-usap sa mga mapa."

Nanlaki ang mga mata ko nang magets ko ang sinabi niya.

"TREV!"

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now