CHAPTER 16

1K 10 8
                                    

Nang sakay na ng eroplano pauwi ng Pilipinas sina Tin at Slater ay napansin ni Tin na kumaway ang asawa habang nakatingin sa kabilang panig ng mga upuan. Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito ay nakita niya ang nakangiting mukha ng babaeng nakilala nito noong nagdaang araw, si Gail. Pakiramdam niya ay umusok ang bumbunan niya.

Ano ba ang problema ng babaeng 'to? Hindi ba ito makaintindi?

Sa halip na magsalita pa ay inihilig na lang niya ang ulo sa balikat ng katabing si Slater. Lalo naman siyang kinabig nito palapit.

Slater: Hi babe!

Tin: (Napangiti nang marinig ang tinig ni Slater mula sa kabilang linya) At talagang kinareer mo na ang pagtawag sa'kin nyan ha? (Laughs) Kakaalis mo lang, napatawag ka na agad? May nakalimutan ka?

Slater: Wala naman. Naisip ko lang na baka gusto mong marinig ang boses ko or something?

Tin: (Nagsungit-sungitan) Duh! Hindi ka rin naman talaga masyadong bilib sa sarili mo no?

Slater: Grabe ka, hindi naman! Ay! Oh sige na nga, ba-bye na at baka nakaka-istorbo lang ako.

Tin: Sige, ba-bye! (Nang-aasar ang tono)

Makalipas ang ilang segundo...

Tin: Oh, akala ko ba ba-bye na? Ibaba mo na kaya.

Slater: Eh ikaw, bakit di mo pa binababa? Nagba-bye ka na rin ah.

Tin: Ikaw kaya tong tumawag, kaya ikaw dapat ang unang magbaba.

Slater: Ganun ba yun?

Tin: Yup! Hmm... Sige na nga, ako na lang. Bye Sla---

Slater: Tin-Tin wait!!!

Tin: Bakit?

Slater: Ano kasi... Hmm... Hindi mo talaga na-miss ang boses ko? O kaya ako mismo?

Tin: (Natawa sabay kinikilig) Bakit naman gusto mo pang malaman?

Slater: Hmm... Kasi ako... miss na kita.

Tin: (Pigil-pigil ang sariling mapatili sa sobrang kilig) Talaga?

Slater: Oo naman!

Tin: (Ngiting-ngiti) Okay sige, miss na din kita.

Slater: Totoo?

Tin: Oo, pero slight lang!

Slater: (Pumalatak) Ang sama mo talaga!

Jean: Whoa! Are you seeing what I'm seeing Fritzie?

Fritzie: I think I am Jean!

Makahulugang sabay na tumingin ang dalawa sa kakaupo pa lamang na si Tin. Nagkayayaan silang magkakaibigan na kumain sa labas.

Tin: (Napakunot-noo) Ano yan ha?

Jean: Uy, ano daw! (Tawa) Nagmamaang-maangan pa!

Tin: Huh? (Clueless) Ano nga?

Fritzie: Bakit blooming ka ngayon bakla?

Jean: In love ka no?

Tin: Grabe naman kayo! Pag blooming, in love agad? Hindi ba pwedeng... (Napaisip kung ano ang idudugtong)

Fritzie: Ano? Ano? (Laughs)

Tin: Ano... Masaya lang?

Jean: Duh! Parehas lang yun!

Tin: Hindi kaya! (Kinuha ang cellphone sa bag) Marjie tulong!

Habang dina-dial ang numero ng kaibigan ay nakangiting nakamasid lang sa kanya ang dalawa.

Marjie (sa kabilang linya): Oh bakit?

Tin: Asan ka? I need back up! Pinagtutulungan ako ng dalawa dito!

Marjie: Sorry baks, andito ako sa Tagaytay ngayon.

Tin: Huh? Ano naman ang ginagawa mo dyan?

Marjie: Niyaya kasi ako ni Carlito.

Tin: Sino namang Carlito yan? Ang tanda ng pangalan ah! (Natawa)

Marjie: Grabe ka, si Carlo yun!

Tin: Ah may ganyanan na? Porke may Carlo ka na, hindi ka na nakakasama sa'min?

Marjie: Uy wag kang magmayabang dyan! Ikaw rin no, nagka-Slater ka lang, halos hindi ka na rin naman namin mahagilap. (Tawa nang malakas) Oh sige na, tawag na ako ni Carlito. Chika tayo next time!

Tin: Okay. (Call ends) Sila ba? (Ang tinutukoy ay sina Marjie at Carlo)

Jean: Kanina hindi, ewan ko lang ngayon.

Nang dumating ang pagkain ay itinuon na nila ang atensiyon doon.

Fritzie: Seriously baks, kamusta na nga kayo ni Slater?

Tin: Ok lang. Mas nagkakasundo na kami ngayon unlike before.

Jean: Ahh... Kaya na-in love ka na sa kanya?

Tin: Huh?

Jean: I mean, kaya masaya ka ngayon?

Tin: (Nag-isip) Hmm... You could say that.

Fritzie: Ahh... Kaya rin ba blooming ka ngayon?

Napatango nang wala sa oras si Tin.

Jean: Waaaaah!!! Alam na!

Tin: Argh! Ang kulit nyo! Hindi nga ako in love! Ayokong ma-in love!

Fritzie: Oh? Wala naman na kaming sinabi na in love ka eh. Defensive? (Laughs)

Tin: ...

Jean: Hay naku, Tin... Kalimutan mo na kasi yang sumpa mo sa mga guys na yan! Kung mai-in love ka, edi go! Huwag mong pigilan ang sarili mo.

Tin: Ayoko nga kasi di ba? Ilang beses na ba akong na-in love at nasaktan?

Fritzie: Twice pa lang naman!

Tin: Huwag mo namang ma-lang-lang yun! Ang sakit kaya nun! Tsaka ayoko na talaga, malas naman yata talaga ako when it comes to love eh.

Jean: Okay okay! Given na masakit nga. Pero ayaw mo na ba ulit sumubok? Malay mo, si Slater lang pala talaga ang magbe-break ng record mo sa pagiging malas! (Laughs)

Fritzie: May point si Jean, Tin. Ang love, hindi naman yan laging one-shot na sa unang try pa lang eh happy ending na. Trial and error kumbaga. Tsaka never mo talagang mahahanap si Mr. Right kung sa ilang beses pa lang na nasaktan ka eh hihinto ka na. Dapat go lang nang go!

Jean: True! Huwag kang magpapatalo sa dalawang heartaches lang.

Tin: W-h-a-t-e-v-e-r! Bahala na.

LOVEBUG (ON HOLD)Where stories live. Discover now