CHAPTER 9

1.1K 14 10
                                    

Kinabukasan, paggising ni Tin ay hindi niya nakita sa tabi niya si Slater.

Tin: Hindi siya dito natulog? Bakit? (Sumingit ang isip niya) Bakit, bothered ka Tin? Hindi ba, yun naman ang gusto mo sana?

Bumangon na siya.

Tulad ng ipinangako sa sarili ay hindi na ulit siya sumubok pang magluto. Sa halip ay naligo na lang siya at naghanda para sa school. Palabas na siya ng gate nang makasabay niya si Slater.

Tin (wala sa loob na nasabi): Morning.

Hindi naman kumibo ang lalaki. Tinungo nito ang kotse nito samantalang siya ay tinungo ang gate.

Napahinto siya sa pagbubukas ng gate nang biglang magsalita ang lalaki.

Slater: Saan ka pupunta?

Tin: Mag-aabang ng taxi.

Dahil share lang sila ng mommy niya sa kotse ay hindi na niya dinala iyon sa paglipat niya ng bahay. Okay naman sa kanya ang mag-commute na lang.

Slater: Sabay na tayo. Halika na dito.

Tin: Naku, wag na. Okay lang ako. (Rule no. 2: Be nice to each other.)

Nilapitan siya ni Slater at hinila sa kamay. Iginiya siya nito pasakay ng kotse.

Slater: For once Tin-Tin, wag na matigas ang ulo. Parehas lang naman ang pupuntahan natin eh. (Sumakay na rin ito) O, seatbelt mo.

Ito na ang naglagay ng seatbelt niya. Sa sobrang lapit nito sa kanya ay nanuot sa ilong niya ang amoy nito. Ang bango pala nito. Napapikit siya. At nang magmulat siya ay nakatingin na pala ito sa kanya. Ngiting-ngiti ito. Napahiya tuloy siya.

Slater (singing): Hey, daydreamer! (Tawa) Ikaw ah, siguro lagi mo ko pinagpapantasyahan no?

Tin: Uy, hindi ah!

Slater (titig na titig at nangingiti pa rin): Then why are you blushing?

Huh? Namumula ba siya?

Wala sa sariling napahawak siya sa pisngi niya.

Tin (todo deny): Blush-on kaya to! Adik ka!

Slater: Huh? Adik ka sa'kin?

Tin (nagtaray-tarayan): Heh! Mag-drive ka na nga lang! Baliw!

Slater (kanta ulit): Nababaliw na si Tin sa akin... Siya ay litong-lito... Naloloka, nahihibang... Sa kaiisip sa'kin... Si Tin! (Laughs)

Tin: Argh! Slatuuuuuuhr!!!

Pagkalipas nang mahigit sampung minuto ay napansin niyang inihinto ni Slater ang kotse sa tapat ng isang coffee shop. Pagkatapos ay bumaba ito saka siya pinagbuksan ng pinto.

Slater: Tara, kain muna tayo. Maaga pa naman.

Tin: Ayoko, busog ako.

Slater: Paano ka mabubusog eh pareho tayong hindi nag-breakfast? Halika na!

Pagkababa pa lang ng kotse nina Tin at Slater ay ang mga kaibigan na ni Tin ang una niyang nakita na nasa di kalayuan.

Tin (to Slater): Sige, salamat ha.

Slater: No problem! (Smiles) Anong oras ang labas mo?

Tin: 5:30.

Slater: (Smile ulit) Tamang-tama, 5:10 ako. Hintayin na kita, dito rin ha?

Tin (nagtataka): Bakit?

Slater: Ah, wala lang. Para makatipid tayo. (Saglit na tila naghagilap pa ito ng sasabihin) Mahirap ang buhay ngayon, hindi mo ba alam yun? Haist!

Medyo nainis na naman siya sa huling sinabi nito. Kung maka-haist ito, akala mo naman ang tanga niya para hindi malaman yun. Ngumiti siya ng peke para hindi nito mahalata na nainis siya.

Tin: Huwag na, mauna ka na. May usapan pa kami nina Marjie eh. (Sabi na lang niya kahit wala naman talaga)

Slater: Ay ganun? Sige, ingat na lang.

Naglakad na siya patungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Mataman ang pagkakatitig ng mga ito sa kanya.

Tin: What?

Jean: (Tumikhim) So, starting today sabay na kayo papasok?

Tin: Huh? Hindi ah! Hmm... Ewan ko.

Marjie: In good terms yata kayo ngayon? Parang kahapon lang, gigil na gigil ka sa kanya ah.

Fretzie: Siguro may kababalaghang nangyari kagabi no?

Tin: Grabe kayo! Wala kaya!!!

Jean: (Natawa) Maka-wala kaya ka naman dyan!

After class...

Tin (kunot-noo): O, di ba sabi ko mauna ka na? Bakit hinintay mo pa ko?

Slater: (Smiles) Hindi naman ikaw ang hinihintay ko eh.

Tin: (Ngek?) Eh sino?

Slater: Kaibigan ko! Hay naku Tin-Tin! (Laughs)

Noon naman lumabas ang kaibigan nito mula sa CR malapit sa room nila.

Slater (to Carlo): Okay na dude?

Carlo: Yep! (Ngiti kay Tin) Hi Christine! 

Mabuti pa ang isang to, mukhang cool pero hindi mayabang.

Tin: Hi... Ahm... Ano nga pala ang pangalan mo?

Carlo (inilahad ang kamay): Carlo, Slater's buddy.

Tin (nakangiti): Nice to meet you, Carlo.

Nagkamay ang dalawa. Noon tumikhim si Slater.

Slater: Ehem! (Napalakas ang tapik sa likod ni Carlo) Tara na! Baka mainip sina Jessie!

Carlo: Hmm... (Ngumiti nang makahulugan) Sige, Christine. See you around!

Tin: Sige, ingat! (Waved)

Slater: Haist! (Hinila na si Carlo) Tara na! (Lumapit kay Tin at akmang hahalik sana pero tila may naalala kaya umatras ulit) Bye, Tin-Tin!

Bago pa makalayo ang dalawa ay huminto sa paglalakad si Slater at muli siyang nilingon.

Slater: Ahm... Tin-Tin.

Tin: Yes?

Slater: Alis na kami.

Tin: Okay, go!

Slater (humakbang pero huminto at lumingon ulit): Tin-Tin.

Tin: Bakit?

Slater: Baka hindi ako makauwi hanggang dinner ah?

Tin: No problem.

Slater (napahinto ulit): Tin-Tin?

Tin (nangunot na ang noo): O?

Slater: Ahm... Male-late ako ng uwi ah?

Tin: K!

Slater: Tin---

Carlo (natawa): I thought nagmamadali tayo?

Napakamot sa ulo si Slater. Tuluyan nang umalis ang dalawa.

Tin: Weird...

LOVEBUG (ON HOLD)Where stories live. Discover now